CHAPTER 36

4.6K 44 16
                                    

-STEPHANIE

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa aking kuwarto. Ngayon ang pagkikita namin sa pamilyang Axien. Sa Sun Royal Hotel kami magkikita na pamilya. Isa rin ito sa pag-aari ng mga Axien.

Nakasuot lamang ako ng plain blue apron dress na 3 inches above the knee. May mga glitters ito sa may neckline at silver peep-toe platform na 3 inches din. Pinatungan ko lamang ng caramel see through cardigan ang dress ko.

Nakalagay ang phone at wallet ko sa silver and black na wrislet bag ko. I look myself in the mirror and I look elegant with my outfit and simple make up. Masiyado nga lang mapula ang shade ng liptint matte ko na kumikinang dahil sa lipgloss.

Suot ko pa rin ang kuwintas na binigay sa akin ni Zafiro na 930 ang design. Patuloy pa rin ako sa pagsipat sa salamin hanggang sa may kumatok at bumukas ang pinto. “Masiyado ka naman nagpaganda. Nagpaganda ka ba para kay Zafiro?” taas kilay na tanong Cyziel at nag-cross arms.

“Of course not, gusto ko lamang maging presentable sa harap nila lalo na formal meeting.”

Humarap ako sa gawi ni Cyziel na nakasandal sa pinto ng kuwarto ko. “Really?” tanong ni Cyziel kaya sinamaan ko sʼya ng tingin.

“Of course, chismoso,” mahina kong sabi.

“I heard that,” sabi ni Cyziel kaya ngumisi ako.

“Of course, sinadya kong iparinig sa ʼyo.”

Naglakad ako palapit sa kaniya at tumigil sa harap nʼya. “Tara na sa baba, baka naghihintay na sila Mommy sa baba,” utos ko sa kaniya at umirap pa ito.

“Letʼs go, ang bagal mo kasi.”

Nauna sʼyang maglakad kaya sinamaan ko ng tingin ang likod nʼya. Sumunod na lang ako sa kaniya pababa. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Zaphira na nakasuot ng purple mini dress. May suot sʼyang purple hairpen na may design na bulaklak.

Tuluyan na ako nakababa at nilapitan sina Mommy at Daddy sa entrance ng bahay. Nasa tabi nila si Zaphira na tahimik lamang pero nakangiti ito kaya labas ang dalawa nʼyang dimple.

Biglang lumingon sa gawi namin si Mommy kaya napansin nʼya ako at ngumiti.
“Nandiyan na pala kayo. Ang ganda at guwapo ng mga anak ko,” puri sa amin ni Mommy pagkalapit namin sa kaniya.

“Mommy, youʼre so beautiful,” puri sa akin ng anak ko habang nakangiti.

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sʼya sa akin. “Thank you, Mom.”

Bumaling ang tingin ko sa aking anak. “Thank you also to my beautiful daughter,” I said with a smile on my face.

Narinig ko pa ang pag-ismid ni Cyziel pero hinayaan ko na baka nagseselos kasi si Mommy lang pumuri sa kaniya. “Aalis na tayo, nandoon na raw sila sa hotel,” sabi ni Daddy at nakaramdam ng kaba ang puso ko.

Nakilala ko na ang Mommy ni Zafiro pero hindi ang buong angkan nʼya. Nakita ko na binulsa ni Daddy ang kaniyang cellphone. Sumunod naman kami sa kaniya at sumakay si Mommy at Daddy sa isang black subaru siyempre sinama nila si Zaphira.

Habang kami ni Cyziel ay sa kotse nʼyang black mustang. Sumakay na lang ako dahil nauna na pala ang kotse ni Mommy at Daddy. Sinara ko ang pinto ng kotse. “Isuot mo na seatbelt mo, kahit kailan ay hindi ako magsusuot ng seatbealt mo,” sabi agad ni Cyziel pagkasara ko ng pinto.

“I know what to do, you donʼt need to say it. Iʼm not even asking for your help,” masungit kong sambit at tiningnan ang daan.

Pinatakbo ng mabilis ni Cyziel ang kotse nʼya. Mabuti na lang ay sanay na ako sa ganito. Nalagpasan pa namin ang kotse nina Mommy, may traffic light kasi at nakalusot ang lalaking ito.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon