CHAPTER 31

3.2K 41 2
                                    

-STEPHANIE

As usual I am here in my coffee shop. Hindi naman gaano karami ang tao dahil maaga pa. Iniwan ko naman si Zaphira kay Wendy at masaya naman ang anak ko. I feel sorry for my daughter but she understands me so well. I think I raise her in the right path.

Until now ay iniisip ko pa rin ang natanggap ko na mensahe. Limang araw na ang nakalipas pero naiisip ko pa ʼyon. Pero nagpapasalamat ako na hindi na sʼya nagte-text. Natatakot ako na mabasa ng anak ko kapag naglalaro sʼya ng word search sa phone ko.

May tablet naman sʼya pero naglalaro rin sʼya sa cellphone ko. Napahilot na lang ako sa aking noo habang binabasa ang documents tungkol sa company namin. Si Zafiro pala ang namamahala nito sa loob ng limang taon. Plano ko kasi kunin pero hindi ako makikipagkita sa kaniya.

Mas mabuti na hindi na kami magkita. He doesnʼt deserve to know about my daughter. Napatigil ako sa pag-iisip dahil may kumakatok. “Come in,” sabi ko at umayos ng upo habang nakatingin sa mga documents.

“Maʼam,” tawag sa akin ng aking staff.

Tiningnan ko naman sʼya habang naghihintay sa sasabihin nʼya. Nakita ko kung paano pumatak ang pawis mula sa kaniyang noo hanggang sa mukha nʼya and parang kinakabahan pa sʼya.

“Ano ʼyon?” mahina kong tanong pero rinig naman nʼya.

Mas lalo sʼyang kinabahan sa tanong ko.

“May nagwawala po sa labas na customer,” sabi nʼya na kinagulat ko.

As much as possible. Ayaw ko talaga ng gulo sa loob ng coffee shop ko. Positive vibes lang ang gusto ko. “Bakit naman?” tanong ko saka tumayo pero inayos ko muna ang sarili ko.

“Kasi matagal daw ang pagdating ng order nʼya,” sabi nʼya at mabilis akong lumabas lalo na ang ingay sa labas.

Sumunod naman sa akin ang staff ko. Mabilis ang lakad ko dahil nagtataka ako sa reklamo ng customer namin. Nakita ko isang babae na nakasuot ng revealing clothes na nagwawala habang may nakaupo sa upuan na kasama nʼya na isang lalaki.

Pero nakatalikod sa akin ang lalaki habang black ang kaniyang buhok at maputi sʼya. Tumigil ako sa harap noʼng babae. “Anoʼng problema mo, Maʼam?” magalang kong tanong at humarap sa akin ang babae na halos maging clown sa make-up nʼya.

“Are you the owner of this cheap restaurant?” tanong nʼya at tinaasan pa ako ng kilay.

Bakit bigla akong nakaramdam ng inis? Naiinis ako sa sinabi nʼya. Ang lakas ng loob nʼya na insultuhin ang coffee shop. Naiinis na rin sa kaniya ang ibang customer.

“Yes, but this restaurant is not cheap. We serve high quality foods and drinks even our services. You can ask my other customer to prove that. Now, letʼs get to the point. What is your problem to create a mess in our coffee shop?” tanong ko at tinaasan din sʼya ng kilay.

Akala nʼya ba magpapatalo ako tapos naiinis pa ako sa kasama nʼya dahil hindi man lang nʼya pinigilan ang babae na ito. “This restaurant is low quality when it comes to services. Ang tagal dumating ng order namin kahit kanina pa kami naghihintay rito kasama ang boyfriend ko,” sabi nʼya at ngumisi sa akin.

May nakita pa ako sa kasunod nila na table na kinukunan kami ng isang babae ng video na nakangisi pa. I think kasamahan nʼya ang babae na ito. “Excuse me? Our coffee shop is high quality in services. Youʼre the first customer who complain to us about services. No one complain here except you. I didnʼt see any problem when it comes to our services since my staff do their job carefully. They know that I donʼt tolerate some mess and bad comments about our coffee shop. Letʼs talk about your complain. Explain your side in what is the problem in our quality services,” sabi ko at tinitigan sʼya sa mata.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon