CHAPTER 17

3.2K 47 1
                                    

-STEPHANIE

I am currently residing in Zafiro new mansion. Hindi ito alam ng mga kaibigan ko dahil sinabi ko sa kanila ay may vacation ako. May plano rin ako sa pagtira ko rito sa bahay ni Zafiro. May mission din ako sa mansion na ito na hindi nalalaman ni Zafiro. Nandito ako ngayon sa mansion at hindi ako pinapasok ni Zafiro sa school. Sʼya na raw ang bahala sa pag-aaral ko. Wala rin naman akong kawala dahil nanay ko ang kapalit kapag hindi ako tumupad sa usapan. Wala rin ang luma kong cellphone dahil kinuha nʼya at pinalitan ng bago kung saan number nʼya at ni Mama ang nandoon.

Nakaupo ako rito sa sofa sa sala habang nag-iisip ng maigi. Wala si Zafiro dahil pumunta sʼya sa school. Wala ring mga maid or bodyguard ang mansion na ito dahil pinaalis sila ni Zafiro. Nilipat nʼya sila sa company nila. Mas maganda raw na kami lang ang daw ang nakatira sa mansion nʼya.

Lahat ng pinto ng kuwarto ay bukas maliban sa basement sa baba. Nakasara ito at naka-padlock. Feeling ko ay may nakatago roon na mga bagay na may kinalaman kay Zafiro. Naputol ang pag-iisip ko dahil biglang may humalik ng mabilis sa pisnge ko.

Magsasalita sana ako kaso naunahan ako nang humalik sa akin. “How is your day?” tanong ni Zafiro at umupo sa tabi ko sa sofa.

“Fine,” simple kong sabi at umayos ng upo.

Medyo lumayo ako ng kaunti kay Zafiro at hindi nʼya naman napansin. Masiyado sʼyang busy sa kinukuha nʼyang gamit sa black bagpack nʼya na katamtaman ang laki. May brand pang hawk. Nakita nʼya ang hinahanap nʼya sa bag nʼya at malawak na ngumiti.

Agad nʼyang inabot sa akin ang plastic violet tulips. Maganda ang design nito at may card pa. Tiningnan ko ang card at wala sa sariling binasa ang nakalagay. “From the bottom of my heart, I love you. Even in every part of me,” pagbabasa ko sa letter at humarap kay Zafiro na naka-gummy smile.

“Do you like it?”

Napabuntong hininga ako. “Bakit mo ako binigyan ng ganʼto?” tanong ko at napansin ko ang pamumula ng kaniyang dalawang tainga.

Napakamot sʼya sa kaniyang batok. “Noong nakita ko ʼyan na binibenta sa sidewalk sa labas ng school ay ikaw agad ang naisip ko. Nagustuhan mo ba?” sabi nʼya at tiningnan ang binigay nʼya.

Ngayon ko lang napansin na naging black ang buhok nʼya at clean cut na kaso nandoon pa rin ang dalawa nʼyang black piercing sa kanan na tainga. Badboy talaga ang aura nʼya lagi. Nakasout na sʼya ng uniform na kinagulat ko. I mean hindi talaga sʼya nagsosout ng uniform kapag pumapasok sa school.

“Thank you, ikaw ang kauna-unahang tao na nagbigay ng ganito sa akin,” sabi ko at pinasalamatan sʼya.

Nagulat naman sʼya sa sinabi ko pero kalaunan ay natuwa. Inakbayan nʼya ako rito sa sofa habang nakatingin kami sa nakapatay na TV. Hindi rin naman ako interesado sa panonood ng TV.

“Iʼm so happy to hear that,” sabi nʼya at pilit ko inaalis ang pagkaka-akbay nʼya kaso ayaw umalis ng kamay nʼya.

Hinigpitan nʼya lalo ang pag-akbay sa akin. “Donʼt move and stop resisting. I just want to hug you like this,” sabi nʼya kaya hinayaan ko na lang sʼya.

Mukhang good mood naman sʼya at ayaw ko na naman masira dahil nagbabago bigla ang ugali nʼya. “Its feel so good when you hug the person you love like this. It takes away all of my problems,” dagdag pa na sabi ni Zafiro.

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin naman akong masasabi. Iʼm not fond of talking too much. Hindi ako tulad ng mga kaibigan ko na mahilig makipag-usap lalo na pag may chismis.

“Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Zafiro sa mahinahon na boses.

Wala rin naman akong masabi sa mga sinasabi niʼya kasi wala naman akong nararamdaman na pagmamahal sa kaniya. Napilitan lang ako sumama sa kaniya dahil sa nanay ko.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon