-STEPHANIE
Nanatili pa rin akong nakayuko sa aking kinauupuan dito sa airport. Wala na akong pakialam kung pinagtitingnan na ako ng mga tao. Pagsisi at pag-iyak lamang ang tanging nararamdaman ko sa ngayon.
Wala na rin akong pakialam kung madumihan man ang suot ko na plain white apron dress with glitters design on its edges and black plain cardigan. Nakasuot din ako ng three inches black pointed-toe pump with black mini round bag na may laman na cellphone, wallet at charger.
“I hate you for leaving me... But I hate myself more for hurting you,” bulong ko sa aking sarili habang umiiyak.
Patuloy sa pag-agos ang aking luha. Wala naman kumibo kina Kuya at parang hinayaan nila ako na ilabas ang aking nararamdaman. “Mahal kita, natatakot lang ako sabihin sa ʼyo kasi ayaw ko maulit ang dati. Mahal kita... Pero iniwan mo ako. Babalik ka pa ba para sa akin?” umiiyak kong tanong at dahan-dahan pinunasan ang aking luha gamit ang aking palad.
Nagulat ako sa taong lumuhod sa harapan ko at inangat ang aking mukha. Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Zafiro. Nasa tabi nʼya ang kaniyang black na maleta.
“Why are you crying, my darling? What did you say? Can you repeat it for me?” malambing niyang tanong at hinawakan ng kanan nʼyang kamay ang pisnge ko.
Tiningnan ko si Kuya na may halong pagtataka pero nakaiwas lang ito ng tingin habang pinipigilan na matawa. Tumingin din ako sa mga kaibigan ni Zafiro at lahat sila ay nakaiwas ng tingin habang pinipigilan na matawa.
Nagtataka ako sa mga reaction nila. “Eyes on me, darling. What did you say a while ago? Can your repeat it?” nakangiting tanong ni Zafiro habang patuloy na nakahawak sa aking pisnge ang kamay nʼya.
Pinaharap nʼya ako sa kaniya at nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang tingin nʼya sa akin ay parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo. “A-akala ko aalis ka? B-bakit ka nandito?” nauutal kong tanong saka pinunasan ang aking mga mata.
Itinayo ako ni Zafiro at sumunod lamang ako sa kaniya. Pagkatayo ko nang maayos ay nakangiti pa rin ito sa akin. “Ayaw mo bang nandito ako?” tanong nʼya habang nakatitig sa akin.
Umiling ako sa kaniya at nanubig na naman ang mga mata ko. “No... Hʼwag kang umalis. Parang awa mo na. Please stay,” nagmamakaawang sambit ko sa kaniya at patuloy sa pag-iling.
“Kahit umalis man ako. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Hindi ʼyon magbabago, kahit malayo man ako sa ʼyo. Hindi pa rin ʼyon nagbabago. Mahal na mahal kita, Stephanie. Ikaw pa lang ang babaeng minahal ko,” sambit nʼya at kumuha ng panyo para punasan ang aking mga mata.
“Please hʼwag ka na umalis. Hindi ko kaya, ayaw ko na mag-isa lamang ako. Pasensya na sa mga nasabi ko sa ʼyo. Ngayon ko lang na-realize ang tunay na nararamdaman ko sa iyo. Mahal na mahal din kita, Zafiro. Parang awa mo na. Hʼwag ka nang umalis,” sabi ko at nagulat si Zafiro sa sinabi ko.
Gulat na gulat sʼya sa akin. “W-what did you say? Pakiulit nga ang sinabi mo. Baka nanaginip na naman ako,” sabi nʼya habang nauutal.
Tahimik lamang kaming pinapanood ng mga kaibigan nʼya. Ngumiti ako sa kaniya at wala na akong pakialam sa mga kaibigan nʼya, kahit nanonood pa sila. Ang mahalaga sa akin ay nasa harap ko si Zafiro.
“Mahal na mahal kita, Zafiro. From the bottom of my heart, I love you so much.”
Umiling sʼya sa akin na kinagulat ko. “Hindi... Panaginip lang ito. Hindi ito totooo, hindi mo na ako mahal. Tinulak mo na ako palayo. Kahit ulitin mo pa-”
Hinila ko sʼya sa batok palapit sa akin at hindi nagdalawang isip na idikit ko ang labi sa kaniya. Lalayo sana ako kaso hinila nʼya ang batok ko at idiniin ang mukha ko palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
GETTING CLOSER [COMPLETED]
Action[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with introvert, and serious personality. Sheʼs also dangerous person that you donʼt want to mess with. Her life is not perfect, her family is not a happy family because h...