CHAPTER 11

10 2 0
                                    

Natapos din ang klase. Nang makauwi kami ay nagpahinga na kami sa bahay. Nagluluto si Frida pero pansin sa kilos niya na parang may mali. Hindi ko ma-pin-point kung ano yun pero parang may gusto talaga siyang sabihin.

"Sarap naman niyan pre!" Sigaw ni Bryan nang maamoy ang ulam na niluluto sa kusina.

"Oh anjan na pala kayo" Sabi ni Frida at pinatay ang kalan. "Maghahain lang ako, gutom naba kayo?" Dugtong niya.

Tumango kami at nagsipagligpit na ng mga gamit. Naupo na kami sa hapag and syempre the usual, nagpray ulit si Bryan before we eat. "Kain na!" Paanyaya ni Bryan.

Habang kumakain ay parang tinitingnan lang kami ni Frida. "Uhh Guys?" Hanggang sa pinutol niya ang katahimikan.

"hmmm" murmur ni Bryan bilang sagot habang kumakain.

"Tumawag si lola Belen kanina, pinauuwi ako ng probinsya pagkatapos ng first school year natin as first year seniors. May opening daw kasi ng business doon sila tito, maliit na business lang naman daw kaya pinapauwi ako kasi ako pagbabantayin ng tindahan. Pag-aaralin din daw nila ako." Paliwanag ni Frida.

Nagkakatinginan lang kaming apat, tila hindi namin alam ang masasabi naming sa narinig naming kay Frida.

"Ahh siguro kana ba?" tanong ni Bryan.

Tumango naman si Frida bilang sagot sa tanong ni Bryan.

"Kung ganon ay mag-aral ka nang mabuti dun at wag mo kaming ipagpapalit sa ibang makikilala mo dun. I'm sure makakapagusap-usap pa naman tayo, may internet naman dun sa Alegria (JONAXX reference. ILY JONAXX!) diba?" daldal ni Nick. Tumango nalang si Frida at nagpatuloy kumain nang nakangiti.

-------------------

Ito na ang araw ng paghatid namin kay Frida sa sakayan papuntang Alegria. Sikat ang probinsyang ito dahil sa taglay nitong mga bundok at tanawin.

"Mag-iingat ka dun ha?" sabi ko sa kanya. Pinagyayakap niya kami bago siya sumakay ng Bus. Kumaway ito bago pa makaalis ang bus. Bumalik na kami sa bahay, agad na napagusapan ang paggawa ng research.

"Hindi ba natin isasama sa usapan na'to sila Cedric at Ezekiel?" tanong ni Nick.

"May bago nanaman kayong project?" tanong ni Bryan.

"Oo, research paper naman." Sagot ko nang may pagkainis.

Nagtry kaming mag come up ng mga research ideas pero wala talagang pumapasok sa isip namin. Pinaglibanan muna namin ang paggawa ng thesis at nagpahinga. Nagsipagpasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Kasama ko sa kwarto si Nick dahil kami ang "girls" daw sabi niya, at mag-isa si bryan sa room niya dahil wala na nga sa ngayon si Frida.

Paggising ko kinaumagahan, nakita kong gising na din si Nick at nagccp lang habang nakasandal sa HeadBorad ng kama. Nakangiti ang kumag.

"Nakangisi ka jan? Sino kausap mo ha?" Biro kong tanong. Napansin ko na ang paglikot ng kamay ni Nick na parang nilipat sa ibang app ang phone bago ipakita sakin ang screen.

"Wala oh." Sagot nito sa akin. Tawa nalang ako sa ginawa niya.

"Halika na at mag asikaso sa baba, baka tulog pa si Bryan." Anyaya ko, agad namang tumayo si Nick.

Naghanda lang kami ng pancakes, bacon, and some juice para makakain ngayong umaga. Napatingin ako sa hagdan nang makita si Bryan na half naked bumaba. Maging si Nick ay silaw na silaw sa nakikita namin.

"Goodmorning Guys!" Bati ni Bryan habang humihikab-hikab pa.

"G-goodmorning din!" Balik na bati ni Nick pero agad na ibinaling ang atensyon sa bacon at kumagat ito. "Sarap, may pandesal na may bacon pa!" Dugtong pa niya.

Kumain na kaming tatlo at nagdamit na si Bryan, nakasukbit lang naman sa balikat niya kasi yung damit niya. Mainit ang panahon ngayon kaya mas madami pang yelo ang laman ng baso naming kaysa inumin.

Nagkwentuhan nalang kami habang kumakain about sa mga bagay bagay na ginagawa namin sa school. Kahit kaklase ko na si Nick ay may mga bagay akong di alam tungkol sa kanya. Maya-maya'y may kumatok sa pinto. "Ako na." Sabi ni Bryan para buksan ang pinto.

Nagulat ako sa nakita ko, tumambad sa akin ang naggagwapuhang mga kagrupo naming ni Nick sa Research Paper! "A-anong ginagawa niyo dito James? Kiel? Kayo lang? Asan si Cedric?" Bulyaw na tanong ko nang salubungin ko sila sa Pinto.

"Te papasukin mo kaya?" alok ni Nick. Agad namang pumasok yung dalawa at nginitian ako. Nagtataka nako kung paano nila nalaman ang bahay ko!

"Buti naman nahanap niyo itong lugar?" sabi ni Nick.

"Aha! Kaya ba ngiting ngiti ka kanina??" Sarcastic kong tanong kay Nick. Tumango ito at tumawa nang bahagya. Naiinis ako sa baklang to na minsan halos hindi na magsabi sakin ng mga gagawin niya gaya nalang nitong pagiimbita kina James at Kiel.

"Nagpunta kami dito kasi gusto ko- namin sanang simulan na natin yung tungkol sa research" Paliwanag ni James.

"Saka I- We just wanna check on you here kasi nabalitaan naming wala na si tito, right?" dugtong ni Kiel.

Inirapan ko silang dalawa. "Eh si Cedric nasaan? Bakit kayo lang?" Tanong ko sa kanila na parehong di nila masagot. Nagtitigan ang mga ito, nilapitan naman ako ni Nick.

"Te gawin nalang natin yung paper para naman may masimulan tayo." Sabi ni Nick.

Tumango nalang ako kahit na medyo naiinis ako. Nakakapag isip na sila ng gagawing topic for our paper kaya nagsisimula nang maghanap ng Related Literature sila Kiel. Tumayo muna ako para kumuha ng tubig. Habang kumukuha ako ng pitsel sa ref ay nakita kong nasa likod ko na si Kiel.

"Let me help you there Tanya" Alok nito. Binigay ko sa kanya ang pitsel. Habang kumukuha naman ako ng baso ay napansin kong nakatingin sa amin si James. Namula ang pisngi ko dahil nakangiti nanaman siya sakin. Hindi ko talaga malaman ang problema ng lalaking yon.

"Tanya enough na, apat lang tayo sa sala" Paalala ni Kiel. Di ko na napansin na madami na pala yung nababa kong baso. "Akina ako na magbabalik" Alok nanaman ni Kiel.

Siya na ang nagdala ng tray ng pitsel at baso sa sala kaya nilapag niya iyon sa lamesa. Tumabi na ulit ako kay Nick dahil tabi si James at Kiel sa sofa. Hindi ko maiwasan tumingin kay James. Ang comfy ng suot niya, tipong shorts, tshirt, and naka relo siya. Hindi ko malaman kung pogi ba siya o talagang malakas lang ang dating niya.

Nagulat nalang din ako nang makitang nakatitig sakin si James.

"Iba na yan sis!" Biro ni Nick.

Di ko pala namalayang lahat sila nakatitig na sakin habang nakatitig ako kay James. Nakakahiya! Nagface palm nalang ako at umaktong humihikab.

"Ano na ba nangyayari jan? Umuusad ba tayo?" sabay turo ko sa laptop. Umiling si Kiel.

"We're almost done sa chapter 1, we can still continue this some other time" Sabi ni James at ngumiti nanaman ang kumag. I don't know if im irritated by his smile o sadyang natutuwa lang akong makitang ngumingiti si James sa akin. Tumayo na sila Kiel para magligpit at umuwi.

"May gagawin kapa ba after this, Tanya?" tanong ni James at tinitigan naman ako nung dalawa.

"A-ah w-wala naman. Bakit?" sagot ko sa kanya.

"Can I take you out for dinner?" tanong ni James.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now