-STEPHANIE
Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng mahaba. Bumangon ako sa kama at napatingin sa bintana na natatakpan ng gray na kurtina. Tumatama roon ang sinag ng araw kaya Iʼm sure na umaga na. Hindi ko akalain na hindi man lang ako nakaramdam ng gutom kahit wala akong kinain kahapon.
Bumukas bigla ang pinto at pumasok si Zafiro na bagong paligo. Nakahawak sʼya ng isang tray na may lamang pagkain. Napagmasdan ko ang sout nʼya na simpleng black t-shirt with black pants. Naka-messy hair siya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nʼya na halatang katatapos lang mag-shower.
Nilapag nʼya sa side table ang dala nʼyang pagkain na nakalagay sa tray. Isang sopas pala at pritong scrabble egg at beef loaf. Akala ko kung ano na ang niluto nʼya.
“I cook food for you. Kainin mo na kasi masarap ʼyan,” sabi nʼya sabay turo sa pagkain.
Tiningnan ko lang ito na parang inspection ang ginagawa. Naalala ko dati na nilagyan nʼya ng gamot pangtulog ʼyong hinanda nʼyang pagkain.
“Donʼt worry wala akong nilagay na lason o gayuma. I can make you fall in love with me without using gayuma,” sabi nʼya habang natatawa pero nagdadalawang isip ako.
Hindi ko na lang kakainin dahil may trust issue pa ako sa kaniya. Hindi mapagkatiwalaan ang katulad nʼya na maraming sekreto.
“You should be thankful na ikaw ang kauna-unahang babae na pinagluto ko,” sabi nʼya pero napangiwi na lang ako.
Ito ba ang pinagmamalaki nʼyang niluto nʼya. Kahit nga elementary student ay alam ʼyan lutuin. Akala ko pang special restaurant ang pinag-aaralan nʼyang luto, hindi naman pala.
“Dapat ko bang ipasigawan?” sarcastic kong tanong at parang nainsulto naman sʼya sa sinabi ko.
Naupo siya sa upuan na nasa gilid ko. Tiningnan nʼya ako ng nakangiti pero may kakaiba sa ngiti nʼya na parang pinilit nʼya ang sarili nʼya na ngumiti. Napagmasdan ko sa malapitan at ang haba pala ng pilikmata nʼya na bagay sa kaniya. Kaya nagtataka ako kung bakit ako ang target nʼya kahit ang guwapo nʼya.
“Darling, good mo ako ngayon kaya hʼwag mong sirain,” banta nʼya sa akin at umayos sa pagkakaupo.
Naka-dekwatro na ito habang titig na titig sa akin gamit ang mga malalim nʼyang mata. “Paano ako makakain kung nakaposas ang isang kamay ko?” tanong ko sa kaniya sabay tunog ng tiyan ko.
Napapikit ako ng palihim sa hiya. Mukhang narinig nʼya ang malakas na pagtunog ng tiyan ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa nʼya kaya nilingon ko siya. “Youʼre so cute, darling. Don't worry, I will be the one who will feed you. You are under of my control,” sabi nʼya at kinuha ang sopas.
Tinapat nʼya sa labi ko ang kutsara na may lamang sopas. Binuka ko naman ang bibig ko at kinain ang pinakain nʼya sa akin. “Baby should be feed up.”
Kumakain ako ng pagkain. “Iʼm not your baby,” sabi ko kahit may pagkain sa bibig ko.
Ngumisi lang sʼya sa akin. Hindi ko talaga gusto kung paano sʼya tumitig o tumingin sa akin. Parang nagmamalaki kasi ang tingin nʼya, kumbaga para sʼyang hari sa kaniyang nasasakupan.
“Of course not, because youʼre my darling,” sabi nʼya at may tinapat ulit na kutsara sa labi ko.
Ngumiti pa sʼya na parang nakatutuwa ang sinabi nʼya at dapat akong kiligin. Hayaan ko na lang sʼya sa pagtatawag sa akin ng darling dahil sʼya naman ang nagsasalit noʼn at hindi ako.
“This is the second time that I feed my future wife. I should write it in my diary,” sabi nʼya at may pagmamalaki sa boses nʼya.
Kinakain ko lang ito dahil gutom na ako. Tiningnan ko sʼya nang nagtataka dahil sa sinabi nʼya. I mean, first time ko makarinig na nagsusulat pala ng diary ang isang lalaki. Kadalasan kasi sa nakikita ko ay mga babaeng may crush at babaeng feel lang magsulat nang nangyari sa buhay nʼya.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...