CHAPTER 29

3K 42 2
                                    

-STEPHANIE

Nakatulala lang ako at hindi magawang ibuka ang labi ko sa tanong na tinanong sa akin. “Mami, sino po sʼya? Kaibigan nʼyo po ba?” tanong ni Zaphira sa gilid ko habang titig na titig sa taong ʼyon.

Nakatitig din ang taong iyon kay Zaphira na nakakunot noo. “Kaibigan ko sʼya,” tanging sambit ko nang maibuka ko na ang aking mga labi.

Sinamaan nʼya ako ng tingin pero agad din napalitan na nagtatampo ang tingin nʼya sa akin. Palipat-lipat naman ang tingin sa amin ng anak ko na parang nalilito na. “Wends, how are you?” tanong ko at umupo naman sʼya agad sa tabi ng anak ko.

Hindi ko akalain na makikita ko sʼya agad pagdating ko rito sa siyudad. “Of course, Iʼm fine. Akala ko na nakalimutan mo na ako dahil bigla ka na lang nawala sa loob ng limang taon,” sabi nʼya at naiiyak sʼya.

“Pasensiya na, Wends. Kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Nasaktan lang ako ng sobra ng panahon na ʼyon at ayaw ko na maging pabigat sa iba. Ang dami kong problema sa araw na ʼyon na umabot sa punto na ang nasa isip ko ay umalis na lang at magpakalayo,” sabi ko at hindi ko na tiningnan si Wendy.

Ang anak ko naman ay mas piniling maglaro sa kaniyang tablet. “I heard what happened to tita. I know how hard for you that time. I wish that I was there for you but, I didnʼt even know what you gone through. Simula noʼng nalaman ko ang nangyari sa iyo ay galit ako kay Zafiro. Kahit kailan ay hindi ko sʼya mapapatawad sa ginawa nʼya sa ʼyo,” sabi ni Wendy at napatulala ako sa kaniya.

Ramdam ko ang galit nʼya at gigil kay Zafiro. Wala namang reaction ang anak ko sa sinasabi ni Wendy. “Kalimutan na natin ang nangyari sa past. Kumusta ka naman? Lalo na lovelife mo, wala na akong balita sa lovelife mo,” sabi ko at tiningnan ko sʼya.

Napansin ko na mukha naman sʼyang okay. Mas gumanda nga sʼya kaysa sa akin na parang stress na sa buhay. Ang kinis nʼya at ang puti pa. “Happy lovelife ako ʼno. Saka okay lang naman ako, lagi nga kaming nagta-travel dalawa sa mga gusto naming puntahan,” sabi nʼya at kilala ko kung sino ang sinasabi nʼya.

Hindi ko akalain na sila ang magiging end game. Hindi kasi ʼyon ang tipo ni Wendy sa lalaki. Gusto nʼya ay moreno na matatangkad. “I envied you for that. I wish I have the life too but I didnʼt have. I love the wrong person,” sabi ko habang naiisip ang pinagdaanan ko noon.

“If heʼll comeback, then donʼt let him enter your life easily. He is not even worth it to come back in your life,” payo sa akin ni Wendy habang nakatitig sa akin.

Masaya ako na sa maayos na kalagayan si Wendy. Masaya rin ako na ako na wala sʼyang problema. “Of course, as I said before, I will not allow him to enter in my life again,” sabi ko at uminom sa juice na hinanda sa akin.

Kanina pa pala na-serve sa amin noʼng waitress ang pagkain. Kumakain naman si Zaphira na walang imik. Pero bigla na lang sʼya nagsalita at ʼyong sinabi nʼya ang kinagulat ko.

“If youʼre talking about my father, then I donʼt need him especially when my mother despise him. I already have a mother, and that is enough for me,” sabi nang anak ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

I canʼt even imagine that my daughter have this thought. Sobra ba ang galit nʼya sa tatay nʼya? Ayaw na ba nʼya itong makilala? Masama ba akong ina if ganʼto ang nangyari sa anak ko lalo na ayaw na nʼyang makita ang tatay nʼya.

Nagulat naman si Wendy at binigyan ako nang may kahulugan na tingin. “I think we need to finish our meal immediately. Si Zafiro ang may-ari ng restaurant na ito at ayaw mo naman malaman nʼya agad na nandito na kayo sa siyudad,” sabi ni Wendy habang pagala-gala sa paligid ang tingin nʼya.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon