CHAPTER 22

3.1K 41 1
                                    

-STEPHANIE

Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro dahil may pupuntahan kami ni Zafiro ngayong araw. Umalis ako sa aking kama at dinala ako ng aking mga paa sa bathroom para makapaghanda.

Mabilis ko tinapos ang aking paghahanda. I wore caramel blouson dress with black blazer and silver three inches ankle strap platform heels. Nilagay ko ang aking cellphone, wallet at maliit na notebook sa aking brown micro bag. Nilugay ko lang buhok ko pagkatapos ko i-blower at nagsuklay na rin ng buhok. Kaunting make-up lang ang nilagay ko sa aking mukha at red velvet na liptint. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin sa kuwarto ko at nakontento naman ako sa mukha ko kaya lumabas na ako sa aking kuwarto.

Saktong paglabas ko ay kalalabas din ni Zafiro sa kaniyang kuwarto na bihis na bihis. Naka-tucked in ang caramel long sleeve button-down polo na tinupi niya sa siko with black pants at white shoes. Malinis ang ayos ng kaniyang buhok na halatang inayos nʼya. Napaiwas ako ng tingin dahil same color ang dress ko sa polo nʼya. Nagmumukha kaming couple sa kulay ng sout namin. Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Zafiro.

“Hindi ko akalain na same color tayo ng damit,” sabi nʼya kaya lumingon ako sa kaniya.

Ang lawak ng ngiti nʼya at kitang-kita ko ang dimple nʼyang lumalabas kapag ngumingiti sʼya. “Ganoʼn ba.”

Hinawakan nʼya ang kamay ko at hinila pababa sa hagdan. Patuloy sʼya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot at lumapit kami sa kotse niya na black lamborghini. New car na naman nʼya ito? Ilan ba talaga ang lahat ng kotse nʼya? Dalawa na lang kasi ang natitira sa parking lot. Itong kotse niya at ʼyong binigay nʼyang bugatti sa akin.

“Sakay ka na, darling,” sabi nʼya at binitawan ang kamay ko para pagbuksan ang pinto ng kotse.

Sumakay naman ako at sinara nʼya ang kotse. Sumakay rin sʼya sa driver seat. “Pupunta tayo sa one of the private island na pag-aari ko. Donʼt worry nandoon mga kaibigan ko at kaibigan mo. The more the merrier,” sabi nʼya at napaawang na lang ang labi ko sa gulat.

I mean pumayag sʼya na makausap ko at makasama ang mga kaibigan ko. Mukha naman hindi sʼya masiyadong strict. Pinatakbo na nʼya ang kotse at nanatili naman akong tahimik. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang nadadaanan namin lalo na ʼyong mga kalikasan at establishment. Napapangiti ako ng maliit habang may mga puno na sinasayaw ng hangin ng mahina.

I really love nature. Kaya minsan ay nagtatanim din ako sa bakuran namin pag may time ako. Wala sa hitsura ko na mahilig ako sa mga tanim pero ginagawa ko talaga ang pagtatanim.

“What are you thinking?” tanong bigla ni Zafiro kaya sinulyapan ko sʼya at na sa daan pa rin ang tingin nʼya.

“Ano sa tingin mo?” balik kong tanong pero bigla sʼyang ngumiti.

“Of course, about us,” sabi nʼya na may ngiti sa labi.

Kung alam nʼya lang talaga ang iniisip ko ay tungkol sa buhay ko. Pero siyempre hindi ko na sinabi baka masira pa ang mood nʼya.

“Magagalit ka ba kapag lalaki na sa isip ko?” tanong ko pero nakangiti pa rin sʼya.

“Depende kung paano mo isipin ang lalaking iyon.”

Hindi sʼya tulad ng ibang lalaki na nagagalit kapag ang babaeng mahal nila ay iniisip ang ibang lalaki. Napansin ko na papasok na kami sa lugar na parang bukid kasi puno ng mga halamang kahoy. Masagana rin ang hangin at bihira lang ang dumadaan na kotse.

Gusto ko talaga manirahan sa bukid kahit saging lang kaso hindi papayag si Mama. Mas gusto ni Mama sa siyudad kasi nandoon daw lahat ang kailangan mo. Pero try ko sa future tumira sa bukid. Saka naiisip ko rin na tigilan na ang assassin ko na trabaho.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon