CHAPTER 34

3.4K 34 0
                                    

-STEPHANIE

“Sister? Paano? Explain nʼyo naman sa akin kasi hindi ko naiitindihan,” sabi ko habang mahina ang boses ko.

Humarap sa akin si Cyziel. “Kausapin mo ang tatay mo para maipaliwanag nʼya sa iyo dahil sʼya ang may alam sa buong katotohanan,” sagot ni Cyziel pero napailing ako.

Bakit sa kaniya ko pa kailangan malaman? Hindi ko sʼya gustong makausap dahil sa ginawa nʼya kay Mama. Kahit kailan ay hindi sʼya nagpakatatay sa akin.

“I know how you hated your father for being worthless. But sʼya lang ang nakakaalam sa katotohanan saka oras na rin para malaman nʼya ang nangyari sa ʼyo at sa nanay mo,” sagot ni Cyziel at napatulala ako sa sinabi nʼya.

Si Zafiro naman ay nakikipag-usap kay Khifiro at parang naiirita si Khifiro base sa usapan nila. “Saan ko sʼya mahahanap? Ang tagal na mula noʼng alam ko kung nasaan sʼya,” I answered at may inabot sa akin si Cyziel and tinanggap ko.

Binuklat ko naman ito at nagulat ako sa laman ng sulat. Humarap ako kay Cyziel na questionable ang mukha. “Nandito sʼya sa address na ito?” tanong ko at tumango si Cyziel to confirm what I am thinking.

Hindi ako makapaniwala na nandito sʼya sa lugar na ito. I thought na maayos na ang kaniyang buhay dahil sumama sʼya sa kabit nʼya. "Yeah, you can talk to him and confirm the truth. Matagal ka na nʼya hinihintay na pumunta o bumisita ka lamang sa kaniya,” sabi ni Cyziel at napaupo ako sa sofa.

Bakit? Bakit nandito sʼya sa lugar na ito? For what? Ngayon ko lang nalaman ang information na ito dahil wala na akong pakialam sa kaniya simula noʼng iniwan nʼya kami ni Mama.

“Stephanie, your real parents is waiting for you. I mean our parents is waiting to you to come back to us. Your real family,” sambit ni Cyziel at nakatulala lang sa amin si Khifiro na gulat pa rin sa nalaman.

Ako nga rin. Ewan ko kung maniniwala ako na magkapatid kami ni Cyziel. Hindi naman halata na magkapatid kami. Wala sa hitsura namin na magkapatid kami. “Sige, pupuntahan ko sʼya.” Final na desisyon ko.

Mas mabuti na malaman ko ang totoo kaysa habang buhay kong iniisip kung ano nga ba ang totoo. “Hʼwag kang mag-aalala, Stephanie. Sasamahan kita sa kaniya,” sabi ni Zafiro at nilapitan ako.

Umiling ako sa kaniya kaya hindi natuloy ang paglapit nʼya. “No, si Cyziel ang sasama sa akin,” sabi ko at napayuko si Zafiro.

Napangiti naman si Cyziel na mukhang inaasahan nʼya na sasabihin ko ito. Kaya lang gusto kong magpasama sa kaniya dahil sʼya ang nakakaalam kung nasaan ang tatay ko.

“Pero-”

Naputol ang sasabihin ni Zafiro dahil sumabat si Cyziel sa sasabihin nʼya. “Narinig mo naman ang sinabi nʼya. Sa akin sʼya sasama,” pagdidiin pa ni Cyziel kay Zafiro.

Ang laki ng galit nʼya kay Zafiro kahit magkaibigan sila. Hindi na sumabat si Zafiro sa sinabi ni Cyziel. “Khifiro, kayo muna ang bahala rito. Aalis muna kami ni Cyziel.” Paalam ko sa kanila at napatango si Khifiro.

Si Zafiro ay nakatitig lang sa akin kaya hindi ko sʼya tinatapunan ng tingin. Hindi kumukurap ang tingin nʼya sa akin na nagpapakaba sa akin. Lalo na ang intense pa ng pagtitig nʼya.

“Okay,” simpleng sagot ni Khifiro.

Napansin ko sa gilid ng mata ko na pinasadahan ng tingin ni Zafiro ang sout ko mula ulo hanggang paa. “Aalis ka na ganʼyan ang sout?” hindi makapaniwala nʼyang tanong at tinuro pa ang damit ko.

Saka ko lang na-realize na naka-pambahay ako ng damit. Nakasout ako ng terno na pantulog na color light blue na may design pang flower. “Of course not, magpapalit ako ng damit,” depensa ko sa aking sarili and I heard his chuckle.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon