CHAPTER 39

3K 31 4
                                    

-STEPHANIE

Bakit nandito si Lucas? Paano nʼya nahanap ang bahay ni Mama at Papa? Wala akong sinabihan sa address ng bahay namin. Lumapit sa puwesto namin sa Lucas at sa harap ko pa talaga umupo kung saan doon nakaupo kanina si Cyziel.

Hindi ko magawang sagutin si Zafiro kasi nagulat ako sa biglang pagdating ni Lucas. Binigyan ko ng panakaw na tingin si Zafiro at napansin ko na nakatitig ito ng mariin kay Lucas habang si Lucas ay nakatingin lang.

Nagpaalam naman si Mama at Papa para makapag-usap kami pero nagulat din sila sa pagdating ni Lucas. “I thought youʼre familiar. Zafiro Deifen Axien, right?” nakangising tanong ni Lucas.

“I also know you. I know that your company is facing bankruptcy right?” nakangising tanong ni Zafiro at si Lucas naman ay nawala ang ngisi sa labi.

He look so offended by Zafiro words. Humarap ako kay Zafiro para sitain sʼya. “What the heck are you doing?” mahina pero gigil kong tanong.

Hindi man lang sʼya tumingin sa akin. “Iʼm just reminding him. There is nothing wrong with what I told him. I did the right thing. Why would he offended when its the truth?” he asked with a smirk on his lips.

I remained silent at napapahiyang napatingin kay Lucas na halata sa mukha nito ang pagka-offend. “Thank you for reminding me. Iʼd appreciate it a lot,” sarcastic na sambit ni Lucas at napansin ko ang pagka-irita sa mukha nito.

“Of course, dude. Pinag-iisipan ko pa kung tutulong ako sa company mo. Sa akin ka pa naman lumapit kasama ang pamilya mo, ʼdi ba?” tanong ni Zafiro at natahimik si Lucas.

What? Kay Zafiro humingi ng tulong si Lucas? Bakit hindi sʼya lumapit sa akin para humingi ng tulong? Ang laki naitulong nʼya sa akin noong college kami.

Isa sʼya sa tumulong sa akin financially noong naghihirap ako sa pag-aalaga kay Zaphira. Saka hindi big deal sa akin ang pagtawag nʼya sa akin ng honey dahil sanay na ako. Since college kami ay ʼyan na ang tawag nʼya sa akin pero hanggang kaibigan lamang turing ko sa kaniya.

“Kung hindi mo naman ako tutulungan, kaya ko naman lumapit sa iba para tulungan ako. Hindi ko gusto pilitin ang taong ayaw tumulong,” sagot din ni Lucas at napansin ko na tumataas ang tension sa pagitan nilang dalawa.

Ngumisi rin si Zafiro at natutuwa sa naririnig. “Sino naman ang tutulong sa ʼyo? Bago pa sila makatulong ay wala na ang company mo. Kaya kong pabagsakin ang company sa isang pitik lamang. Kung ayaw mo maniwala ay subukan mo na para goodbye company,” nang-aasar na sambit ni Zafiro.

Napahigpit ang hawak ni Lucas sa kaniyang panyo na hawak. Napansin ko kung paano kumuyom ang kaniyang kamao. “By the way, nais ko lamang mamasyal kay Stephanie. Papayag ka naman, Stephanie?” tanong ni Lucas at tiningnan ako ni Zafiro.

“May pupuntahan kaming dalawa ni Stephanie. Sa ibang araw ka na lang bumalik,” sabi ni Zafiro kay Lucas.

Pero nakatingin lamang sa akin si Lucas na naghihintay sa sasabihin ko. “Sasama ako, ang tagal na rin hindi tayo nagkita,” sabi ko kay Lucas and heard Zafiro cussed.

Zafiro looked at me with disbelief. Tumayo naman ako at tumingin muna kay Lucas. “Mag-uusap lamang kami,” sabi ko at hinila patayo si Zafiro.

Humarap ako sa gawi ni Zafiro. “Mag-usap tayo,” sabi ko at hinila si Zafiro sa garden area namin.

Tumigil kami sa garden area ng bahay namin. “What the heck did you say? Bakit ka pumayag? Paano ang lakad natin mamaya?” naiinis na tanong ni Zafiro.

GETTING CLOSER [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon