CHAPTER 1

96 2 0
                                    

Nasa huling quarter na kami ng First Semester ng mga first year seniors dito sa HIRAYA HIGH SCHOOL. Pasahan na ng mga final projects kaya agad kong pinuntahan sila Nick para magpatulong nang tapusin yung promotion video namin for Business Enterprise Simulation namin.

"Ayan na si mayora" dinig kong bulong ni Nick kina Bryan at Frida. "Tatakas ka nanaman akla?" sabi ko kay Nick habang hawak ko yung kwelyo ng polo niya. "Eto namang si mayora 'di mabiro. Oh siya uupo na" Mahinhin niyang sagot sabay umupo sa tabi ni Bryan.

"Ano nalang bang kulang diyan sa project niyo at bakit di pa matapos-tapos?" tanog ni Frida. Umiling ako at tiningnan nang masama si Nick. "Eh pano, puro landi tong isa." Pabiro ko.

"Excuse me ano? Nagrereview ako para sa finals, tigilan mo nga ako. At isa pa ayokong sirain yung standards ko" Sabi nito.

"Anong standards pinagsasabi mo?"

"Ano pa? edi yung pags-stay ko sa Top" pasaring ni Nick.

"Kahit bottomesa ka?" Pabiro ni Frida. Alam ko kasing amoy nila ang isa't isa. Yes they're both part of the LGBTQIA+ Community, and ang sarap nila kaibiganin. "G*ga!" Hirit ni Nick.

"Pinaghuhusayan ko lang yung pag-aaral ko kasi nga gusto ko makapasok sa Top as always". Lagi nga namang nasa Top si Nick, consistent yan simula elementary hanggang ngayon palaging with honors. Ako eto tamang chill lang hahaha. Pero seryoso, bakit ba hindi ako makapasok-pasok diyan sa with honors na yan?

"Tulala nanaman si ate oh" Biro ni Nick

"Nagiisip ako kung bibigyan ba kita ng score o hinde" Pabiro kong sagot.

"Alam niyo, tapusin niyo na yan kasi parating na si Mrs. V" paalala ni Bryan. "Nagsasalita ka pala?" Tanong ni Frida. Nagtawanan kaming lahat at tinapos ko na iyong project namin ni Nick.

"Halika na, sinend ko na yung project kay Mrs. V ngayon-ngayon lang, pasok na tayo." Pagiimbita ko.

Naghiwa-hiwalay na kami ng lakad at sabay kaming naglalakad ni Nick. Kapansin-pansing nagsasalita ito mag-isa. "Teh, okay kalang? Nagsasalita kana diyan. Para kang sirang plaka."

"Hindi, nirereview ko yung mga sagot para sa long quiz mamaya. Nagreview kaba?" Sagot niya.

"Hahaa hindi." Hirit ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkawalang pagpipilian at humirit ng, "hays sige tumabi ka sakin."

Si Nick yung maaasahan mong kaibigan na matalino at may kalinga sa kapwa, kaya sana talaga bigyan siya ni Lord ng biyaya. Isang lalaki lang sapat na dito eh.

Pumasok na kami sa room at naupo kami ni Nick malapit sa Bintana. Nakaupo ako sa bintana mismo habang si Nick ay sa may gitna, katabi ng isa naming kakalse dahil tatluhan kada upuan.

"Say present if you're here." Sabi ni Mrs. V. Isa-isa niyang tinawag ang mga apilyedo naming lahat.

"Questro?" -Mrs. V.

"Present!" Sagot ni Nick. "Okay girls" Sabi ni Mrs. V

Inisa-isa niya narin ang mga babae at malapit nang tawagin ang akin.

"Escalante?"

"Present"

"Flores." Dinig kong tawag sa apilyedo ko.

"Present po!" sagot ko. Hanggang sa natapos nang tawagin ang lahat.

Nagsimula nang magturo si Mrs. V patungkol sa kanya inihandang lesson. Habang nagtuturo ito ay nagsusulat naman ako. Pero walang pumapasok sa isip ko, baka pagod ako kaya ako ganito.

Ilang minuto ang nakalipas, tumunog ang kampana ng simbahan. Oo, may chapel dito sa loob ng School namin. Sa katunayan ay may oras kami ng pagdarasal nang sabay-sabay, at ito ang oras na iyon.

*2:45 pm* "You are the shield around us. Strong in love, heavy with Power. Shaped with hope and gilled with truth. We will fear no evil, for you watch over me. You defend and deliver us. In this day, this hour, this moment, We put trust in You almighty God. AMEN."

Kapansin-pansing lahat ay sumusunod sa kampana ng simbahan, nakakatuwang isipin na itong Hiraya High School ang nagsisilbing tagapagbigay ng saya, pag-asa, inspirasyon, at pagtanggap sa lahat ng mga nagaaral dito.

"Tagal magbreaktime te, antok nako gusto ko mag library" Sabi ni Nick.

"Okay kalang ba? Kanina kapa balisa be" Pag-aalala ko.

"Okay lang naman ako, gutom at inaantok lang talaga" Sabi nito.

"Konting tiis lang te, may quiz pa tayo. Kokopya pako sayo" Pabiro ko sa kanyang ganyan. Pumasok na nga ang sumunod naming subject teacher.

"Get one-forth sheet of paper, write your name, grade, section, and the date today." Bungad ni Sir Leon sa amin.

"Put Quiz no. 4 on top of your papers, double time!" hirit ni sir. Lagi siyang madaling-madali kahit kakapasok palang nito sa room.

"Okay one" Sabi nito after flashing the question sa tv.

Binasa ko nang Mabuti yung tanong at talagang wala akong magets, kaya dumungaw ako sa papel ni Nick hanggang sa matapos ang quiz.

"Okay who got 15?" Sir Leon asked.

Marami-rami ang nag taas ng kamay. "14?" Tanong ni sir. Nagtaas ng kamay si Nick. "13?" may ilan na nagtaas. "12?" Nagtaas ako ng kamay, partida nangopya lang ako pero mas mababa parin ako.

"Okay so much for that, pass it forward" kalmadong sabi ni sir. Pinasa naming lahat ang mga papel namin at agad na nakipagdaldalan.

"Bakit 14 ka tapos ako 12 teh?" Tanong ko kay Nick.

"Shunga ka kasi, B ung sagot ko sa 1 pero D nilagay mo" hirit nito. Natawa nalang kami sa nangyari at lumabas ng classroom matapos magdismiss ni sir Leon.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now