-STEPHANIE
I woke up na masakit ang ulo ko. Hindi maganda ang gising ko dahil sa sinabi sa akin ni Zafiro kagabi kaya halos wala akong tulog. I know that heʼs not kidding, that what he said is true. Pero bakit ako natatakot kung assassin naman ako? I know to myself how to defend myself if he will do something bad.
Bumangon ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa side table ko at tiningnan ang oras. 8:30 na and first time ko ma-late ng gising. Mabuti na lang at 10 ang first class namin. Tumingin ako sa katabi kong higaan pero wala na roon si Wendy, hindi man lang sʼya nag-abala na gisingin ako.
Naglakad ako papunta sa bathroom ng kuwarto na ito at saka naghilamos and sepilyo. Hindi ko mapigilan na tumingin sa salamin dito sa may lababo sa bathroom. Ang lamig pala ng mata ko at walang nababakas na emosyon. Gusto ko baguhin ito kaso hindi na mangyayari, kahit anoʼng gawin ko ay ganito na talaga ang mga mata ko.
Pero nagpapasalamat ako na may ganʼto akong mga mata at expression para hindi malaman ng iba ang nararamdaman ko. Tinapos ko na ang morning rituals ko kaysa makipagtitigan pa ng matagal sa salamin. Baka may makakita pa sa akin tapos sabihin nʼyang nababaliw na ako.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Zafiro. Gummy smile ang pinapakita nʼya kaya labas ang mga dimples nʼya. “Good morning, darling. Kumain na tayo sa baba,” sabi nʼya at gumilid para makadaan ako sa pinto.
Hindi ko sʼya pinansin at nilagpasan lang. Sumunod naman sʼya sa akin sabay putak ng mga salita. “Darling, donʼt treat me like a invisible person. Talk to me please,” sabi nʼya sabay padyak pa sa mga paa nʼya.
So childish and immature. Feeling ko may nakasunod sa akin na toodler na naghihingi sa nanay nʼya ng pagkain o laruan. I just ignored him even though he talk a lot of things regarding on his life but, I donʼt care about him. Kapag tapos na ang misyon na ito ay lalayo rin naman kami sa kanila.
We are just doing this for the mission. Nagulat ako dahil may malakas na kamay na pumigil sa akin at pinaharap sa kaniya. Sumalubong sa akin ang nakasimangot nʼyang mukha. “Darling, hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko na kausapin mo ako, hindi ko sinabi na hayaan mo lang akong dumada rito habang wala kang pakialam,” sabi nʼya sabay hawak pa sa kamay ko na parang naglalambing.
Pabalya kong inalis ang kamay nʼya sa pagkakahawak sa kamay ko. “Can you see that Iʼm not interested in listening to you. Youʼre just wasting your time and energy to me. Find someone else that can match in your sh*t” sambit ko at nilayasan sʼya roon.
Narinig ko ang sunod-sunod nʼyang yabag na pilit sumusunod sa akin. Binilisan ko na lang ang paglalakad at saka pumunta sa hapag kainan. Umupo ako sa upuan na bakante katabi si Wendy at sa sunod naman na upuan ay ʼyong si Flynn na mukhang nagulat pa sa biglaan kong pag-upo sa tabi nʼya.
Nakarinig ako ng pag-ubo sa likod pero hindi na ako nag-abala na lumingon. Boses pa lang at presensiya ay kilala ko na kung sino ʼyon. Pinandidilatan naman ako ng tingin noʼng nasa harap ko na si Ryquel at Atticus at may tinuturo sila sa likod ko.
“Lilipat ka sa tabi ng upuan ko o bubuhatin pa kita para roon umupo pero mas mabuti siguro na sa lap kita umupo since pabor naman ʼyon sa akin,” banta nʼya sa akin kaya padabog akong tumayo.
Mukhang hindi kasi sʼya nagbibiro noʼng sinabi nʼya na bubuhatin nʼya ako para umupo sa kandungan nʼya. “Susunod din naman pala,” nakangisi nʼyang sambit habang nakatulala ang mga kaibigan nʼya habang ang mga kaibigan ko ay nakatanga lamang sila sa akin.
Padabog akong umupo sa upuan na katabi ng upuan niya. Thereʼs an authority and dominance on his voice that make you follow if you donʼt want to face his anger. “Nandito na ba ang lahat?” tanong nʼya habang pasipol-sipol pa.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...