CHAPTER 27

3.2K 46 0
                                    

-STEPHANIE

Today is my bithday. February 24 is the day that I was born. Nakangiti ako dahil hindi ko akalain na 20 years old na pala ako. Ang bilis ng panahon. Nagluluto ako ngayon ng mga pagkain dahil kahit simpleng salo-salo lamang sa birthday ko. Darating naman mamaya si Zafiro dahil pumunta sʼya sa company nila.

Tapos may surprise raw sʼya sa akin mamaya. Excited tuloy ako malaman kung ano ʼyon. Patuloy ako sa paghahanda ng mga pagkain. Pupunta rin daw sila Wendy mamaya. Patuloy ako sa pagluluto hanggang sa may pumasok sa bahay.

Mabilis kong pinatay ang stove saka mabilis na pumunta sa sala ng bahay. Naabutan ko ang nanay ni Zafiro nakaupo sa single sofa habang panay tingin nʼya sa kabuuan ng bahay.

“What are you doing here?” tanong ko habang nakatayo sa tabi nʼya.

Nakasout na naman sʼya ng black sunglasses na kinataka ko. Kapag ba nagkikita kami ay lagi na lang siyang naka-shade? O kasali talaga sa style nʼya.

“Umupo ka muna dahil mahaba ang pag-uusapan natin,” sabi nʼya at tinuro ang single sofa sa gilid nʼya.

Umupo ako roon habang nakatingin sa kaniya. “Spill it kung ano man ang sasabihin mo,” sabi ko at natawa naman sʼya ng mahina.

Inayos nʼya ang pagkakasout nʼya ng shades. “Handa ka bang malaman ang sasabihin ko? Handa ka bang tanggapin ito?” tanong nʼya at bahagyang napakunot ang noo ko.

Ano naman ang sasabihin nʼya? Tungkol na naman ba ito sa gusto nʼyang maghiwalay kami ni Zafiro.

Napalunok ako ng laway at halatang kabado sa malalaman. Siguraduhin niya lang na hindi ako maiinis sa sasabihin nʼya. “Oo, kaya sabihin mo na ang sasabihin mo.” Hamon ko sa kaniya na kinatango nʼya.

“Makipaghiwalay ka na kay Zafiro,” sabi nʼya at muntik na akong matawa.

Akala ko kung ano na ang sasabihin nʼya. Napakuyom ako sa aking kamao at pilit na pinapakalma ang sarili. “Here we go again. Ilang ulit ko bang dapat sabihin na hindi ako makikipaghiwalay kay Zafiro,” sabi ko habang pinapatigas ang boses ko.

“Pakinggan mo ako, sinasabi ko ito sa ʼyo dahil ayaw kong masaktan ka sa huli,” sabi nʼya pa at naiinis na ako.

Birthday ko pa naman tapos masisira lang dahil sa ganʼto. Good mood ako at ayaw ko masira ito. “Hindi ako naniniwala sa ʼyo. Hindi ako sasaktan ng anak mo dahil mahal nʼya ako. Ayaw nga nʼya mawala ako sa tabi nʼya,” paliwanag ko at napailing ang nanay ni Zafiro.

“Hindi totoo ʼyan, magaling mag-pretend ang anak ko. Save yourself from getting hurt. Alam ko ang pakiramdam kapag sinasaktan ka ng taong mahal mo,” sabi nʼya pero umiling ako.

Happy family raw sila sabi ni Zafiro tapos ako pa ang pinagloloko ng nanay nʼya. “Kung wala kayong matinong sasabihin ay umalis na lang kayo. Nakakaabala kayo lalo na naghahanda ako sa kaarawan ko,” sabi ko at saka tumayo para umalis sana kaso napatigil ako sa sinabi ng kaniyang ina.

“Zafiro is being manipulated by his step-father na inaakala niyang tatay nʼya. Bata pa lang si Zafiro sa edad na dalawang taon ay biglang nawala ang kaniyang ama dahil sa mission nʼya. Isang secret agent ang tatay nʼya. Hindi na bumalik ang tatay nʼya mula noʼng nakuha niya ang misyon na iyon. Lubos akong nasaktan at nangungulila sa asawa ako hanggang dumating na 5 years old si Zafiro may nakilala akong lalaki na willing tanggapin ang anak ko para tumayong ama dito. Hindi ko rin akalain na mahuhulog ang loob ko sa kaniya hanggang sa magpakasal kami. Nagkaroon kami ng isang anak na babae pero nagulat ako sa biglang pagbabago ng asawa ko. Mabait lang sʼya sa anak naming babae at kay Zafiro. Walang nakakaalam na sinasaktan ako ng lalaking iyan. Physically at emotionally ako na nasasaktan. Sinusunog nʼya gamit ang kandila ang kamay ko braso kapag hindi ako nakikinig sa kaniya. Si Zafiro ay ayaw maniwala at pakinggan ang sinasabi ko dahil para sa kaniya mahal lang ako ng tatay nʼya at hindi ko raw mahal ang tatay nʼya. Lumipas ang mga taon at ganʼto pa rin ang buhay ko,” sabi nʼya at napatulala ako sa kaniya lalo na noʼng bigla sʼyang umiyak.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon