CHAPTER 7

3.8K 52 1
                                    

-STEPHANIE

Maaga akong nagising dahil tatakasan ko si Zafiro. Iʼm sure na mamimilit na naman ʼyon na sasabay ako sa kaniya papunta sa school. Wala talagang kuwenta ʼyong ginawa naming rules. Saka wala pa kaming nalalaman tungkol sa mga kalaban na ʼyon. Late kami nakauwi ni Zafiro kagabi at nagtataka ang mukha ng mga kaibigan ko habang ʼyong mga kaibigan ni Zafiro ay walang kibo.

Mukhang takot sila kay Zafiro dahil sʼya ʼyong leader nila, saka natatakot sila baka isang salita lang nila tungkol sa amin ay lagot sila kay Zafiro. Si Wendy naman ay hindi na nagtanong sa akin noʼng natulog na kami kagabi. Doon ko lang na-realize noʼng chinarge ko ang cellphone ko na ang dami nilang calls at text.

4:00 am pa lang ay gising na ako dahil tatambay muna ako sa headquarters namin. Ite-text ko na lang sina Wendy na roon muna dumiretso bago pumasok sa school. Mabilis at maingat ang bawat galaw o hakbang ko pababa ng hagdan. Wala pang gising at patay ang ilaw sa living room.

May nakabukas na lampshade na nagsisilbing ilaw sa living room. Dahan-dahan ang pagbaba ko hanggang sa tuluyan na ako makalabas pero may naanig akong anino sa labas, malapit sa gate. Napansin nʼya ako bigla kaya lumingon sʼya sa akin. Hindi ako agad nakapagtago dahil nabigla ako sa kaniya.

“Oh, itʼs you. Tatakasan mo ba si Zafiro?” mahina nʼyang tanong habang hawak ang kaniyang cellphone.

“Isusumbong mo ba ako kapag sinabi kong oo?” kalmado kong tanong.

Umiling ito at nag-give way sa daan sa may gate. Lumapit naman ako agad sa gate at tiningnan sʼya. “Go ahead, hindi kita isusumbong. I donʼt want to involv on whatʼs really happened to the both of you,” sabi pa nʼya saka umayos ng tayo habang diretso ang tingin sa akin.

“Thank you. I hope na maasahan ko ang sinasabi mo.” I thanked him dahil mukhang seryoso naman sʼya sa sinasabi nʼya.

Binuksan ko ng mahina ang gate saka lumabas. Bago ko maisara ang gate ay rinig ko pa ang huli nʼyang sinabi. "Goodluck on escaping, and hiding. It feels like the two of you having a hiding and chasing game which is excite me while watching to the both of you,” sabi nʼya pero hindi ko na lang pinansin.

Agad akong pumunta sa kotse ni Wendy sa labas na naka-park saka sumakay rito. Pinaandar ko ng mabilis ang kotse. Pero, biglang pumasok sa isipan ko kung bakit nandoon sa labas ng bahay, sa may gate si Cyziel. Nakangisi pa sʼya nang nakita nʼya ako. Tapos napansin ko pa na may bahid ng dugo ang kaliwa nʼyang binti.

Sinasaktan nʼya ba ang sarili nʼya? Pero bakit naman? Mukhang silang magkakaibigan ay parehas na may mga problema sa sarili. Dumudugo pa ang binti nʼya pero parang wala lang sa kaniya tapos may hawak pa sʼyang cellphone. Napailing na lang ako at pinark ang kotse sa parking lot ng headquarters.

Nakarating ako kaagad dito dahil walang traffic at kaunti lang ang nakikita kong mga vehicles sa daan, sila siguro ʼyong may mga work na maaga. Pumasok ako kaagad sa kuwarto ko sa headquarters at doon humiga. Hindi ko magawang makatulog sa kuwarto ko roon sa mansion dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

Kasalanan talaga ito noʼng Zafiro na kulang sa aruga. Biglang pumasok sa isip ko si Mama. Kumusta na kaya sʼya? Hindi kasi ako tinetext ni Manang Lucy. Agad kong nilabas ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan ang number ni Manang Lucy. Iʼm sure na maaga naman ʼyon gumising dahil naglilinis at naghahanda ʼyon ng pagkain.

Hindi nagtagal ay sumagot ang sa kabilang linya. “Hello, Stephanie. Kumusta ka riyan?” mahinang tanong ni Manang Lucy.

Parang hindi pa rin natupad ang pangarap ko na freedom dahil may isang lalaki na panay pilit sa akin na makipag-date kahit ayaw ko. “Okay lang ako,” I lied dahil ayaw kong mag-alala pa sila sa akin.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon