CHAPTER 35

3.8K 43 3
                                    

-STEPHANIE

Nalaman ko kay Tita na ʼyon na raw ang last misyon namin. Inamin nʼya sa akin na pinilit sʼya ni Zafiro na tanggapin ang misyon dahil matagal na raw akong gusto ni Zafiro. Matagal na raw sʼyang nagpapansin sa akin pero hindi ko naman pinapansin. Iyon lang daw ang tanging naisip nito para mapansin ko sʼya.

Pupunta ako ngayon sa puntod ni Mama at Papa dahil dadalawin ko ito. Of course, sinamahan ako ni Zafiro na nasa tabi ko. Hindi pa kami okay, tatanggi sana ako sa gusto nʼya na sumama kaso nagpumilit sʼya.

Tumigil kami sa puntod ni Mama. Nilapag ko roon ang bulaklak na binili ko. Bumili ako ng bulaklak na anemone na red ang color. Ang hirap makahanap nito sa Pilipinas pero mabuti na lang at may nahanap ako. Anemone red symbolizes forsaken love for the dead person. Nilagyan ko rin ng bulaklak ang katabi nʼyang puntod na kay Papa.

Pagkalapag ko ay dahan-dahan tumulo ang aking luha. Hindi ko matanggap ang aking nalalaman. Hindi nʼya ako anak at iba ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sʼya sa akin kahit hindi nʼya ako anak. Hindi nila ako anak ni Papa.

Umupo ako habang nakaharap sa kaniyang puntod. Nananatili namang nakatayo si Zafiro at wala itong imik. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang totoo? Matatanggap ko naman kahit nagsinungaling kayo sa akin? Bakit kahit subukan man lang ay hindi mo ginawa? Bakit?” tanong ko at dahan-dahan tumutulo ang aking luha.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil sa mixed emotions na nararamdaman ko. Anger, sadness and disappointment. “Ma, iba ang mga magulang ko. Iba ang Mommy ko at hindi ikaw ʼyon. Ma, magkakasama na kayo ni Papa riyan,” sunod-sunod kong sabi.

Gusto ko magwala sa nararamdaman ko ngayon pero pinigilan ko ang aking sarili. “Ma, hindi ko pa kayang patawarin kayo ni Papa lalo na hindi nʼyo ako pinalaki ng maayos. Pero ipagdadasal ko na sana masaya na kayo at nasa mabuting kalagayan na kayo,” sambit ko at pinunasan ang aking luha gamit ang panyo.

Tumayo ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Lumingon ako kay Zafiro at nakatingin pala sʼya ng malungkot sa akin. “Puwede mo lapitan si Zaphira pero hʼwag ka muna lalapit sa akin. Habang nakikita ko ang pagmumukha mo ay naalala ko ang masasakit na pinagdaanan ko. Kaya pakiusap na layuan mo muna ako,” sabi ko at nilagpasan sʼya.

Hindi ko pa sʼya kayang tanggapin at patawarin. Ang dami nʼyang kasalanan sa akin kahit na tinulungan nʼya ako maipakulong ang step father nʼya.

“Stephanie!” malakas nʼyang pagtawag sa pangalan ko.

Hindi na ako nag-abala na lingunin sʼya at mas pinili ko na naglakad. “Maghihintay ako sa kapatawaran mo at pagtanggap mo sa akin!”

Sumakay ako sa aking kotse. May sarili akong kotse at ganoʼn din sʼya. Pinatakbo ko ang aking kotse habang napapakagat sa aking labi. I didnʼt know that I changed a lot especially my behavior. Mabilis na ako maging emotional tapos marunong na rin ako makiramdam.

I also learned how to smile but I love my changes, because I think this is for the better. Biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa ng sout kong dark brown cargo pants. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at sinagot ang tawag. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller.

“Hello,” bati ko sa kabilang linya.

“Stephanie, nasaan ka?” tanong ni Cyziel at dinig ko sa background ang boses ni Zaphira.

“Pauwi na, bakit mo naitanong?”

Iniwan ko kasi sa kaniya si Zaphira kasi pinuntahan ko ang puntod ni Mama at Papa. Magkatabi ang puntod nilang dalawa. Hindi pa ako handa na tawagin sʼyang kuya kasi nabigla ako sa nalaman ko. Until now ay hindi ko pa rin matanggap kahit naipaliwanag na sa akin ni Cyziel.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon