CHAPTER 2

7.2K 92 7
                                    

-STEPHANIE

I woke up in the wrong side of the bed kaya masakit ang ulo ko. Bumangon na ako saka pumunta sa bathroom. Mabuti na lang at maaga akong nagising kasi ayaw ko rin naman ma-late. Binilisan ko talaga ang pagliligo at pagsesepilyo. Sa canteen na lang ako kakain ng agahan.

Sinuot ko na rin ang uniform ko. Black blazer, red polo long sleeve buttoned-down with red ribbon necktie, and black skirt that three inches above the knee. Red sock na hanggang tuhod at black shoes. Ganʼyan ang uniform namin at nakalagay sa right side ng dibdib ko ang nametag habang sa left side ay logo ng school. Seventeen University ang pangalan ng University namin.

Black mini bagpack lamang ang dala kong bag dahil iniiwan ko sa locker room ang libro ko. Nakakapagod ʼpag dala-dala mo araw-araw. Pagkatapos ko nag-ayos ay lumabas na ako sa aking kuwarto then I heard another drama scene.

“Kailan mo ba ako mamahalin, Steve? May anak na tayo pero iba pa rin ang mahal mo. Pumupunta ka pa rin sa kabit mo. Ano bang kulang para mahalin mo rin ako?” I heard my mother cried after saying those words.

Ramdam ko ang hinanakit nʼya sa mga salitang iyon. This is the reason why I want to leave this house. I already feed up with their everyday argument.

“Hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo na arranged marriage lang ang nangyari sa atin habang may mahal ako. You also broke my trust, inakit mo ako kaya ako nalasing at nagkaroon tayo ng anak. Kahit kailan ay hindi ko ituturing na anak ang anak mo. Kaya tigilan mo na ang drama mo!” galit din na sigaw ni Papa kaya lumapit ako sa kinaroroonan nila pero nagtago ako para hindi nila ako makita.

I see how my mother begged and my father didnʼt care about it. Nakaluhod si Mama habang umiiyak at hawak pa nʼya ang kanang paa ni Papa na pinipigilan na umalis. Dala ni Papa ang malaki nʼyang bag na naglalaman ng mga gamit at damit nʼya. Mukhang lalayas na sʼya sa bahay namin.

“Please, hʼwag mo akong iwan, Steve. Mahal na mahal kita at okay lang na hindi mo ako mahal basta manatili ka lang sa tabi ko. Hʼwag mo akong iiwan,” sabi ni Mama at mas lalong lumakas ang hagulgol nʼya.

Marahas na tinanggal ni Papa ang kamay ni Mama sa kaniyang kanang paa. “Tumahimik ka, Criselda. Aalis ako at iiwan ko ang pamilyang ito. Pagod na ako manatili rito, sasama na ako sa mahal ko. Ayaw ko manatili sa taong hindi ko mahal kaya tigilan mo na ang drama mo. Kahit ano ʼpang gawin ko ay hindi kita kayang mahalin dahil may mahal akong iba kaya tumahimik ka na,” sambit ni Papa at aksidenteng nagtama ang paningin namin dahil lumabas ako sa pinagtataguan ko.

Malamig ang tingin ko sa kanila habang si Papa ay parang wala lang kami ni Mama sa kaniya. “Mahalin at alagaan mo na lang ʼyang anak mo kaysa pigilan pa ako sa pag-alis. Bahala ka na sa buhay mo dahil pagod na pagod na ako sa bunganga mo araw-araw na pumuputak," sambit ni Papa at tinapunan pa nʼya ako ng tingin bago sʼya umalis.

Naiwan si Mama na patuloy na umiiyak habang binabanggit nʼya ang pangalan ni Papa. Hindi ko rin naman tinuring na tatay 'yong tatay ko dahil never sʼyang nagpakatatay sa akin. Lumapit ako sa puwesto ni Mama at napansin naman nʼya ang presensiya ko.

“Iniwan ako ni Steve dahil sa ʼyo. Kung hindi ka lang nabuhay ay baka mahalin nʼya pa ako. Sinira mo ang buhay ko!” galit at umiiyak na sabi ni Mama.

“Okay, itʼs my fault,” blanko kong sambit at umalis na sa bahay.

Wala akong gana makipagsagutan sa nanay ko. Siya lang ang kilala kong tao na tanga sa pag-ibig. Iʼll never do what sheʼs doing. Ayaw ko magpakatanga sa pag-ibig dahil ayaw ko pagdaanan ang pinagdaanan nʼya ngayon. Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito paalis. Mabuti na lang at nabuksan ng mga maid ang gate.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon