Chapter 9

266 6 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Kendrick’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito na kaming lima sa Dorm namin dito sa Academy dahil balik na ulit kami sa pagaaral dito sa akin at ganon pa rin wala pa rin dito mga Prinsipe at Prinsessa, nagsabi na rin naman kami kay Headmaster na kung pwede ay dito na tumuloy ang mga Prinsipe at Prinsessa sa Dorm namin.

“Kumusta na kayong lima?”—tanong naman ni Alonzo.

“Oo nga naman!”—saad naman ni Kleo dito na kasi sila tumutuloy ehhh.

“Ikaw okay lang naman!”—saad naman namin nina Kuya.

“Siya nga pala bakit kasama ni Ysabel si Kristof kanina nang dumating sila dito sa Academy?”—tanong naman ni Alodia sa amin.

“Ahhh, kasama ko kasi yun sa batis at dun kami natulog na dalawa!”—saad ko naman, habang sina Kuya naman ay nakikinig lang.

“Huh? Magkatabi kayong matulog?”—gulat na pasigaw na tanong ni Alonzo kaya naman ay napatakip kami ng tainga ang sakit kasi ng boses niya ehh.

“Wag ka ngang sumigaw, kaya ayaw sayo ni Kristof ehhh dahil dyan sa bunganga mo!”—saad ko naman.

“Aray ko naman bes ahhh ang sakit nun!”—saad naman ni Alonzo.

“Totoo naman dahil nakausap ko si Kristof kagabe at ang sabi niya ayaw daw niya sayo kasi ang ingay ingay mo daw!”—saad ko naman.

“So kapag di na ako magingay, magugustuhan na ako ni Kristof?”—tanong naman ni Alonzo sa akin.

“Hindi pa rin, dahil sabi niya nanumpa daw siya sa Celestial Mother na ako lang daw ang iibigan niya at kung di man kami magkatuluyan ay di na daw siya magaasawa!”—saad ko naman.

“Ayyyy, Iba ang tama sayo ng Unang Prinsipe ng Flyn Continent talagang sa Celestial Mother pa nanumpa ng pagibig para sayo, iba talaga ang nagiisang Prince Kendrick!”—saad naman ni Autumn.

“Sira!”—saad ko naman.

“Pero okay lang ba kina Prince Argus?”—tanong naman ni Jake.

“Oo naman, walang problema yun sa amin tsaka nagsabi na sa akin ang Celestial Mother na silang dalawa talaga ang magkakatuluyan kaya kung ako sayo Alonzo tigilan mo na yang nararamdaman mo para kay Kristof dahil ang bilin sa akin ng Celestial Mother kung sino man ang makikialam o makikisawsaw sa kanilang pagmamahalan kaming apat ang makakalaban nila!”—saad naman ni Kuya Argus.

“Oo na!”—saad naman ni Alonzo.

“Mabuti naman kung ganon!”—saad naman ni Kuya Argus.

“Huyyy, Kendrick lumabas ka dyan!”—biglang sigaw ni Avani kaya naman ay lumabas kaming lahat at nakita kong mayroong mga matutulis na espada ang nakapalibot kay Avani.

“Ohhh bakit anong kailangan mo?”—tanong ko naman.

“Bakit niyo sinasarili ang Dorm na yan?”—tanong naman ni Avani.

“Bakit may sinabi ba akong sinasarili ko itong Dorm na ito, tsaka nagsabi kami kay Headmaster na dito nalang kayo patuluyin dahil okay lang sa amin na magkakasama tayo dito sa Dorm na ito!”—saad ko naman.

“Umalis kayo dyan!”—saad naman ni Avani.

“Owwss, bakit kami aalis ehhh pinagawa itong Dorm na ito para sa ating mga Prinsipe at Prinsessa!”—saad ko naman.

“Ayaw niyong umalis ahhh!”—saad naman ni Avani at inatake ako ng kanyang mga espada na nakalutang kaya naman ay inilabas ko na ang aking Demonic Whip at inatake ko ang mga espada ni Avani na papunta sa akin at ng tamaan ng latigo ko ang kanyang mga espada ay biglang nasunog ang mga espada ni Avani.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon