Chapter 25

228 7 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito kami ngayon sa Office ni Headmaster Alex dahil mayroon daw ibinigay si Lola Silver na isang misyon sa aming mga Prinsipe at Prinsessa diko naman alam kung para saan ang misyon na yun.

“Okay ngayong nandito na kayong lahat ay sasabihin ko na ang misyon niyo!”—saad naman ni Headmaster Alex.

“Headmaster bakit po pati kami kasama ehhh para lang naman po yan sa Sarichia Continent!”—saad naman ni Avani.

“Kung ayaw mong sumama ehhh di lumabas ka!”—saad ko naman.

“Talagang lalabas ako!”—saad naman ni Avani.

“Ehhh di lumabas ka kala mo naman kailangan ka namin!”—saad ko naman at lumabas na ang bruha.

“Ohhh kung sino pa ang ayaw sumama ay lumabas na pero kung sasama kayo ay manatili nalang kayo sa mga kinauupuan niyo!”—saad naman ni Headmaster Alex pero walang may ljmabas kaya ibig sabihin lang nito ay sasama sila.

“Okay ang Una niyong Misyon niyo ay hahanapin niyo ang sinaunang Grimoire dahil malaking tulong yun para kay Goddess Silver, ang pangalawa niyong misyon ay hanapin ang korona ng Celestial Prince, Pangatlo naman ay kunin niyo ang Demonic Staff sa dating kaharian ni Demon God dahil kapag naunahan tayo ng mga Demon ay mahihirapan tayong matalo ang Celestial Demon!”—saad ni Headmaster Alex.

“Siya nga pala kapag pumunta kayo sa dating kaharian ng Demon God at may makita kayong mga makapangyarihang mga bagay ay kunin niyo para makatulog sa atin!”—saad pa ni Headmaster Alex.

“Cge po!”—saad naman namin.

“Cge na maghanda na kayo sa inyong paglalakbay, magdala na rin kayo ng mga pagkain at damit niyo dahil matatagalan bago kayo makabalik dito, siya nga  pala Prince Argus ikaw na ang humawak ng mga mapa na yan at ikaw na po ang Leader nila sa misyong ito!”—saad naman ni Headmaster Alex kay Kuya Argus.

“Cge po!”—saad naman ni Kuya Argus at kinuha na ang mga mapa.

Lumabas naman kaming lahat ng Office at bumalik kami sa Dorm namin dahil magiimpake kami ng mga damit namin at mga pagkain na dadalhin namin sa aming paglalakbay.

Ngayon nga ay nandito na kami ni Kristof sa kwarto ko at di na kami magiimpake dahil dinala niya lahat ng mga damit niya dito sa kwarto ko kaya ito nagiimpake ngayon at isinisilid namin sa Magic bag para di maging sagabal sa aming pakikipaglaban baka kasi may makalaban kami ehhh.

“Babe isang Magic bag nalang ang dadalhin natin kasya naman ang mga damit natin ehhh tsaka magdadala tayo ng mga pagkain para di tayo magutom!”—saad naman ni Kristof.

“Cge ikaw bahala Babe!”—saad ko naman.

“Babe Tara kumuha muna tayo ng mga pagkain sa palasyo namin at kunan na din sina Kuya!”—saad ko naman kay Kristof.

“Cge tara!”—saad naman ni Kristof kaya naman ay naglaho na kaming dalawa at paglitaw namin ay nandito na kami sa kusina ng palasyo namin at naabutan namin na nagluluto si Daddy ng mga pagkain at ang daming mga pagkain na ang nasa mesa at lahat ng mga pagkain ay nakasilid sa isang lalagyan na may takip.

“Ohhh anak, tamang tama dahil paluto na itong niluluto at madadala niyo na ito sa inyong paglalakbay!”—saad naman ni Daddy.

“Daddy ang dami naman po niyan, tsaka baka po mapanis po yan!”—saad ko naman.

“Anak ano kaba naman, siguro nauntog yang ulo mo, ang mga pagkain natin dito ay di napapanis dahil may halo itong majica!”—saad naman ni Daddy.

“Ayyy oo nga pala, nakalimutan ko!”—saad ko naman at natawa ako.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon