⚜️⚜️⚜️⚜️Third Persons POV⚜️⚜️⚜️⚜️
Natapos na nga ang digmaan pero mababakas mo pa ang mga sirang gusali at mga kabahayan kahit ang Summoner Kingdom ay di nakaligtas dahil bumagsak ang isa sa mga pinakamataas na gusali dulot ng pagsabog ng mga Dagger at Light Worms ni Silver, buti nalang walang may nasaktan.
“Nelly, Luster!”—pagtawag ni Silver sa dalawa nitong spirit maya maya pa nga ay lumitaw na sina Nell at Luster.
“Bakit po Master?”—tanong naman ng dalawa kay Silver.
“Gusto niyo bang maging malaya at magkaroon ng mga Anak?”—tanong naman ni Silver sa dalawa.
“Oo namn po Master, sino po ba ang ayaw nun!”—saad naman ng dalawa napangiti naman si Silver.
“Kung ganon ay palalayain ko na kayong dalawa pero, wag na wag kayong gagawa ng masama dahil malalagot kayo sa akin!”—saad naman ni Silver sa dalawa at natuwa naman ang dalawa.
“Talaga po? Naku maraming Salamat po Master, pangako po palagi po kaming magiging tapat sayo habang kami ay nabubuhay!”—saad naman ng dalawa at lumuhod ito.
“Mabuti naman kung ganon!”—saad naman ni Silver..
“Ako si Silversmith Cervantes ang Celestial Goddess na isang Summoner, simula ngayon ay pinapalaya ko na ang dalawa kong spirit na sina Nell at Luster!”—bigkas ni Silver at nawala ang naglilink na enerhiya sa kanilang tatlo.
“Maraming Salamat po, Master!”—saad ni Nell at tuwang tuwa ito.
“Siya nga pala gamitin mo ito para makontrol mo ng maayos ang majica mo!”—saad naman ni Silver kay Luster at sabay kumpas ng kamay nito at lumabas ang isang Magical Staff.
“Maraming Salamat po Master!”—saad naman ni Luster at kinuha ang Magical Staff nito.
“Jharren at Arsen panahon na para bumaba kayo sa pwesto bilang Emperor ng buong Rivaryn!”—saad naman ni Silver kina Jharren.
“Alam po namin Lola Silver!”—saad naman ni Jharren.
“Sa oras po ng piging ay dun po kami baba sa pwesto!”—saad naman ni Arsen.
“Cge dadalo kami!”—saad naman ni Dave.
“Pero ngayon ay kailangan niyo nang ipasa kina Kenjie at Kaizer ang posisyon niyo sa Lahore dahil naghihintay na ang inyong mga trono sa Celestial Kingdom!”—saad naman ni Silver.
Tumango lang sina Arsen at Jharren at naglaho na silang lahat at paglitaw nila ay nasa Lahore na sila.
“Ancestral God, Celestial Mother, Celestial Goddess!”—saad naman ng mga Dyos at Dyosa.
“Tumayo na kayong lahat!”—saad naman ni Silver kaya naman ay nagsitayuan naman ang mga Dyos at Dyosa.
“Jharren umpisahan muna!”—saad naman ni Silver at naupo silang lahat sa mga upuan.
“Kenjie!”—pagtawag ni Jharren sa kanyang anak, lumapit naman ang dalawa sa Magic Circle.
“Ako si Jharren ang nakaupong Moon God at sa araw na ito ay kailangan ko nang ipasa ang aking Tungkulin at Kapangyarihan bilang Moon God at ang napili ko ay ang taong nasa harapan ko!”—saad naman ni Jharren at lumiwanag ang Magic circle.
“Ako si Kenjie, anak ng nakaupong Moon God ay tinatanggap ko ang bago kong tungkulin bilang Moon God!”—saad naman ni Kenjie.
Kaya naman ay ikinumpas na ni Jharren ang kamay nito at lumabas ang Kapangyarihan nito bilang Moon God at pumasok yun sa katawan ni Kenjie at nakaramdam naman ito ng kanyang sobrang panghihina kaya naman ay agad agad itong ginamot ni Jharren.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the Celestial Prince(A Powerful Gay Summoner Book 4)
FantasyMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn. Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang na...