EPILOGUE

622 15 0
                                    

-STEPHANIE

Isang linggo at nakalipas pagkatapos namin pumunta sa beach ni Zafiro. Naging masaya ang trip namin doon. Nakita ko rin kung gaano ako alagaan at mahalin ni Zafiro.

Nandito ako ngayon sa mall at magkaharap kami ngayon ni Flaire. Hindi sʼya makatingin sa akin. Nandito kami sa may  coffee shop dito sa mall. Hindi ko alam kung bakit inaya nʼya ako makipag-usap sa akin.

“How are you?” malumanay nʼyang tanong.

Ngumiti ako sa kaniya. “Iʼm fine, how about you?” nakangiti kong tanong at napatingin sa akin si Flaire.

Nakita ko kung paano nakailang lunok si Flaire. Tapos nanubig din ang mga mata nʼya na kinagulat ko. “May problema ba?” nagtataka kong tanong.

Sunod-sunod sʼyang umiling sa akin. “Wala, naiiyak lang ako sa tuwa dahil akala ko galit ka sa akin,” sabi nʼya at pinunasan nʼya ang kaniyang mga mata.

Kaya pala hindi nʼya sinasagot ang mga tawag ko at text dahil natatakot sʼya sa akin sa pag-aakala nʼya na galit ako. Kahit kailan hindi ako nagalit sa kaniya.

“Bakit naman ako magagalit?” tanong ko habang nakatitig lamang sa kaniya

Pinakalma nʼya ang kaniyang sarili at doon ko napagmasdan ang suot nʼya. Plain red sweater at black trouser with white sneakers ang kaniyang outfit. Habang ako naman ay plain gray bias skirt na lampas sa tuhod at plain black polo long sleeve button-down na nakasara maliban sa dalawang butones sa taas na tinupi ko ang manggas hanggang sa siko. Suot ko naman sa paa ay plain black 2 inches peep-toe ankle strap platform wedge.

“Dahil sa ginawa ko sa kapatid mo,” mahina nʼyang sabi habang naka-iwas tingin.

Sa totoo lang, may part sa akin na medyo nagalit dahil sinaktan ni Flaire ang kapatid ko pero noʼng malaman ko ang rason ng hiwalayan nila ay mas panig ako kay Flaire. I canʼt believe na magagawa iyon ni kuya kaya hindi ko talaga masisi si Flaire sa ginawa nʼya.

“Hindi ako galit at kailanman ay hindi ako nagalit. You did the right thing especially when you know that you canʼt no longer feel happy when youʼre with him. Flaire, just be happy. The only thing that I want for you is to feel happiness,” nakangiti kong sabi at tumango si Flaire.

I want her to be happy, bagay na pinagkait sa kaniya ng kapatid ko. Galit ako sa kapatid ko dahil sa ginawa nʼya sa kaibigan ko. Pero habang nakikita ko rin na nasasaktan ang kapatid ko lalo na noʼng nalaman nʼya na masaya na sa ibang tao si Flaire ay lagi itong tulala at walang kibo. Naawa rin ako sa kaniya kaso wala na akong magawa.

“Salamat sa lahat, Stephanie. Masaya ako para sa inyo ni Zafiro dahil kayo pa rin hanggang dulo. Hʼwag mo kalimutan na bigyan ako ng invitation sa kasal nʼyo,” nakangiti nʼyang sambit habang nakita ko kung paano kuminang ang kaniyang mga mata.

“Sira, baka mauna ka pa kaysa sa akin.”

Patuloy ang kuwentuhan namin hanggang sa nagpaalam sʼya dahil may pupuntahan pa sʼya. Habang ako naman ay pumunta sa national book store. Sinama ni Zafiro ang anak naming si Zaphira para mamasyal sa paborito nʼyang puntahan at iyon ay national book store. May bibilhin daw sʼya roon na kuwentong pambata.

Pagkarating ko sa national book store ay hindi naman ako nahirapan mahanap sila dahil nasa counter sila. Hindi ko maiwasan na tumaas ang kanan kong kilay dahil sa nakikita ko. Ang landi naman ng cashier na ito. Pati na rin ʼyong kasama nʼyang babae na bagger.

“Sir, single po ba kayo?” tanong noʼng cashier.

Hindi naman sumagot si Zafiro at seryoso lamang nakatingin sa pinamili nila.

“Anak nʼyo po ba ʼyan, Sir? Willing ako maging nanay nʼya kung single dad kayo?” tanong nang bagger.

Lumakad ako palapit sa kinaroroonan ni Zafiro. Hindi nila ako napansin kasi nakatingin lang sila ni Zaphira sa pinamili nila. “Darling, matagal pa ba kayo?” malambing kong tanong kay Zafiro pagkalapit ko sa puwesto nila.

Agad naman akong inakbayan ni Zafiro. “Malapit na, darling. Kanina ka pa ba riyan?” malambing tanong ni Zafiro.

Napangiti ako ng malawak noʼng nakita ko kung paano mawala ang malanding ngiti at tingin noʼng cashier at bagger. Napayuko sila at binilisan ang pagtrabaho sa binili ni Zafiro.

“Mukhang masaya ka,” sabi ni Zafiro sa mahinang boses.

“Of course, nakausap ko na si  Flaire at naging maayos na kami. Wala namang masama kung maging masaya ako,” nakangiti kong sambit at ngumiti sa anak ko na nakatingin sa akin.

Ngumiti rin si Zaphira na labas ang kaniyang malalim na dimples na namana nʼya sa kaniyang ama. Binigay noʼng cashier sa akin ang binili ni Zafiro. Nakayuko sila na parang nahihiya sa mga sinabi nila.

Lumabas kami sa book store at nauuna ang anak namin habang patuloy na naka-akbay si Zafiro sa akin. Ang mga babaeng nadadaanan namin ay nakatingin kay Zafiro na halos lumuwa ang kanilang mga mata habang ako naman ay mga lalaking na kumikindat sa akin.

Agad din sila nagsisi-alisan kapag nakikita nila ang katabi ko na matalim ang titig sa kanila. “I hate the way that they stared at you,” seryosong sambit ni Zafiro na kinatawa ko.

“Why are you laughing?” seryoso nʼyang tanong.

“You donʼt need to feel jealousy. You know that Iʼm yours,” sambit ko at tiningnan ko si Zafiro na biglang naging malapad ang ngiti.

Kitang-kita ko na ang malalim nʼyang dimple na namana ni Zaphira. “Mom and Dad, letʼs go to the arcade. I want to play some games,” sambit ni Zaphira at tinuro ang arcade.

“Okay,” sabay naming sambit ni Zafiro at tumakbo naman ang anak namin sa arcade.

Nakasuot sʼya ng white floral dress na hanggang tuhod nʼya with white doll shoes at nakatali ang buhok nʼya gamit ang white ribbon. Ako ay nakalugay lang ang buhok ko at light make-up ang nilagay ko sa aking mukha since maputi naman ako.

“Stephanie, hʼwag mo sana ipaalam kay Wendy ang nalaman mo. Para rin naman ʼyon sa kaligtasan ng anak nila,” sabi ni Zafiro at tumango ako kahit labag sa loob ko.

“Nasaan ngayon ang anak nila?” tanong ko habang malapit na kami sa entrance ng arcade kung saan nandoon naghihintay si Zaphira.

Ngumiti si Zafiro. “Sa mansion na pag-aari ko, inaalagaan sʼya ngayon ng mga magulang ko.”

Natahimik naman ako at hindi makapagsalita. “Her name is Chanelle Ashley Laxiurs. Same age sila ni Zaphira,” sabi ni Zafiro at mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Zafiro.

Ibig sabihin nabuntis si Wendy noʼng time na buntis din ako. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. Bakit hindi sinabi sa akin ni Wendy?

“Letʼs stop talking about them. Lapitan na natin ang anak natin,” sabi ni Zafiro at inalis ang pagkaka-akbay sa akin.

Hinawakan nʼya ang kaliwa kong kamay at nagka-holding hands kami. Napangiti naman ako sa ginawa nʼya. “Iʼm so happy to have you, Stephanie. I love you,” sabi nʼya at kulang na lang ay mamula ang aking mga pisnge.

“Iʼm so happy that you love me, Zafiro. Thank you for showing and make me feel what love is. Iʼm so grateful and happy that may feeling is always getting closer to you,” nakangiti kong sambit at nakalapit na kami tuluyan kay Zaphira na nakasimangot dahil matagal kaming nakarating sa entrance.

“My feelings is always getting closer to you and to our daughter. Thank you for bringing me a bright world. Thank you also for getting me out in my darkness world,” sabi ni Zafiro at ngumiti ako ng malapad.

Our feelings and love is always getting closer to each other. No matter what happened, we always fight it together. Because we are not just getting closer to each other but of course our love is closer to each other.

My sun that rose in my life, Zafiro Deifen Axien.

THE END

PLEASE WAIT FOR THE FIRST PART OF POV OF ZAFIRO.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon