SPECIAL CHAPTER 1

536 11 0
                                    

-ZAFIRO

I hate it. I hate this kind of work. Lagi na lang, hindi ba dapat makapagpahinga na naman ako kahit kaunti lang. Tapos problema ko pa itong company namin na isa. Mabuti na lang naagapan ko kasi muntik na mahulog sa bankrupt.

I hate my step father, I know that heʼs not my father. Hindi alam ng nanay ko na alam ko na hindi ang lalaking ito ang tatay ko. Kilala ko ang tatay ko at nakaka-usap ko pa. Naghahanda kami ng plano para mapabagsak ang step father ko. Pero kailangan namin mag-ingat kasi may hawak na malawak na organization ang step father ko.

Si Hezekairo ang naging mata ko sa organization na ʼyon kasi pumasok sʼya sa hindi ko malaman na dahilan. Lahat ng impormasyon tungkol sa organization na ʼyon ay nalaman ko dahil kay Hezekairo.

“Fvck,” mahina kong mura habang nakahawak sa aking pisnge na may pasa.

May mga sugat at pasa ako dahil sa kagagawan ng step father ko. Pinagtanggol ko ang aking ina laban sa kaniya, pero hindi ʼyon nakita ni mama dahil nahimatay sʼya. Nagpapasalamat ako na walang kahit anong sugat o pasa si Mama. I really love my mother but she doesnʼt know it.

She thought I donʼt feel love but she was wrong. Ever since, I was a child there is someone who caught my attention but she never looked at me. I did the most cruel thing and that is I hired someone to kidnap her and give her to someone who want to raise a child.

Ang kasalanan ko lang ay bata ako noʼn at hindi ko maalala ang nautusan ko at hindi ko na nakita pa kung sinong babae ang nakakuha sa batang babae na ʼyon. I tried to forget her but I canʼt. Her smile is so amazing and her cold eyes.

Hanggang sa lumaki at naging 17 years old ay patuloy ko sʼyang hinahanap. Pero hindi ko talaga sʼya mahagilap. Naglalakad ako rito sa hallway ng senior high school building kasama ang mga kaibigan ko.

Actually, SHS  na kami at may kaniya-kaniyang company pero nagpanggap kami na JHS para mabantayan ang school na pag-aari namin. Napatigil ako sa paglalakad dito sa STEM Building. Napatigil din ang mga kaibigan ko at nagtataka ang tingin nila sa akin.

“Oh, anong nangyari sa ʼyo? Feeling tired?” nakangising tanong ni Cyziel pero sinamaan ko sʼya ng tingin.

I hate this asshole because of his attitude. Sʼya lang ang naglalakas loob na kalabanin ako kasi takot sa akin ang mga kaibigan ko. “Get lost, I need fresh air. Donʼt you dare to follow me,” sabi ko at naglakad papunta sa hagdan ng stem building.

“Donʼt worry, wala kaming balak na sundan ka.”

Napakuyom ang aking kamao dahil sa sinabi ni Cyziel. I really hate his presence. Hindi ko namalayan na nakarating ako sa rooftop ng stem building. Umupo ako malapit sa railings at lumanghap ng sariwang hangin.

Biglang pumasok sa isipan ko ang dinanas ko sa harap ng aking step father. Binugbog at pinahirapan nʼya ako kanina dahil nawala sa kaniya ang mga shares ng company, pero sinadya ko na kunin sa kaniya dahil hindi naman nʼya pag-aari.

Kung hindi ako magpapabugbog sa kaniya ay nanay ko ang bubugbogin nʼya. Hindi ako papayag na saktan nʼya ang nanay ko. Walang mananakit sa nanay ko kundi ako ang makakalaban nila. Nakatingin ako sa ibaba ng rooftop hanggang sa may narinig ako na nagsalita.

Isang malamig na boses ang pumukaw sa atensyon ko. “What are you doing?” malamig nʼyang tanong kaya nilingon ko ito.

Tumambad sa akin ang isang babae na malamig ang tingin. Long curly hair ang kaniyang buhok at color black ito. Tapos dagdag pa ang suot nʼyang uniform na bagay sa kaniya. I think nasa Grade 7 ito.

Malamig ang kaniyang tingin na hindi kumukurap sa pagtingin sa akin. Sa ikalawang pagkakataon ay mabilis na tumibok ang aking puso na halos hindi ako makahinga tapos nabibighani ako sa kaniyang ganda.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon