CHAPTER 33

3.3K 40 3
                                    

-STEPHANIE

Malamig na ang tingin sa akin ni Zafiro habang ang anak ko ay hindi na nakayakap sa akin dahil tumabi na sʼya sa akin. “Who are you? What are you doing in our house? Do you know, Mami? Kaibigan ka ba ni Mami?” sunod-sunod na tanong ni Zaphira kay Zafiro.

"Bakit hindi mo sagutin, Stephanie?” balik na tanong sa akin ni Zafiro at galit na ang expression nʼya.

“Anak, kaibigan ko sʼya. Pumunta sʼya rito dahil hindi ko alam,” wala sa sarili kong sabi na kinagalit ni Zafiro.

“Stop the crap, Stephanie! Sagutin mo ako ng totoo. Anak ko ba sʼya?” tanong niya at tinuro si Zaphira na palipat-lipat ang tingin sa amin.

Sinamaan ko sʼya ng tingin dahil ako dapat ang nagagalit sa aming dalawa. Ang kapal ng loob nʼya na sigawan ako. “Ano naman ngayon?! Wala kang pakialam sa buhay namin dahil hindi ka naman parte ng buhay namin. Hʼwag kang umasta na may pakialam ka sa amin kahit wala naman talaga!” sigaw ko at tinaasan sʼya ng kilay.

Napakuyom ang kamao ko dahil nalaman na nʼya ang sekreto ko at may dahilan na sʼya para mag-connect ang buhay namin. “So, anak ko talaga sʼya! Bakit mo sa akin ito tinago? Na may anak pala ako pero hindi mo man lang sinabi sa akin!” malakas na sigaw ni Zafiro at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang galit, inis at pagkadismaya.

“Stop shouting, and pointing your fingers to my mother. Even though you are my father I still choose my mother. You donʼt deserve to be my father. So get out of here. I donʼt want you to be my father,” sigaw rin ng anak ko na masama ang tingin.

Napaawang naman ang labi ni Zafiro noʼng makita nʼya ang galit sa mga mata ng anak ko. Masungit at matapang talaga si Zaphira lalo na sa mga taong galit sa akin. May narinig kami na boses na tumikhim.

“Sa loob nʼyo na pag-usapan ʼyan, Stephanie. Para maging mahinahon ang usapan hindi ʼyong nagsisigawan kayo at nadadamay ang bata,” payo ni Manang Helia.

May punto naman sʼya kaya pinapasok ko na si Zafiro kahit labag sa kalooban ko. Pumasok naman si Zafiro na parang sa kaniya ang bahay na ito. Nakasunod naman sa kaniya si Zaphira na nakabusangot at nakatitig kay Zafiro na masama ang kaniyang tingin.

Umupo ako sa sofa at tumabi sa akin si Zaphira. Umupo rin si Zafiro sa sofa na kaharap ng kinauupuan namin. “Ano ang gusto mong malaman?” malamig kong tanong at nag-cross arms.

“Anak ko ba sʼya?”

Ngumisi ako sa kaniya. “Anak mo sʼya,” sagot ko at mas lalong sumama ang tingin nʼya.

Napakuyom ang kaniyang kamao at baka mapatay nʼya ako sa klase ng mga tingin nʼya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” he blurted while looking at me.

“Bakit ko naman ipapaalam sa ʼyo?” tanong ko at nakita ko si Manang Helia na pumunta sa kusina.

Natawa sʼya ng pagak na parang na-insulto sʼya sa sinabi ko. “Tinatanong mo talaga ʼyan? May karapatan ako na malaman dahil anak ko rin sʼya. Hindi sʼya mabubuo kung hindi dahil sa akin,” sabi nʼya at tinawag ko si Manang Helia para paakyatin nʼya si Zaphira sa kuwarto nito.

“Manang Helia, pakihatid muna si Zaphira sa kuwarto nʼya. May mahalagang pag-uusapan lamang kami,” utos ko kay Manang Helia at tumango naman sʼya.

Nilapitan nʼya si Zaphira pero ayaw sumama ng anak ko. “Mami, hindi ako sasama. Rito lang ako baka saktan ka ng lalaking iyan,” sabi ni Zaphira at sinamaan ng tingin si Zafiro.

Narinig ko ang mahinang mura ni Zafiro. “Anak, sumama ka muna kay Manang. Magiging maayos lang ako, okay?” mahinahon ko na sabi sa kaniya.

Pumayag din sʼya pero bago sʼya umalis ay sinamaan nʼya muna ng tingin si Zafiro bago tuluyan sʼyang umalis. Noʼng masiguro ko na nakaakyat na nga sila sa kuwarto ni Zaphira ay humarap ako kay Zafiro.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon