CHAPTER 12.1

9 2 0
                                    

Nakita ko ang sincerity sa mata niya. Hindi ko ma-explain pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko na parang kinakabahan. Hindi naman kami ganun ka close para gumanito ako ng nararamdaman pero iba talaga!

Tiningnan ko sila Nick at nang makita ko si Kiel ay parang umiiwas ito ng tingin. Hindi ko sila pareho maintindihan.

"Bakit?" Tanong ko kay James. Pansin na namula ang mukha niya sa tanong ko.

"K-kasi ano, gusto ko lang sanang ano-" Putol-putol na paliwanag niya. Tinaasan ko siya nang isang kilay kaya agad na nakasagot.

"Gusto kita! Gusto kita makasama. Hindi ko mapaliwanag tong nararamdaman ko pero iba eh. Iba yung dating mo sa akin" Namula lalo ang mukha niya sa paliwanag niya sa akin.

"sanaoollll!!!" Sigaw ni Nick sa inggit.

Hindi ko sila talaga maintindihan. Pare pareho silang malabo, si Nick gumaganyan na parang naiinggit eh nakangiti naman siya lagi. Si James eto, may pa dinner-dinner nang nalalaman. Ito namang si Kiel, reaksyong hindi maintindihan. Ano ba to???

"Pag-iisipan ko." Tanging sagot ko kay James, pero gusto ng puso ko na samahan siyang kumain para maghapunan. Hinila ako ni Nick sa kusina at naiwan yung dalawa sa sala.

"Ano kaba te! Sumama kana, libre yan oh tsaka gusto ka nung tao. Ang pogi niya, matalino, athletic, at higit sa lahat habulin ng mga babae, kahit ako hahabulin ko yan!" Paalala ni Nick.

"So ano sasama ako ganun?" tanong ko. Tumango lang siya at ngumiti sabay pumunta na kami sa sala.

"Sige, payag nako. Basta uuwi ako ng 9pm" Sabi ko sa kanya. Bumakas sa mukha niya ang ngiti nung pumayag akong makipagdate sa kanya. Wala akong ka ide-ideya sa gagawin namin once na lumabas na kami.

"Okay! See you tomorrow night Tanya." Paalam niya sabay umalis na sila ng bahay. Nakita ko rin na lumingon muna patalikod si Kiel bago sumakay sa kani-kanilang mga kotse. Oo, dumating sila ditong naka kotse.

"OMG! Ako yung naeexcite para sayo te!" Kinikilig na hirit ni Nick sa akin. Inirapan ko lang siya at nagising na si Bryan. "Tapos na kayo?" tanong niya. Parang kuya kung makapagtanong pero tumango nalang kami ni Nick at nagpahinga na kami.

Kinabukasan ay nagising ako nang maaga, hindi ko alam parang excited ako na ewan kasi first time kong makipagdate, at sa hindi ko pa masyadong close. 'Di ko rin naman alam kung anong nagustuhan sakin ni James eh bagong magkaklase lang kami.

Nagdaan ang buong maghapon at naghihintay lang kaming tatlo sa bahay habang nanonood ng noon time show. Tawa lang kami nang tawa sa pinanonood naming favorite naming show sa tanghali nang biglang may dumating na BMW Pure Excellence sa tapat ng bahay namin.

"Oh Tanya, kanina kapa ba naghihintay?" tanong ni James nang bumaba sa sasakyan. Nakapostura ito na akala mo'y ang layo ng itsura sa kahapon na suot niya.

"A-ano to? Bakit nakaganyang ayos ka? Akala ko ba dinner date lang?" tanong ko. Nabigla talaga ako sa suot niyang semi formal na tshirt, long pants na beige, flat shoes na balat, at higit sa lahat naka relo ito. Gaya ng Relong suot niya kahapon.

"Teka magbibihis lang ako, nakakahiya yung suot k-" Putol na sabi ko.

"Okay na yan. Maganda ka diyan sa suot mo" Sabi niya sakin. Namula naman agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay sa passenger seat niya at tsaka naglakad papunta sa driver seat. Grabe ang lakas ng dating niya ngayon!

Hinarap ko siya nang biglaan matapos niyang ilock ang seatbelt niya.

"Tapatin mo nga ako! Saan mo nakuha tong kotse? Nirentahan mo ba to? Iyang suot mo? Paandar mo ba'to?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya sa akin. "Hindi Tanya" Nginitian niya nanaman ako.

"Hindi ako madalas pumorma nang ganito kasi gusto ko maging comfortable sa mga lugar na pupuntahan ko. And I rarely use this car kasi pamana ito sakin ni Dad." Nagpaliwanag siya, sa dami ng sinabi niya ay hindi ko na narinig yon at nakatitig nalang ako sa Magandang aura ng kanyang mukha. Ang Gwapo niya!

"Hey, naririnig mo pa ba ako Tanya?" tanong niya.

"Ahh o-oo, yes! Oh ano tara na?" aya ko sa kanya. Tumawa lang siya. Pati tawa niya alam mong mayaman grabe! Pero kalma self, kalma! (bebe kalmaaa HAHA).

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now