-STEPHANIE
Pinapasok kami ni Tita sa sala. Nakita ko ang dalawang anak nʼya na mabilis na nagtago noʼng nakita nila ako. Nagmadali silang pumasok sa mga kuwarto nila. Maliit lang naman ang sala nila pero malinis naman.
Pinaupo kami ni Tita sa maliit na sofa na may small glass table sa harapan nito. Mukhang kumpleto naman ang gamit nila. Probinsya na probinsya ang dating ng bahay nila. “Ano ang gusto nʼyong kainin or snack?” tanong ni Tita at tiningnan kami.
“Hindi na po kailangan, Tita. Hindi rin naman kami magtatagal dito,” sagot ko na sinang-ayunan ni Zafiro.
Wala naman nagawa si Tita kundi umupo sa kahoy na upuan. Nakaharap sʼya sa amin at parang nahihiya sʼya sa amin. “Kumusta naman kayo rito, Tita?” mahina kong tanong habang nakatingin.
Medyo nagulat pa si Tita sa naging tanong ko. “Okay lang kami rito,” mahinang sagot ni Tita at tiningnan si Zafiro.
Nakatingin lang si Zafiro sa paligid habang panay tingin nʼya sa mga nakakabit sa dingding na picture frames at certificate. Hindi pa pala na-renovate itong bahay ni Tita. “Kumusta ang buhay nʼyo rito?” tanong ko para mawala ang hiya ni Tita.
Mukhang si Zafiro ang dahilan para mahiya si Tita since ang linis tingnan ni Zafiro at halata mo talaga sa kaniya na mayaman sʼya. Napatingin naman ako sa bukas na kuwarto at nandoon ang dalawa kong pinsan na nakasilip habang kay Zafiro ang tutok nila.
Hindi nila napansin na nakatingin ako sa kanila. “Maayos naman, nabubuhay naman kami kahit sa simpleng buhay. Kumusta naman ang Mama mo?” tanong ni Tita at nablanko ang isip ko.
Hindi ko kayang sabihin kay Tita na may sakit sa Mama. Lalo na wala akong tiwala sa anak nʼyang dalawa at asawa nʼya. Baka may plano sila na masama. “Maayos din naman sʼya.”
Tumango si Tita at napalunok pa sʼya ng laway. “Ito lang ba ang dahilan para mapabisita ka rito?” tanong ni Tita at muntik na tumaas ang isa kong kilay.
Mabuti na lang at napigilan ko. “May sasabihin ako sa ʼyo pero kapag tayong dalawa lang,” sabi ko at nagdalawang isip pa si Tita na tumango.
Pero kalaunan ay tumango rin sʼya. “Sino pala itong kasama mo? Nobyo mo ba, Stephanie?” tanong ni Tita at sasagot na sana ako kaso si Zafiro ang sumagot.
Nalipat naman ang atensiyon sa kaniya ni Tita. “Good morning, Madame. My name is Zafiro Deifen Axien and Iʼm your nieceʼs boyfriend. Itʼs nice to meet you.” Pakilala ni Zafiro at wala sa sarili na tumango si Tita.
Lumipat ang tingin sa akin ni Tita at tumango rin ako kasi sinabi ko na kanina na boyfriend ko si Zafiro kahit hindi naman. May pumasok sa loob at niluwa nito ang asawa ni Tita na si Tito Rick. Lumipat agad ang tingin nʼya kay Zafiro at saka bumulong kay Tita.
Medyo nagulat pa si Tita sa binulong sa kaniya kaso tumango rin sʼya kalaunan. “Mukhang maayos ang buhay mo sa siyudad, Stephanie. Baka naman may maganda kang pasalubong sa amin,” sabi ni Tito Rick at ngumiti sa amin.
Nakasout sʼya ng sando na black at black short na hanggang tuhod. Kumuha sʼya ng plastic na upuan at umupo katabi ni Tita. “May simpleng pasalubong po ako sa inyo,” sagot ko at nahihiyang ngumiti si Tita habang tuwang-tuwa ang asawa nʼya.
“Mabuti naman at naisipan mo na pasalubungan kami. Wala bang extra riyan na pasalubong? Iyong pera para pambayad sa mga tuition at utang namin. Mayaman ka naman kaya baka naman, Stephanie. Pamilya rin naman tayo rito,” dagdag na sambit ni Tito Rick habang napayuko pa si Tita.
Nagsilabasan ang dalawa nilang anak na nagtatago kanina sa kuwarto nila. “Tay, kailangan ko po ng new phone. May bagong branded na phone akong kailangan since sira na ang cellphone ko,” sabi nang panganay nilang anak na si Stella.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...