CHAPTER 5

15 2 0
                                    

Kinamayan ko si James at may pumasok ulit sa klase namin. Nang makita ko siya sa malayuan, nakilala ko ang awra ng kanyang pangangatawan. Siya yung guy na nasa motor kanina! "That's Mr. Zamora, the VP. But why is he here?" Banat ni Nick.

Nagtataka din kaming lahat nang makita si Kiel sa loob ng klase namin gayong nasa Star section siya kung saan nandun din si Miggy (Presidente ng SSLG). Naupo siya sa harap din ng table ng teacher kung saan katabi niya yung dalawa pang transfer students.

"He's so Hot!!" Kalandian nanaman ni Nick. Kitang kita na tulala siya kay Kiel pero natigilan siya nang pumasok ang adviser naming si Ms. Jessie.

"Oh you're here already Mr. Zamora" Bati ni Ma'am, pansin na excited siya sa bagong semester na mapapasukan naming mga studyante niya.

"Bilang nasa bago at huling semester na kayo as First year Juniors, kitang kita naman na may mga pagbabago" Ani Miss Jessie, habang tinuturo sina James, Kiel, at yung dalawang bagong transfer.

"May mga bago na din kayong subjects na pag-aaralan at kasabay nun ang mga bagong teachers!" Excited na sabi ni Miss. "Pero may ilang guro na nagstay gaya ko, ni Mrs. V, at sir Mike" Ani Miss Jess.

Kita ko agad ang kinang ng mata ni Nick. Tuwang tuwa si ante dahil lang sa guro parin namin ang poging si Sir Mike. Totoo din naman kasing ang pogi at ang lakas ng dating ni Sir Mike. Kaso guro siya kaya ewan ko bat nagkagusto si Nick sa kanya.

Habang tumatakbo ang oras, nagdidiscuss lang si Miss Jessie ng subject niyang bago kaya medyo di pa kami focused pero may iilang nakikinig. Habang ako nakatitig lang sa mga bago naming mga kaklase at nacucurious sa mga kapogian nilang taglay. Like sh*T! Literal na pogi. Yung mga tipo ng lalaking napapanood ko sa Reels na nagmomotor at ang ho-hot? Nakikita na ng personal kong mata.

"Okay that's it for today's introduction. See you again tomorrow!" Pagtatapos ni Miss Jess ng discussion at lahat ay naghanda na sa susunod na subject namin. Nang makapasok ang second sub naming, mukha siyang masungit na teacher.

"Goodafternoon." Bati niya sa amin na para bang tinatakot kami. Nagsitayuan kami at bumati ng Goodafternoon din sa kanya. Pinaupo na niya kami at pinakilala ang sarili.

"Ako si Ms. Ara Lualhati. You can all call me Miss A." Sabi nito. Nagtataasan ang balahibo ko sa taas ng tense na dala niya sa klase namin. Parang lahat kami tahimik kasi takot na mapagalitan. Bali-balita kasi sa school na masungit siya pero mataas daw magbigay ng grado sa card. So ang technique ko, gagawin lang ang best ko at sumunod sa kanya para di makagalitan.

"My subject for you first years ay Practical Research. Were in we are going to have a research or thesis and could be done by group so don't be afraid, Madali lang naman nating gagawin ang mga research at hindi ko kayo pahihirapan" Sabi ni Miss A. Dahil sa sinabi niya, hindi na kami masyadong natakot kasi ramdam namin ang kalinga niya bilang isang guro at ito ay ang makapagturo nang maayos at matuto ang mga bata sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang kanyang time sa amin. "Goodbye class" Sabi ni Miss A. Binati din namin siya at lumabas na ito ng aming klase. Breaktime na namin at balak namin pumunta sa field at kitain sina Bryan nang kausapin kami ni James.

"Ahh anong sunod na subject natin?" tanong nito samin. Nagtinginan kami ni Nick. "Ahh hindi ko pa alam eh" sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat nalang siya at nginitian kami. Napangiti din ako sa kanya at umalis na sa harap niya.

Habang naglalakad kami ni Nick papuntang field, kita sa mukha ko ang ngiting binigay ni James. "Nakaglue ba pes mo te? Halos di na maalis yang ngiti mo eh" Sabi ni Nick. Inirapan ko siya.

"Hindi mo ba nakita yung ngiting binigay niya sakin? Ang weird kaya." Sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at dumiretso na kami sa field. Nakita kong kinakausap nila Bryan at Frida si Kiel kaya agad kaming tumakbo para makichismis kaso bigla ding tumakbo palayo si Kiel.

"Ano yun?" Tanong ko habang tumatawa nang makitang nagmamadaling tumakbo si Kiel. "Ahh wala yun, tara kain na?" sabi naman ni Frida. Naupo na kami sa bench malapit sa puno ng mangga kung saan maaliwalas. Habang kumakain kami ay nakita kong kumakain din si James sa di kalayuan sa amin sa field.

"Bakit mag-isa siya dun? Mukha namang madami siyang food na kinakain pero mag isa talaga siya?" Duda kong tanong. Napatingin sakin sina Bryan.

"Sabi kasi niya wala pa siyang kakilala masyado dito sa school kaya ayan mag-isa siya." Sabi ni Bryan. "Nakausap niyo si James?" Tanong ni Nick. "Oo, lumapit siya samin kanina bago pa kami kausapin ni Kiel" sagot naman ni Frida.

"Oh sino naman yung dalawang yun?" Tanong ko nang makita kong may lumapit na kay James. Yung dalawang transferee din dito na kaklase namin ang lumapit dito. Kataka-takang magkakakilala sila.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa klase, nakita kong magkakasama nga sila sa klase gaya ng kung papaanong magkakasama sila sa bench kanina. Nag-alisan din sila nang makitang pumasok kami ni Nick. Weird nila kumilos pero bahala sila.

"May friends kana James?" bungad ni Nick bago maupo sa likod ni James. Tumango ito at tinuro yung dalawang nasa harapan, "Sina Jonathan at Tristan. Nilapitan nila ako kanina sa bench at tinanong ako kung interesado akong sumali sa basketball team nila." Kita sa mukha ni James na masaya siyang may nakilala na siyang kaibigan niya.

"Buti naman kung ganon. Sasali kaba?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Weird mo, hilig mo ngumiti." Pabiro ko.

"Masama bang ngumiti miss?" Sabi niya.

"You can call me Tanya. He's Nick" Tinuro ko si Nick at ngumiti naman kay James.

"So, masama bang ngumiti miss Tanya?" Tinuloy niya yung tanong niya. Umiling ako at naupo na sa upuan ko. Pumasok na si sir Mike at bumati. Tiningnan niya din si Nick at nginitian kaya masyadong halata nanaman sa mukha ni Nick ang kasiyahan niya.

"Happy nanaman po siya sir" Pabiro ko.

"Ano yon Miss Tanya?" Tanong ni sir Mike habang bahagyang tumatawa na para bang narinig niya yung sinabi ko.

"Ahh wala po sir, goodafternoon po!" Sagot ko habang tumatawa din. Habang si Nick nagtatago at nahihiya. Nagturo nalang si Sir Mike habang natatawa pero bumalik din sa pagkaseryoso.

"Nakakahiya gag*" Sabi ni Nick nang matapos magturo si sir Mike. "Sus bet na bet mo naman!" Biro ko. Tumawa nanaman siya na para bang tuwang tuwa siya na napapasaya siya ni Sir Mike.

"Uwi kana Tanya?" tanong ni James na ikinagulat namin ni Nick.

"Yes, and?" sabi ko.

"Taray, Ariana Grande ka jan?" Biro ni Nick.

"Ahh wala naman." Sagot ni James. Nagpaalam na kami at umalis at umuwi.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now