-STEPHANIE
Nanatiling nakababa ang tingin ko dahil nahihiya na ako sa atensyo na nakukuha namin dahil sa pag-e-eskandalo ni Lucas. “Ikaw pala ang may-ari nito?” sarcastic na tanong ni Lucas.
Umangat ako ng tingin at nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi ni Zafiro, forming into a smirk. Dahan-dahan ito naglakad sa puwesto namin without removing his playful smirk. “Narinig mo naman sinabi ko kanina. Bingi ka ba or sadyang bobo ka?” masakit na tanong ni Zafiro at may nakita ako sa mga customer na natawa ng mahina.
Sinamaan sila ng tingin ni Lucas isa-isa kaso wala silang pakialam. “Kaya pala low services ang restaurant na ito dahil sa lintek na may-ari,” sabi pa ni Lucas habang masama ang tingin kay Zafiro.
Mas lalo akong nakaramdam ng hiya kahit wala akong kasalanan. Tiningnan ko si Lucas para patigilin ito. “Lucas, calm down. Nakahihiya na ginagawa mo,” mahina kong sita rito at mabilis naman sʼyang lumingon.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at tinuro si Zafiro na natutuwa sa mga reaksyon ni Lucas. “Bakit ka nahihiya, Stephanie? Itong lintek na ʼto ay hindi ka inalagaan, iniwan ka sa ere. Pero ako ʼyong nandito sa tabi mo para alagaan ka, ako tumulong sa ʼyo sa panahon na kailangan mo sʼya. Nasaan ba sʼya noʼng kailangan mo sʼya? Nagpapakasaya sa pagba-bankrupt ng mga company. Gusto nʼya pamilya nila ang angat at walang lalamang sa kanila,” mahaba nʼyang litanya.
Paano ko ba ito naging kaibigan? Grateful ako sa tinulong nʼya sa akin pero hindi ko akalain na isusumbat nʼya pa sa akin tapos hihingi ng kapalit na ayaw ko ibigay. Kung alam ko lang na ganito ang ugali nʼya noʼng una, sana hindi ko na lang tinanggap ang alok nʼyang tulong.
“Are you done with your nonsense speech? Keep your nonsense opinion to yourself. I donʼt even need it. This restaurant is highly recommended by famous people around the world. Youʼre the only idiot who complained of our services. Are you just want an attention? Because someone you like is not giving you an attention and love?” pang-iinsulto ni Zafiro habang dindiin ang sinasabi lalo na sa huli.
Nagbulungan ulit ang mga tao sa paligid, si Lucas naman ay napakuyom ang kaniyang kamao at wala itong sinabi. “And may I remind you that you want my help to your company. You insulted and bad-mouthing me behind my back. You also insulted my well known restaurant. I decided that instead of helping your company I will make it bankrupt. You donʼt know what I capable of,” sabi ni Zafiro at napaupo naman si Lucas sa narinig.
Hindi ito makapagsalita at parang tinamaan ng hiya. Nakita ko na parang natauhan ito sa kaniyang narinig. Malapit na pala ma-bankrupt ang company nʼya. Dahan-dahan akong tumayo at hindi ako napansin ni Lucas kasi nakayuko lamang ito.
Handa sana ako umalis kaso bigla akong hinawakan ni Zafiro sa kamay at bahagyang ngumiti na kinataas ng kilay ko. “Ano ʼyon?” mahina kong tanong baka mapansin ako ni Lucas.
Kanina ko pa gustong umalis dahil sa kahihiyan na nangyari. “I love you, ikaw lang mahal ko,” medyo malakas nitong sambit kaya narinig naman mga customer.
Maraming natuwa at humiyaw sa sinabi ni Zafiro. Mabilis ko inalis ang kamay ni Zafiro sa aking kamay at mabilis na umalis doon. Narinig ko ang panay ʼI love youʼ nito pero hindi ko na pinansin. Bahala na si Lucas doon. Ayaw ko na rin makita ang pagmumukha nʼya dahil sa mga sinabi nito sa akin.
***
Araw-araw pumupunta si Zafiro sa bahay namin at iba-iba ang kaniyang dala para sa amin. Nagdala nga rin sʼya ng isang truck na sako ng bigas. Gusto ko nga sʼya batukan sa ginagawa nʼya pero practical na raw. Si Cyziel naman ay napapailing sa ginagawa ni Zafiro.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...