-STEPHANIE
Habang naglalakad ako ay nakita ko sa hindi kalayuan si Maddison na nakaupo sa isang upuan habang nakatili ang kaniyang mga kamay at may busal pa sa bibig. Mabilis akong tumakbo rito at napansin ko na walang tao. Sino sa mga kaibigan ni Zafiro ang gumawa nito kay Maddison?
Mabilis ko sʼyang kinalagan at tinanggal ang busal sa bibig nʼya. "“Sino ang gumawa nito sa ʼyo?” I asked at pinatayo sya agad since nanghihina ang katawan nʼya.
“U-uuwi muna tayo, k-kailangan ko ng energy muna,” sambit ni Maddison at inakay ko sʼya.
Napansin ko na basa ang buhok nʼya at mukha na parang may tumapon sa kaniya ng isang tabo ng tubig. Mabuti na lang pala at naisipan ko sʼyang hanapin kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Inakay ko sʼya papasok sa parking lot at mabuti na lang ay hindi butas ang gulong ng kotse ni Wendy.
Napansin ko rin na wala na rito sa parking lot ang kotse ko. Mabilis kong sinakay si Maddison sa passenger seat ng kotse at pumunta ako sa driver seat pagkatapos kong isara ang pinto ng passenger seat. Pinaandar ko ang kotse at matulin na pinatakbo.
Dadalhin ko si Maddison sa headquarter dahil may mga gamot naman doon at para makapagpahinga na rin siya ng maayos. Mabuti na lang at walang traffic enforcer na nakakasalubong ko sa daan dahil over speeding na ang pagpatakbo ko. “Humanda ang gumawa nito sa ʼyo kahit may hinala na ako,” mahina kong sambit.
Humanda sila Zafiro kung sila ang may kagagawan nito. Lalo na ʼyong mga kaibigan nʼyang mga siraulo. Pinark ko kaagad ang kotse sa parking lot ng headquarter at inakay si Maddison papasok sa loob since nanghihina na ang kaniyang katawan. Pinahiga ko sʼya sa kama saka kumuha ng pagkain at tubig. Mabuti na lang at may pagkain sa ref at tubig.
Pinaayos ko ng upo si Maddison saka pinasandig sa headboard ng kama nʼya sa kuwarto nʼya. Pinainom ko sʼya ng tubig at ininom naman nʼya ito. Naubos nʼya ang isang basong tubig na pinainom ko saka pinunasan ko ang mukha nʼya. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin.
“Sino ang gumawa nito sa ʼyo?” mahina kong tanong at saka sinubuan sʼya ng pagkain na macaroni.
Since, ito 'ʼyong nakita ko na pagkain sa ref, wala na rin akong oras para magluto pa. Nilunok naman nʼya ang pagkain. “Tinali ako noʼng mga gago na ʼyon dahil utos daw ni Zafiro kapag tumanggi ka na kumain sa niluto nʼya na pagkain. Mabuti na rin na tumanggi ka dahil may sleeping pills ʼyong mga inumin doon,” sabi ni Maddison sa mahinang boses.
Tama nga ang hinala ko. Naiinis na ako sa Zafiro na ʼyan at kung hindi lang sa misyon namin ay matagal ko na sʼya tinuluyan. “Bakit hindi ka lumaban? Malakas ka naman,” tanong ko sa kaniya pero umiling lang sʼya.
“Hindi ako lumaban dahil malalaman nila ang skills natin. Naghihinala na sila sa atin lalo na nakakaya mong kalabanin si Zafiro kahit na sʼya ang pinakamalakas sa kanila,” sabi ni Maddison at doon ko napagtanto na naghihinala na rin sila sa amin.
Nangyari pala ito kay Maddison dahil sa akin tapos hindi rin sʼya lumaban dahil sa akin. Bakit ako pinaghihinalaan ni Zafiro? Hindi ko naman pinapakita sa kaniya ang lakas ko. “Sino sa kanila ang tumali sa ʼyo at bumuhos sa ʼyo ng tubig?” malamig kong tanong.
Tiningnan ako ni Maddison na pilit binabasa ang expression ko. “Kapag sinabi ko, anoʼng gagawin mo sa kanila? Gagantihan mo ba sila?” tanong nʼya at natahimik ako.
Dapat lang na maramdaman nila ang ginawa nila sa kaibigan ko. “Pipigilan mo ba ako sa gagawin ko?” tanong ko pero umiling sʼya.
“I trust you, do whatever you want pero mag-ingat ka.”
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...