FINAL CHAPTER

990 20 1
                                    

-STEPHANIE

Kanina pa ako panay lunok habang hindi mapakali. Kaharap namin ni Zafiro ang magulang ko at magulang nʼya. Ang seryoso nang tingin nila sa amin lalo na si Mama at Papa.

I am wearing an plain white baby doll dress that three inches above the knee with white plain blazer. Nakasuot ako nang plain white peep-toe mary jane platform with three inches heels. While Zafiro is wearing an plain button-down long sleeve polo na naka-insert sa suot nʼyang plain black trouser with plain black loafer.

Habang ang black coat ni Zafiro ay nakalagay lang sa likod nang kaniyang kinauupuan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko lalo na   nakatitig sa amin sina Mama at Papa.

“So, do you want to marry my daughter?” seryosong tanong ni Papa and Zafiro nodded.

“Yes, I want to marry her. Pero kung hindi kayo papayag dahil sa nagawa ko sa inyo dati ay nirerespeto ko kung ano man ang magiging desisyon nʼyo, handa akong maghintay kahit matagal. Mahal na mahal ko po ang anak nʼyo,” sabi ni Zafiro at napangiti ang kaniyang mga magulang.

Si Mama naman ay pinipigilan na mapangiti habang ang seryoso ng tingin ni Papa. Si Kuya Cyziel naman ay natawa ng kaunti kaya sinita agad ito ni Mama. Tanging mga magulang ni Zafiro lamang ang sumama sa side nʼya dahil iyon ang gusto nina Mama.

Ganoʼn din sa pamilya ko. Supposed to be ay pupunta rito ang mga kaibigan ko kaso hindi nila tinuloy. “Sa ngayon, hindi pa kami handa na maikasal kayo. Hindi pa naalis sa sistema namin ang ginawa mo dati. Pero sabi mo naman na handa kang maghintay kung kailan kami papayag ʼdi ba? So, maghintay ka hanggang sa matanggap namin na maikasal kayo. Naiitindihan mo naman ʼyon, hijo?” malumanay na sambit ni Papa.

Tumango naman si Zafiro at malapad na napangiti. Wala akong nakikitang galit o pagka-inis dahil natutuwa pa sʼya. “Maraming salamat po dahil binigyan nʼyo ako ng pagkakataon sa anak nʼyo. Hindi ko po kayo bibiguin, aalagaan at mamahalin ko ang anak nʼyo at apo. Makakaasa kayo sa akin,” sambit ni Zafiro habang masayang-masaya ito.

Ako naman ay tahimik lamang na nakikinig. “Mabuti naman kung ganoʼn, mas mabuti nga ang naisip mong ideya, amigo,” sabi nang tatay ni Zafiro sa tatay mo.

Mukhang wala naman nagalit sa kanila dahil kalmado lamang ang reaction nila at masaya pa sila.

“Puwede ko bang yayain si Stephanie sa resort namin?” tanong ni Zafiro at gulat akong lumingon sa kaniya.

Ngumiti lang sʼya sa akin at binalik ang tingin sa pamilya namin. Nagtataka ang tingin ko kay Zafiro.

“Payagan nʼyo na ʼyan, gusto lang ʼyan masolo si Stephanie. Para may quality time na rin sila,” nakangising sambit ni Cyziel pero nakikita ko sa mata nʼya ang lungkot.

Naging malungkot ang kumikislap nʼyang mga mata. “Oo naman, para mapag-usapan nʼyo na rin ang tungkol sa inyo,” nakangiting sabi ni Mama na sinang-ayonan ni Papa.

Natuwa naman si Zafiro sa naging desisyon ni Papa at Mama kaya niyakap nʼya ako ng mahigpit sa harap ng mga magulang ko at magulang nʼya. Napailing na lang si Kuya sa inasta ni Zafiro.

“Makapag-bonding na rin tayo,” bulong sa akin ni Zafiro at niyakap ako ng mahigpit.

***

Pumayag naman si Zaphira na pumunta kami sa resort na hindi sʼya kasama dahil gusto nʼya raw complete family na kami. Mas close na nga sila ni Zafiro dahil ang cool at guwapo raw ng daddy nʼya.

“Are you upset?” tanong ni Zafiro at nilingon ko sʼya.

Nandito kami sa sofa sa private house rito sa resort na pag-aari nʼya. Nasa living room kaming dalawa dahil nanonood kami ng netflix movie. “Upset for what?” nagtataka kong tanong.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon