CHAPTER 10

11 2 0
                                    

Pumasok na kami nang sabay sabay. Naghiwa-hiwalay din dahil si Nick lang naman ang kaklase ko. Simula nang mawala ang Daddy, nagfocus ako sa pag-aaral ko. Pumapasa ako sa mga activities at quizzes na aming tinatake sa araw-araw naming pagpasok.

Nang makarating kami sa room ay nginingitian lang kami ng kaklase namin kaya naupo nalang ako sa upuan ko kaysa mawirduhan sa mga kaklase ko.

"Goodmorning Class" Bati ni Ms. Jess na agad din naming binalikan ng bati.

Naupo ang lahat at nakinig kay miss Jess. "So for this third week, I would like you to write a reflective paper about your dreams and how you will pursue your dreams." Paalala ni Miss Jessie. Tumango at sumang ayon ang lahat kaya umalis na si Miss Jess at tinapos nang mas maaga ang klase.

Sumunod na si Miss A. "Goodafternoon Class! Take your seats." Sabi nito at hindi na kami pinabati ng good afternoon. "So, now I'll be assigning everyone to pair up to 5 per group for collating your research." Sabi ni Miss A.

Nagkakatitigan na ang iba sa amin, hudyat na gusto namin na mga kakilala o kaclose namin ang maging kagroup sa Paper na gagawin namin. "First group - Cruz, Enriquez, Lopez, Salazar, and Velasco." Nakita kong gulat ang mukha ni Kherxien nang maging kagroup ang mga nabanggit ni Miss A.

Hinayaan ko nalang ang reaksyon niya at hinintay ang mga pangalan namin. Halos marami nang natawag at kakaunti nalang ang hindi nababanggit. "Forth group - Flores, Questro, Zamora, Silvestre, and Tenyo" Announce ni Miss A. Nagulat ako nang maging kagroup ko sila Kiel at James. Habang si Nick naman tuwang tuwa.

"Last group will only be four kasi kulang ang klase niyo, and that would be Gumabao, Wu, Guantez, and Hillario" Sabi pa ni Miss A. Nagpalakpakan ang lahat nang sabihin ni Miss A na galingan namin at sana raw ay maging magkakasundo kaming lahat sa haharapin naming research.

Natapos ang klase at nilingon ako ni James. "Uhmm, so I guess magkagroup tayo?" Pacute niya. "I said, stop. that. Smile." Sarcastic kong sabi. Nagpout ang hayuppp! Ang cute niya lalooo!!!

Lumapit din si Kiel sa amin at agad akong kinausap. "I can bring you guys sa house para makapag isip na tayo ng research topic natin." Aya niya.

"Next time na, mahaba pa ang oras" Sabi ko naman.

Umalis nalang siya bigla na parang walang karea-reaksyon sa mga nangyari. Habang ito namang si James nakatulala parin sa amin ni Nick kaya napatitig ako kay Nick na nakatitig naman kay James. "Pareho kayong mukhang tanga."

Nagtawanan kaming tatlo. Palabas na kami ni Nick nang sundan ako ni Cedric. "Ano kailangan mo?" tanong ko.

"Ano kasi, nahihiya ako sa inyo parang magkakaclose na kayo tapos ako parang saling gitgit lang." sabi niya na may halong pabirong tawa.

Tinapik ko ang balikat niya. "Wag kang mahiya, gagawa lang tayo ng research paper. Besides, walang hiya ka diba nung Ms. Hiraya? So goods na yun! Keep that condolence to your self para makahalubilo mo kami"

"Hindi ba confidence yun te?" Sabi ni Nick. Tinignan ko siya nang masama.

"Pareho lang yun, tara na!" aya ko.

"Sama ako?!" Presinta ni Cedric. Tumango ako at isinama siya samin ni Nick. Mukhang nagseselos si Nick pero hinayaan ko nalang HAHAHAHAHA.

Naglakad kami papuntang cafeteria at nandun din sila Bryan. Ipinakilala ko sa kanila si Cedric.

"Guys, meet Cedric our new friend!" sabi ko.

"New friend" Gulat na sabi ni Cedric.

"Oo ayaw mo ba?" tanong ko.

"Gusto naman AHHAHAHA, tara upo!" Sabi naman nito. Talagang walang hiya to, pero ewan bakit nahihiya siya samin nung una eh siya ang nagpepresinta kung sinong isasali sa Ms. Hiraya.

"Inistalk kita Tanya, talaga palang maganda ka online" sabi ni Cedric.

"Stalker ka???" tanong ni Bryan. Agad na natiklop si Cedric sa sinabi niya.

"No hindi! Ang ibig kong sabihin, hinahangaan ko lang si Tanya" sabi ni Cedric.

"Aagawan pako eh crush ko yan." Biro ni Bryan. Tinitigan ko siya at agad namang natawa si Bryan.

"May pagkaresearcher ka nga! Mapapakinabangan yan!" Sabi ko kay Cedric.

Kumain nalang kami at nang matapos ay bumalik na sa klase. Masaya ako na may nadagdag sa mga kaibigan namin. Bago pako makapasok sa room ay sinalubong nako ni Kiel. "Ano bang interest mo, Tanya?" tanong nito.

Halos marinig ko na ang puso ko sa kaba sa tanong niya dahil halos dikit narin ang dibdib niya sa dibdib ko. Ang mga labi niyang halos nasa pisngi ko na pero pilit kong nilalayo. "A-anong interest ba?" Utal kong sabi.

"Sa research kasi. Anong topic ang gusto mo?" tanong nito. Napaatras siya at nginitian ako. Kung weird ang ngiti ni James, iba din ang weirdness ni Kiel. "Ano, bahala na hindi ko pa alam!" Sabi ko at tumakbo sa upuan ko.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now