CHAPTER 26

2.9K 39 2
                                    

-STEPHANIE

Masaya akong nanonood ng baby videos sa aking cellphone. Ewan ko kung bakit nahiligan ko na manood ng baby videos. Siguro dala ng pagbubuntis ko. Until now ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Zafiro.

Nalaman ko sa kaibigan nʼyang si Khifiro na lagi raw pinapagalitan si Zafiro ng kaniyang grandfather. Kaya laging stress si Zafiro kaya hinahayaan ko na sʼya. Depende na sa kaniya if kakausapin nʼya ako o hindi.

Basta ang priority ko ay magpalakas at iwasan ang stress dahil ayaw ko mawalan ng anak kahit fetus pa ito. Excited na ako na mailabas ito. Napapangiti pa ako dahil sasabihin ko ito kay Mama mamaya. Pupunta ako mamaya sa bahay nʼya.

Nabasa ko ang mensahe nʼya na naghahanda sʼya ng mga pagkain sa pagdating ko at kasama nʼya si Manang Lucy na laging kasama ni Mama. Si Manang Lucy na lang kasi ang natira na maid namin dahil nag-resign na ʼyong iba dahil sa mababang sahod.

Si Manang Lucy kasi ay nangako sa akin at kay Mama na hindi nʼya kami iiwan dahil kami lang daw ang pamilya nʼya. Tinatanong namin kung sino pamilya niya pero ngiti lang sinasagot nʼya sa amin.

Pakanta-kanta ako habang namimili ng damit na sosoutin. First time ko ma-excited kapag aalis. Dati ay tinatamad kahit may binibigay sa amin na exciting na misyon. Hindi nagtagal ay tapos na ako sa pamimili.

Napili ko ang white plain empire dress na pinatungan ko ng white blazer na may mga design na glitters sa bandang dibdib. With silver and white wrislet bag na may lamang wallet at cellphone. Pati na rin ang letter na ibibigay ko kay Mama at Manang Lucy. May picture rin ng ultra sound.

Pagkatapos ko mamili ng damit ay mabilis akong ginawa ang pagpaganda. Kailangan presentable ako sa harap nina Mama. Saka may hinanda rin ako na pasalubong sa kanila. Daisy na bulaklak ang ibibigay ko sa kanila na may symbolism na new beginnings.

Sinout ko na ang damit matapos ko magpaganda. Nakangiti akong nakaharap sa human sized mirror lalo na kumikinang ang silver round toe pump ko na three inches heels. Bagay na bagay sa akin ang sout ko. Masaya kong nilapitan ang flower at nandoon ang letter na ibibigay ko sa kanila.

Daisy ang ibibigay ko kay Mama na flower habang kay Manang Lucy naman ay purple hydrangea na may symbolism na gratitude. May letter din sa loob. Inamoy ko pa ang dalawang bulaklak bago naisipan na lumabas sa bahay. Diretso ako sa parking lot at sumakay sa silver BMW ko na kotse.

Nilapag ko sa passenger seat ang dalawang bulaklak ng maingat. Dapat presentable at maganda kapag binigay ko sa kanila. Ang mahal pa naman ang pagbili ko sa bouquet na ʼyan. Tapos nahirapan pa ako dahil maraming bumibili na mag-couple.

Valentines day pala ngayon kaya maraming bumibili sa mga flower shop at chocolate. Iʼm sure maraming nag-aabang sa gate ng school na mga tindera ng bulaklak, chocolate at mga pagkain.

Ang bilis pala ng panahon. Hindi ko akalain na valentines na pala tapos malapit na ang birthday ko. Pinatakbo ko na ang kotse. Nakapatay ang cellphone ko baka tumawag bigla si Zafiro. Ayaw ko pa sʼyang kausapin.

Agad ako lumiko sa kanto papasok sa lugar namin. Habang papalapit ako sa bahay namin ay nagtaka ako sa mga taong nasa labas ng bahay namin. May piyesta ba sina Mama or handaan? Oo nga pala, naghahanda sila sa pagdating ko.

Pero napakunot ang noo ko dahil may mga pulis. Hindi maganda ang kutob ko. Mabilis akong lumapit sa bahay namin at nag-park sa harap ng kapitbahay namin. Mabilis akong bumaba sa kotse at pumunta sa bahay. Nakipagsiksikan pa ako pero noʼng nakita nila kung sino ako ay nag-give way sila.

Pero napansin ko sa mga expression nila ang awa at lungkot. Pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ako napigilan ng mga pulis dahil dire-diretso ako sa pagpasok. Halos matulala ako sa bumungad sa akin.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon