5 YEARS LATER...
-STEPHANIE
Ang bilis talaga ng panahon. Its already 5 years since I left the City without informing my close friends about my current location right now. I never thought na titira ako sa bukid kasama ang Tita ko. Wala na ʼyong asawa nʼya at mga peke nʼyang anak.
Hindi pala nʼya anak ang mga ʼyon at inampon nʼya lang dahil sa utos ng asawa nʼya. Mahal nʼya kasi masiyado ang asawa nʼya kaya lahat ng utos at gusto nito ay sinusunod nʼya. Anak pala ʼyon ng kabit ng asawa nʼya.
Hindi ko rin akalain na si Tita ang mag-aalaga sa akin at sasama sa akin sa bukid. Nalaman nʼya rin ang nangyari kay Mama at lubos nʼyang sinisi ang sarili nʼya dahil hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap.
“Mami,” tawag sa akin ng isang maliit at matinis na boses.
Lumingon ako at nakita ang babaeng kamukha ko. Nakangiti ito sa akin habang maayos at malinis ang sout nʼyang bestida na blue. Nagpapasalamat ako na wala sʼyang nakuhang features sa kaniyang tatay. Sheʼs very matured in her age. 5 years old pa lang sʼya pero grabe na ang pagbabasa nʼya ng libro.
Tinuruan ko kasi sʼya magsulat at magbasa at mabilis sʼyang natuto. Hindi rin sʼya nagde-demand ng mga laruan o mga gusto nʼya. Maiksi lang ang kaniyang buhok at nakasout sʼya ng hairpen na may design na flower. Namana nʼya sa akin ang black eyes nʼya at pagiging mestiza.
“Ano ʼyon, anak?” nakangiti kong tanong at titig na titig sʼya sa akin.
“Are you okay po?” inosente nʼyang tanong at pumantay ako sa kaniya para hindi sʼya mahirapan sa pagtingin sa akin.
“Yes, my baby. Bakit mo tinatanong?”
Nagdadalawang isip pa sʼya kung sasabihin nʼya sa akin o hindi. “Mami, I know po na nahihirapan na kayo sa buhay natin lalo na wala po kayong pahinga sa pagtatrabaho,” sabi nʼya at napatulala ako sa kaniya.
I didnʼt know that my daughter really knows how hardworking I am in my job. Nagtatrabaho ako bilang financial officer sa barangay sa natapos kong accounting. Naalala ko pa kung paano ako nagtipid at naghirap noʼng nag-aaral ako para lang makapagtapos ako kasi wala akong maibubuhay sa anak ko. Namasukan pa akong maid sa bahay noʼng mayaman kong amo na dating kakilala ni Mama ilang buwan pagkatapos ko ipanganak si Zaphira.
Iʼm so happy when I finally surpass that hardship. “May good news ako, anak,” sabi ko at nakita ko kung paano magningning ang mga mata nʼya.
Naalala ko bigla ang tatay nʼya sa pagningning ng mata nʼya. He do that thing when he was happy. “Ano ʼyon, Mami?” excited nʼyang tanong at muntik pa akong matawa sa tawag nʼya sa akin.
Nasanay na ako na ganʼyan ang tawag nʼya sa akin dahil gusto nʼya raw ay astig ang tawag nʼya sa akin. “Titira na tayo sa siyudad. ʼDi ba gusto mong tumira sa siyudad noon pa?”
Pero hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi nʼya. “But I know na roon nakatira ang taong ayaw mo makita. I donʼt want to be apart to you, Mami. Kahit kailan hindi kita iiwan, Mami,” sabi nʼya, and she pout in front of me which I find cute.
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinisil ito dahil ang cute nʼya talaga. Lalo na cute ang pisngi nʼya at bagay pa sa kaniya. “Promise mo ʼyan?” sabi ko at tumango naman sʼya.
“Oo naman, promise is not meant to be broken,” sabi pa nʼya at natawa na lang ako saka binitawan ang dalawa nʼyang pisngi.
Iʼm so thankful that I have her in my life. If I donʼt have her maybe Iʼll do something stupid without thinking about it. I never regret that sheʼs come to my life. Sheʼs my happiness, and strength. Natatakot ako na baka kunin sʼya sa akin ni Zafiro ʼpag nalaman nʼya tungkol sa anak namin.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...