-STEPHANIE
Ikatlong araw na ngayon doon sa usapan namin ni Zafiro. Pinag-iisipan ko pa rin sa kuwarto ko rito sa headquarters ang sinabi ni Zafiro. Halos hindi ako pinatulog ng sinabi nʼya sa loob ng tatlong araw. Napatigil ako sa pag-iisip dahil biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Flaire at Wendy. Silang dalawa talaga ang pinakamatalik kong kaibigan sa barkada.
Sinara nang maingat ni Flaire ang pinto saka umupo rito sa kama. Nakatingin lang ako sa ginagawa nila. “Bakit kayo nandito?” tanong ko at nagkatingnan silang dalawa.
“Binibisita ka,” simpleng sabi ni Wendy at pinagmamasdan ang design ng kuwarto ko na parang hindi sʼya nakapunta rito.
“Stop that crap. Alam ko na may itatanong kayo sa akin,” sabi ko kaya nagkatingnan ulit sila.
Mabuti na lang wala sa akin ang cellphone ko kaya walang istorbo sa akin. May extra phone naman ako kaso kaibigan ko lang at nanay ko ang nakaalam ng number.
“May problema ka ba, Stephanie?” tanong ni Wendy sa seryosong boses.
Bakit naman nʼya naitanong? Mukha ba talaga akong may problema? “Bakit mo tinatanong?” tanong ko rin at si Flaire naman ay titig na titig sa akin.
“Kasi simula noong bumalik ka rito ay nagbago ka na. Parang may nagbago na sa ʼyo, hindi ka na ang dating ikaw. Pinaliwanag mo sa amin ang dahilan ng pagkawala mo pero may kakaiba talaga sa ʼyo,” sambit ni Wendy habang nakatingin sa akin.
Yeah, I noticed too that there is some part of me that has change. Hindi ko nga lang maipaliwanag kung anong parte ʼyon dahil minsan nararamdaman ko na wala naman nagbago sa akin.
“Maganda ba ang pagbabagong sinasabi mo?” I asked while watching their reaction.
“Pakiramdam ko kasi ay may hindi magandang mangyayari sa pagbabago mo,” sabi ni Fliaire na kanina pa tahimik.
Bakit sila natatakot sa pagbabago ko? Gusto talaga nila ay ʼyong dating ugali ko? Wala namang masama sa pagbabago ko. Ako pa rin ito at hindi magbabago ang lakas ko o kung ano pa ʼyan.
“Walang magbabago, okay? Stop worrying for nothing,” sagot ko na lang at mukhang naitindihan naman nila ang nais kong iparating.
Nag-indian seat sila paharap sa akin kaya alam ko na medyo matagal ang usapan na magaganap. “Totoo ba ang sinabi mo na sila talaga ang kalaban natin na asassin?” paninigurado ni Flaire saka tiningnan ako.
“Mukha ba ako nagbibiro sa sinabi ko?” balik kong tanong kay Flaire.
Nagbabago na rin ang tono ng boses ko dahil sa hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Mukha ba akong nagsisinungaling sa kanila. “Hindi naman sa gano'n. Nabigla lang ako sa nalaman ko,” mahinang sagot ni Flaire at tumungo.
“Dapat din natin silang iwasan nang hindi nila nahahalata lalo na sa sinabi mo na ihuhulog nila kami sa bitag nila kaya dapat hindi kami magpapadala sa mga sinasabi nila,” sabi ni Wendy at tumango ako.
Naiisip ko pa ang usapan namin ni Zafiro. Pupunta raw ako sa restaurant kung saan kami nagkita ilang araw ang nakalipas. Dapat daw ay nakapunta na ako roon within in 5 PM. Malapit na mag 4 PM ang oras and until now ay wala pa rin akong desisyon.
“Tama ang sinabi mo, Wendy. Nagsisimula na ako kabahan dahil parang hindi mga normal ang mga kilos nila at pananalita. There is something dangerous to them,” sabi ni Flaire na sinang-ayonan ni Wendy.
“Basta ako ay nabalaan ko na kayo.” Paalala ko sa kanila pero ang sinabi ni Wendy ako nabahala.
Mabuti na lang at hindi nagtatanong ang mga kaibigan ni Zafiro na wala na kami sa mansion. Pero baka mas matuwa pa dahil wala na roon ang mga sagabal. “Sana ikaw rin, mag-ingat ka kay Zafiro. Nalaman mo na ang tunay nʼyang ugali kaya sana iwasan mo na sʼya,” payo sa akin ni Wendy pero mas pinili ko na manahimik.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...