CHAPTER 3

6.2K 88 5
                                    

-STEPHANIE

Nandito ako sa bahay at nag-iimpake nang mga damit at gamit ko. Sasabihin ko na lang mamaya kay Mama ang dahilan kung bakit aalis muna ako sa bahay pansamantala. Patuloy ako sa pag-iimpake at dinig ko pa ang kalabog sa baba sa may sala. Mukhang may tinatapon na naman na gamit si Mama at lasing na naman ito.

Mabilis kong tinapos ang pag-iimpake at saka lumabas sa aking kuwarto dala ang isang maleta na black at malaking bagpack kung saan doon nakalagay mga laptop, ipad at bag ko na pang-school. Pagbaba ko sa hagdan ay napansin agad ako ng nanay ko na nambabasag ng gamit.

“Hey there, my ungrateful daughter. Saan ka pupunta?” lasing nʼyang tanong habang hawak nʼya pa ang bote ng whiskey.

Nakalahati na nʼya ito at pasuray-suray sa paglalakad. Mukhang ito ang epekto sa pag-aaway nila ni Papa. “Titira ako sa isang bahay kasama ang mga kaibigan. Pansamantala akong maninirahan doon,” sambit ko at umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Ramdam ko ang mga tingin nʼya sa akin. “Iniwan na nga ako ni Steve pati ba naman ikaw. Sa bagay wala ka rin namang kuwenta sa buhay ko. Pabigat ka lamang sa buhay ko at kasalanan mo ito lahat kung bakit nangyayari sa akin ito,” sabi ni Mama habang napapasinghap ang mga maid sa mga naririnig nila.

Nakatayo sila sa may entrance ng kusina. Hindi na ba sila nasanay na ganiyan ang trato sa akin ni Mama. Buong buhay ko ay puro pagsisi ang naririnig ko sa sarili kong ina. Minsan nga pinapangarap ko na sana iba na lang ang mga magulang ko.

“Itʼs not my fault, you just love the wrong person. You love a man that made you feel worthless,” sagot ko sa kaniya and I heard her laugh with disbelief.

“This how you thanked me for raising you up? I should have not give birth to a child like you. You ruined my life,” pagsisi na naman sa akin ni Mama habang natatawa ito.

I just sighed at tinuloy ang pag-alis ko. Sinabihan ko na ang mga maid na sila na ang bahala kay Mama at i-update lang nila ako through messaging me kung ano ang ginagawa ni Mama.

"Puwede ka na umalis at hindi na bumalik. Wala rin naman akong anak,” sabi pa ni Mama bago ako makaalis kaya nilingon ko sʼya.

Iniinom nʼya ang whiskey tapos nasa akin ang tutok ng mga mata nʼya. Malamig lamang ang tingin ko sa kaniya.

“Then suit yourself. Since the day that I was born, I donʼt have parents who raise me up and treat me like their precious child,” sabi ko at napansin ko ang pananahimik nʼya.

Tuluyan na ako lumabas at pumunta sa kotse ko na naka-park. Sumunod naman sa akin si Manang Lucy na matagal na namin katiwala sa bahay. "Mahal na mahal ka ng Mama mo, kaya nʼya lang ʼyon nasabi kasi lasing sʼya,” sambit sa akin ni Manang.

Nilagay ko ang gamit ko sa likod ng kotse at sinara rin ito agad pagkalagay ko. Tiningnan ko si Manang Lucy at pumunta sa driver seat.
“Lasing man o hindi, ganoʼn pa rin ang sasabihin nʼya sa akin. Basta hʼwag nʼyo lang kalimutan na i-update ako sa ginagawa ni Mama at bantayan nʼyo sʼya.” Paalala ko kay Manang Lucy at napatango naman sʼya.

“Mag-iingat ka, Stephanie. Mukhang hindi na kasi kita mapigilan sa pag-alis mo. Kami na ang bahala sa Mama mo.” Paalam sa akin ni Manang Lucy kaya tumango ako at pinatakbo na ang kotse.

Bata pa lang ako ay hindi ko na ramdam ang pagmamahal ng isang magulang. Si Manang Lucy ang nagpalaki sa akin at naging nanay ko. Busy ang Nanay ko sa Tatay ko at lagi na lang silang nag-aaway. I canʼt help but to get mad while thinking about my childhood past.

Nagpapasalamat nga ako dahil may nagmamahal pa rin sa akin even though Iʼm not really capable of loving. I really despised my father for being an assh*le and jerk, he never loved or noticed how my mother love her from the bottom of her heart.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon