CHAPTER 6

4.7K 54 5
                                    

-STEPHANIE

Lunch time namin ngayon at tambay lamang kami sa cafeteria since kanina pa kami tapos sa pagkain. Nalinis na rin ʼyong table at nakuha na ʼyong pinagkainan namin. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakatanga rin ang mga kaibigan ko.

“So, gagawin talaga natin ang suggestion ni Wendy?” paninigurado ni Thrielle at sout na naman nʼya ang specs sa mata nʼya.

Nagmumukha tuloy sʼyang nerd sa style nʼya at siyempre hindi nawawala ang sandamakmak na libro sa kaniya. Kawawa tuloy minsan si Tanasha dahil nadadamay sa pagdala ng libro.

“Oo, kung gusto nʼyo mapabilis ang misyon na ito ay gawin natin ʼyon,” sagot ko at tinitingan ang mga reaksyon nila.

Si Syrine naman ay kumakain ng snack na binili nʼya kanina. Patay gutom talaga ang isang ʼto, mabuti na lang hindi sʼya tumataba sa ginagawa nʼya.

“Ang panget ng nangyari sa kotse ko, biglang nagsgas. Wala naman ʼyon kahapon tapos tinadyakan pa.” Pagrereklamo ni Flaire na kanina pa tahimik.

Kaya pala kanina pa ito tahimik at parang pinagsukluban ng langit at lupa dahil sa kotse nʼya. Alam ko kung sino ang may kagagawan sa kotse. Nakita ko pa kung paano tadyakan ni Zafiro ang kotse ni Flaire na pula noong paalis na ako.

“Iʼm sure isa sa mga tukmol na ʼyon ang may gawa,” sabi ni Maddison na may galit sa mga lalaking iyon.

May galit din ako sa kanila lalo na roon sa leader nila na si Zafiro. Napakakulit nʼya at hindi madadala sa isang salita. Akala mo naman madadala lahat sa ginagawa nʼya. Namimilit pa sa mga ka-date nʼya, kulang ba sʼya sa pagmamahal at pansin?

“Kung nalaman ko lang sino ang tumadyak ay baka napatay ko na. Alam nʼyo naman kung paano ko alagaan ang kotse na ʼyon dahil favorite ko ʼyon sa lahat ng kotse ko,” paghihimutok ni Flaire habang gigil na gigil sa hawak nʼyang cellphone.

“Hoy, Wendy! Akala mo makakalimutan ko na hinatid ka ni Khifiro kanina. Anoʼng mayroʼn sa inyo?” tanong ni Tanasha habang inaayos sa table ang mga libro ni Thrielle na nagkakalat.

Hindi na ako nagsasalita kasi alam ko naman ang rason ni Wendy para gawin ʼyon. Mukhang mapapadali kay Wendy ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa lalaking iyon. Since magiging close na sila.

“Ginagawa ko lang ʼyon para sa misyon, para may malaman ako tungkol sa kaniya at sa mga kalaban natin,” sagot naman ni Wendy sa kalmadong boses.

Minsan ay ang OA rin nitong si Tanasha. Dinaig pa ang imbestigador sa mga tanong nʼya. Ganʼyan talaga sʼya dahil gusto niya talaga malaman kung sino ang idi-date namin.

“Sus, baka magulat na lang ako na kayo na pala,” sabi pa ni Tanasha na pilit tinutulak na mayroʼn kakaiba kina Wendy at Khifiro.

I think ginagawa nʼya rin ito dahil sa nangyari noon kay Wendy. Concern lang sʼya baka maulit ʼyong nangyari noon kay Wendy na nagbigay sa kaniya ng trauma. Naging masaya kami noong na-overcome ni Wendy ang trauma na ʼyon.

“Wala akong balak na i-date sʼya. Mas babae pa ʼyon kaysa sa akin,” sabi na lang ni Wendy at patuloy sa paglaro ng candy crush.

Mataas na ang level nʼya riyan kaya ayaw nʼyang ma-istorbo kapag naglalaro sʼya. Humarap naman sa gawi ko si Tanasha since katapat ko ang kinauupuan nʼya habang nasa tabi nʼya right side si Thrielle habang sa left side si Syrine.

Katabi ko naman sa right side si Wendy habang left side si Flaire na until now hindi pa rin nakaka-move on sa nangyari sa favorite car nʼya. Tinaasan ko ng kilay si Tanasha noʼng titigan nʼya ako.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon