CHAPTER 38

3.2K 30 1
                                    

-STEPHANIE

Nagising ako kinabukasan na may kumakatok sa aking pintuan sa kuwarto. Tumayo ako saka nag-inat muna bago lumapit sa pinto para buksan ito. “Ang aga-aga nʼyo nambulabog sa natutulog,” sabi ko habang nakapikit ang mata kasi inaantok ko.

May narinig ako mahinang tumawa pagkabukas ko ng pinto. Dinilat ko ng dahan-dahan ang aking mata at sumalubong sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Zafiro. “Good morning, my darling,” nakangiti nʼyang bati at natauhan naman ako.

Mabilis ko sinara ang pinto. Paano sʼya nakapasok sa bahay? Pinapasok ba sʼya nina Mama at Papa? Napahawak ako sa aking mukha noʼng may napagtanto ako. Mabilis akong tumakbo sa bathroom at naghilamos ng mukha.

Pagkatapos ko maghilamos ng mukha ay tumingin ako sa salamin dito sa may lababo. Ang haggard ng mukha ko tapos ang gulo pa ng buhok ko. Mabuti na lang wala akong muta at panis na laway. Nakahihiya ang ginawa ko kanina, akala ko kasi maid namin ang kumatok.

Inayos ko muna ang damit ko at buhok saka binuksan ulit ang pinto. Halos mapalundag pa ako noʼng nakita ko na nakasandal sʼya sa gilid ng pinto. Hindi nʼya napansin ang pagbukas ko ng pinto kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

“What are you doing here? Sino ang nagpapasok sa ʼyo sa loob? Ano ang pinunta mo rito?” sunod-sunod kong tanong habang pilit tinatago ang kaba.

Ngumisi lang sʼya sa akin at nagulat na lang ako dahil binuhat nʼya ako ng pangkasal. Natulala ako ng ilang minuto pero agad nanlaki ang aking mga mata sa gulat. “Ibaba mo ako! Bakit mo ba ako dinala? Saan mo ako dadalhin?” sunod-sunod kong tanong at nagawa pa nʼyang tumawa.

“Kalma, sa kama kita dadalhin,” natatawa nʼyang sambit.

“What?!”

“Sa kusina kita dadalhin kasi kakain na tayo. Kung ayaw mong ikaw ang kainin ko,” sabi nʼya at bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

Sinamaan ko sʼya ng tingin at hindi na nagsalita. Patuloy sʼya sa pagdala sa akin hanggang sa makababa kami sa hagdan. Napapahiya akong napatingin sa baba kasi nakatingin sa amin ang mga maid. Parang bago kaming kinasal dahil sa pagkarga nʼya sa akin.

Malapit na sana kami sa kusina kaso napatigil sa paglalakad si Zafiro dahil nagsalita si Cyziel na nasa entrance ng kusina. “Ibaba mo ang kapatid ko at bitawan mo,” maawtoridad na utos ng kapatid ko kay Zafiro.

Narinig ko ang mahinang tawa ulit ni Zafiro at inayos ang pagkakarga sa akin. “Kung naiingit ka, Cyziel. Sabihin mo lang para matawagan ko si Flaire at mabuhat mo rin ng ganito,” asar ni Zafiro at dahil pikon ang kapatid ko ay sumama ang kaniyang tingin.

“Fvck you.”

Grabe talaga magmura ang isang ʼto. Walang preno ang bibig. Pasalamat sʼya at nasa kusina si Mama at Papa. “Iʼm sorry but Iʼm not into men. I rather fvck your sister if she let me,” sabi ni Zafiro at sinamaan ko sʼya ng tingin.

Nagsimula naman ako magpumiglas sa pagkarga nʼya sa akin. Natatawa na lang sa akin si Zafiro dahil hindi ako makaalis sa pagkahawak nʼya.

“Ang bastos mo. Ibaba mo nga ako,” mariin kong utos.

Hindi man lang natinag si Zafiro at pinagmamasdan lang kami ni Cyziel.

“Okay.”

Patuloy pa rin sʼya sa pagdala sa akin hanggang sa makapasok kami sa kusina. Nadaanan namin si Cyziel na nakatingin lamang sa amin.

“Ibaba mo sabi ako,” utos ko ulit.

Nakita ko na nakatitig sa amin ang mga magulang ko. Nanonood lang sila sa aming dalawa ni Zafiro. Binaba ako ni Zafiro sa upuan sa dulo.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon