-STEPHANIE
We are the best parents for Zaphira. Tinanggap ni Zafiro ang naging desisyon ko. Magkasama nga kami sa iisang bahay pero hindi na tulad ng dati. Napansin ko rin na iniiwasan nʼya ako at mas focus na sʼya kay Zaphira.
Dalawang buwan na ang nakalipas at unti-unti na akong nagiging maayos sa trauma ko. Noʼng una, hindi gusto ni Zaphira ang set-up namin lalo na naging malayo kami sa isaʼt isa ni Zafiro. Pero kalaunan ay natanggap nʼya rin kasi kailangan namin ni Zafiro na mag-heal sa isaʼt isa.
Tumira kami sa bahay ni Zafiro pero magkahiwalay ang kuwarto namin. Minsan ay sa tabi ko natutulog si Zaphira pero minsan ay sa kuwarto ni Zafiro. Pumayag naman sina Mama sa desisyon namin na magsama sa iisang bahay kahit hindi kami kasal.
“Hindi ko talaga maitindihan ang desisyon mo. Ang gulo mo,” sabi ni Maddison sa akin.
Nandito kami na squad sa restaurant na pag-aari ni Syrine. Wala rito si Flaire dahil halata naman na iniiwasan nʼya ako. Wala na rin akong balita sa kaniya. Hindi ko na rin tinatanong si kuya tungkol sa kaniya dahil lagi na lang malungkot si kuya.
“Anong magulo?” nagtataka kong tanong.
Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Zafiro. May samuʼt sari silang opinyon sa sinabi ko.
“Wala ka na bang nararamdaman na pagmamahal sa kaniya o natatakpan lang ito ng galit mo sa kaniya dahil sa ginawa nʼyang pananakit sa iyo dati?” tanong ni Tanasha habang kumakagat ng nachos.
Dito kami nakaupo sa may special room nang restaurant ni Syrine. Nagpatayo na kasi sʼya dahil sa kagutuman nʼya. Sa outside part kami nakaupo para malanghap namin ang malamig na simoy ng hangin. Maganda itong location nang restaurant ni Syrine kasi napapaligiran ng mga halaman at puno.
“Hindi ko alam,” mahina kong sagot kasi naguguluhan ako sa aking sarili.
Sa nakalipas na dalawang buwan ay tinatanong ko ang aking sarili kung tama ba ang naging desisyon ko. Ewan ko sa aking sarili kasi napapansin ko na hindi tulad ng dati ang akto sa akin ni Zafiro. Parang hangin na lang nga ako sa kaniya.
“Hindi mo alam? Pero masasakit ʼyong sinabi mo sa kaniya. Ang gulo mo talaga, paano kung humanap ʼyon ng iba lalo na nasasaktan sʼya. Ikaw naman ang iiyak,” walang preno na sambit ni Syrine na pinanlakihan pa ako ng mga mata.
Napairap na lang ako at hindi nagsalita kasi wala naman akong masabi. “Valid naman ang rason ni Stephanie. Pero bakit ka nagdadalawang isip sa desisyon mo? May pagmamahal ka pa ba sa kaniya?” seryosong tanong ni Thrielle habang inaayos ang kaniyang buhok.
Wala na rin ang suot nʼyang specs dati kasi nagbago na sʼya. Kapag talaga sobrang nasaktan ang tao ay nagbabago. Bigla naman akong na tahimik sa naisip ko dahil baka ganito rin ang mangyari kay Zafiro. Lalo na masasakit ang sinabi ko sa kaniya at napaiyak ko pa sʼya.
“I think mahal pa nʼya pero nangunguna ang pagiging bitter nʼya,” nakangising sambit ni Maddison.
Magsasalita sana ako kaso nagsalita na si Wendy. “Bitter kasi matagal nang walang dilig,” sagot ni Wendy at sinamaan ko sʼya ng tingin.
Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni Wendy. Kung nasa malapit lang si Wendy baka sinakal ko na kasi naiinis ako sa sinabi nʼya. Pasalamat sʼya at happy love life sʼya kay Khifiro.
“Kung mahal mo naman pala. Bakit mo tinataboy? Gusto mo magpalambing sa kaniya?” nakangising tanong ni Maddison na mukhang inaasar ako.
Natahimik ako kasi tama naman si Maddison. Hindi rin kasi ako nag-iisip minsan sa desisyon ko. “Paano kung makahanap sʼya ng iba? Ano na ang gagawin mo?” tanong ni Syrine at kumakain na ito ng fries.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...