CHAPTER 8

3.7K 53 0
                                    

-STEPHANIE

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanila habang nagtataka ang mukha ni Syrine. Tumayo silang dalawa at lumapit sa amin na nakatayo lamang. “Anoʼng ginagawa nʼyo rito?” kalmadong at pabulong na tanong ni Syrine.

“Gusto namin malaman ang room nʼyo,” sagot ni Cyziel at patingin-tingin pa sʼya sa mga classmate ko na halos mawalan na ng hininga sa kilig.

“For what?” malamig kong tanong.

Lumapit sa akin si Cyziel saka bumulong. “Nothing, just to make sure that all of you are doing well after what happened. Since someone already do the thing that I want to do. You know, this morning someone jumped from fourth floor to first floor. I hate that he do what I want to do. It is thrilling, right?” bulong ni Cyziel gamit ang angelic voice nʼya saka lumayo sa akin kaagad.

Suicidal ba ang isang ʼto? Ano naman kaya ang problema nʼya? Or baka naman trip nʼya lang?
“Your secret is safe, donʼt worry,” sabi ni Cyziel na parang may pinapahiwatig saka nilampasan ako at sumunod sa kaniya si Skiers.

Dinaanan pa kami ng tingin ni Skiers bago tuluyan makaalis. Anoʼng ibig nʼyang sabihin? Tungkol ba ito sa pagtakas ko noong madaling araw. Nakatingin ʼyong mga classmate namin sa amin dahil sa ginawa noʼng dalawa.

Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko at umupo. Subukan nila magsalita tungkol sa amin at humanda talaga sila. Wala naman nagsasalita sa kanila kaso nanghuhusga ang mga tingin nila. “Anoʼng sinabi nila sa ʼyo?” mahinang tanong ni Syrine.

“Nothing important. Sabihan mo lang sila Maddison na pupunta tayo mamaya sa headquarters. Doon muna tayo manatili kasi may gusto akong pag-usapan at malaman.”

Nagpasukan ang mga classmate ko at nakita ko pa sila Tanasha at Thrielle na nakasunod sa kanila. Noong magtama ang paningin namin ay gulat na gulat pa sila nang makita ako. Umupo sila agad at sa mga upuan nila. Hinihintay ko na dumating si Maddison kasi kakapasok lang ni Wendy at Flaire. Si Maddison na lang ang kulang sa squad namin.

"Ang tagal naman ni Maddison,” komento ni Wendy na kakaupo lang.

“Kanina pa ba sʼya umalis papunta sa dean ofice?” mahina kong tanong dahil biglang pumasok ang strict naming teacher.

“Oo, kanina pa.”

Hindi na ako sumagot dahil nakatingin sa amin si Maʼam Banac na teacher namin sa Politics and Good Governance. Minsan naiinis ako sa kaniya dahil out of the topic ang mga tinuturo nʼya, mahilig sʼya magkuwento ng buhay kahit walang may gana makinig maliban doon sa mga mahilig sa mga kuwento.

“Sinoʼng wala sa klase?” tanong ni Ma'am habang inisa-isa kami tiningnan.

Walang nagsasalita hanggang sa nagsalita si Wendy. “Si Miss Brillo po, Maʼam,” mahinang sagot ni Wendy.

Tiningnan naman sʼya ni Maʼam at ramdam ko na hindi talaga kami bet ni Maʼam. Ang grupo namin ang hindi nʼya gusto dahil hindi raw kami nakikinig sa mga kadramahan nʼya sa buhay. “ʼDi ba kaibigan mo ʼyon? Bakit hindi mo sʼya kontakin para naman makasali sʼya sa klase natin?” sarcastic na tanong ni Maʼam.

“Maʼam, pumunta sʼya sa dean office kasi pinatawag sʼya,” sagot naman ni Syrine at saka bahagyang umayos ng upo.

Tinaasan sʼya ng kilay ni Maʼam kaya nagmukha sʼyang madrasta sa snow white pero kaibahan nila ay mataba lang ang teacher na ito dahil pagkatapos nʼya magkuwento about life nʼya ay magpapasagot sʼya sa activities sa libro saka sʼya kakain ng snack habang gumagamit ng cellphone, minsan pa nga ay nagpapatanggal sʼya ng white hair sa mga favorite nʼyang student.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon