Chapter 46

205 4 0
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️Silver’s POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito kami ngayon ni Dave sa Celestial Queendom at nakikita namin ang asaran nina Jade at Jaiden.

“Ang hilig talagang mangasar ng anak natin kahit sino ay inaasar”—saad naman ni Dave.

“Tama ka, kita mo naman ohhh sasabog na sa sobrang inis si Jaiden, hahah!”—saad ko naman.

“Hahahah, kahit nga ako ay di nakaligtas sa pangaasar ng batang yun!”—saad naman ni Dave.

“Hahahah!”—tumawa nalang ako dahil naalala ko ang mukha ni Dave nung inaasar siya noon ni Jade.

“Nell lumabas ka!”—saad ko naman kay Nell at lumabas naman ito sa harapan ko pero nakahuman Form ito at wala rin itong pak pak.

“Bakit po Master?”—tanong naman ni Nell sa akin.

“Bantayan mo si Jade dahil nakikita ko na gagamitin ni Hikaru si Jade laban sa akin kaya bantayan mo siya ng mabuti at wag mong pababayaan!”—saad ko naman, nakita ko kasi na inutusan ni Hikaru ang mga alagad nito para alamin ang mga Spirit ni Jade at nagtagumpay naman sila kaya kailangan kong pabantayan ng mabuti si Jade.

“Opo Master!”—saad naman ni Nell.

“Pero wala kang gagalawin sa mga Apo ko ahhh dahil may mga kasintahan na ang mga yun!”—saad ko naman.

“Opo master!”—saad naman ni Nell.

“Mabuti naman kapag nabantayan mo ng mabuti si Jade ay tatanggalin kita sa pagiging spirit!”—saad ko naman.

“Talaga po ba? Naku maraming Salamat po Master!”—saad naman ni Nell.

“Oo naman kaya ayusin mo ang pagbabantay kay Jade!”—saad ko naman.

“Cge po, aalis na po ako!”—saad naman ni Nell at naglaho na ito.

“Tara pumunta tayo sa mga kulungan, gusto ko silang gawing spirit para di sila makuha ni Hikaru!”—saad ko naman kay Dave.

“Papayag kaya sila?”—tanong naman ni Dave.

“Sana, tara na!”—saad ko naman.

Kaya naman ay naglaho na kami at paglitaw namin ay nandito na kami sa loob ng kulungan ng mga masasamang nilalang.

“Luster!”—pagtawag ko sa Dyos ng pagnanasa at lumapit ito sa pintuan ng kanyang kulungan.

“Bakit?”—tanong naman ni Luster.

“Wag mo kaming paandaran ng majica mo dahil di yan uobra sa amin!”—saad ko naman.

“Pasesnya na po Celestial Goddess!”—saad naman ni Luster.

“Payag ka bang maging Spirit ko?”—tanong ko naman kay Luster at nang marinig niya yun ay nagulat ito.

“Hindi ka ba nagaalala na baka di ako sumunod sa mga utos mo?”—tanong naman ni Luster.

“Di naman dahil kapag di ka sumunod sa akin at papatayin kita sa isang pitik lang ng daliri ko at kahit nasaan ka ay mamatay ka pa rin!”—saad ko naman at nang marinig niya yun ay nanlaki ang mga mata nito.

“Huh? Wag naman gusto ko pang makita at maging asawa si Nelly ehhh!”—saad naman ni Luster.

“Ehhh di sumunod ka sa aking mga kagustuhan at magkakasundo tayong dalawa!”—saad ko naman.

“Cge na nga!”—saad naman ni Luster.

“Ako si Luster ang Dyos ng pagnanasa o God of Lust ay pumapayag na maging Spirit ng Celestial Goddess at susundin ko ang mga utos ng Celestial Goddess!”—saad naman ni Luster at lumitaw ang kalahati ng magic circle sa kinatatayuan nito, naramdaman ko namang lumayo si Dave sa akin.

The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon