CHAPTER 24

2.9K 44 1
                                    

WARNING: R-18 MATURED CONTENTS AHEAD THAT IS NOT APPLICABLE TO MINORS.

-STEPHANIE

Nakarating ako sa parking lot ng coffee shop. Bumaba ako mula sa kotse at nagmadaling pumasok sa coffee shop. Pagpasok ko ay may isang waitress na nag-aabang sa entrance.

“Ikaw po ba si Stephanie Chanisha Zhuang?” tanong noʼng waitress habang nakangiti.

“Ako nga, bakit?”

Imbis na sagutin nʼya ako ay may tinuro sʼyang isang table na may nakaupong babae na tinatalikuran kami. Mukhang ʼyan na nga ang nanay ni Zafiro.

“Salamat,” sabi ko at lumapit sa table na ʼyon.

Walang masiyadong tao sa coffee shop at iilan lang ang nakaupo. Paglapit ko sa table ay humarap ako sa nanay ni Zafiro. Base sa pananamit nʼya at brand ng kaniyang mamahalin na bag ay sʼya na nga ang nanay ni Zafiro.

Nakasout ito ng black shade kaya baka kasali sa style nʼya. “Ikaw ba ang nanay ni Zafiro?” tanong ko sa mahinang boses.

“Yes, take a sit first before we proceed to our discussion,” sabi nʼya kaya umupo naman ako sa upuan na kaharap ng kinauupuan nʼya.

“Bakit nʼyo pala ako pinapunta rito?” tanong ko at nakatingin naman sʼya sa akin.

Hindi ko nakikita kung ano ang reaction nʼya dahil nakasout sʼya ng shades. “Nagulat ako noʼng nalaman ko na may girlfriend na pala si Zafiro. Akala ko ay hindi sʼya magkakaroon ng girlfriend dahil hindi sʼya marunong magmahal,” sabi nang nanay nʼya sa plain na boses.

Ewan ko kung mabait o mataray ang nanay ni Zafiro pero sa boses nʼya ay mukhang seryoso sʼyang tao na dapat hindi mo biruin. Napatingin ako sa kamay nʼyang hindi natatakpan ng gloves na sout nʼya. May nakita akong parang pasa.

“Marunong po sʼya magmahal gaya ng mga normal na tao,” sagot ko pero natawa ng kaunti ang nanay nʼya.

“Alam mo ba na parehas tayo ng pangalan. Hindi mo pa kilala masiyado ang anak ko. Hindi marunong magmahal ang anak ko. Trust me, masasaktan ka lang sa huli,” sabi nʼya pero umiling ako.

Typical na ganʼto ang mga nanay lalo na sa mga mayayaman na pamilya. Kapag hindi mo nilayuan ang anak nila ay magbibigay sila ng malaking pera para layuan mo ang anak nila. Ginagawa nila ito dahil akala nila ay hindi ka bagay sa anak nila.

“Mukhang kayo po ang hindi nakakaalam sa anak nʼyo. Mahal ako ng anak nʼyo at ganoʼn din sʼya sa akin. Kung ginagawa nʼyo po ito para paghiwalayin kami dahil hindi kayo boto sa akin. Pasensiya na po pero hindi ko hihiwalayan ang anak nʼyo,” mahaba kong sambit pero walang reaction ang nanay ni Zafiro kundi kalmado lang sʼya.

“You already fall in his trap. You donʼt know everything about him. I know him very well since he is my son. Iʼm not doing this to make you separate from my son becaause of I donʼt like you to my son. Itʼs not the reason, the real reason itʼs for your own good. If you want your life will be happy and not miserable. Just trust me before itʼs too late,” sabi sa akin ng kaniyang ina na may malalim na pinaghuhugutan.

Sino ba ang dapat kong paniwalaan? Pero mahal ko si Zafiro at nakikita ko na tunay ang pagmamahal na pinapakita nʼya. Siguro nagsisinungaling itong nanay nʼya dahil may ibang reason pa. Hindi nʼya gusto na mapunta sa akin si Zafiro.

“Why would I trust you? Zafiro, and I love each other deeply. Walang rason para hiwalayan ko sʼya dahil lamang sa sinabi mo. Are you really his mother? You ruining your son happiness and love,” sabi ko pero umiling na naman ulit sʼya.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon