CHAPTER 12.2

15 2 0
                                    

Habang nagmamaneho siya, hindi ko na namalayan na ang ganda ng mga building na nasa paligid. Hindi naman ako probinsyana pero hindi ako pamilyar sa lugar.

"Nasan na tayo James?" tanong ko sa kanya habang naa-amaze ako sa lugar.

"Di kapa ba nakakapunta dito? We're in Bonifacio Global City or known as BGC." Paliwanag niya. Nagulat nalang ako sa nasabi niya. Like BGC??? THE BGC? Oh My God! Naririnig ko na ito noon pa sa social media, di ko akalaing makakapunta ako dito. Si James pa talaga ang nagdala sakin dito? This is really the FIRST TIME of my life.

"We're here na." Sabi ni James after magpark sa isang pwesto sa Parking Lot.

"Wow James, grabe. This is insane. Hindi pako nakakakain sa ganito ka bonggang kainan ever. I don't even know if may pamilyar na pagkain sa loob." Mangha kong sabi sa kanya. He smiled again and again.

"It's okay Tanya, Kaya nga kita dinala dito eh. Don't worry, I'll make hatid to you later gaya ng napagusapan. 9pm, nasa inyo kana." Sabi ni James.

Agad kaming pumasok sa loob. Bumulong ito sa receptionist at dinala kami sa isang private room na kung saan andaming nakahandang foods and flowers sa sahig. Romantic kung Romantic pero grabe. Ibang klase si James.

"Take a sit MiLady" sabi niya habang inaalalayan ang upuang uupuan ko. Umupo naman ako at ipinwesto niya ang aking pagkakaupo.

"Thankyou" Bulong ko nang bahagya at naupo nang maayos.

"Let's eat Tanya?" He then grabbed my hands. "Let's pray muna" ACCCKKKKK! He also prays like us sa bahay. Dinala niya dito yung ugali ni Bryan. Di ako makapaniwala sa kanya. Natapos siyang magdasal at kumain na kami.

"Masarap ha, hindi gaanong nakakaumay ang delicacies dito James. Thankyou for brining me here." Sabi ko sa kanya. Nagusap nalang kami habang kumakain.

"So may naging boyfriend ka na ba Tanya?" tanong nito. Nasamid ako nang bahagya sa tanong niya pero okay pa naman ako.

"Ah w-wala pa. Hindi ko kasi naiisip ang mga ganiyang bagay noong buhay pa si Dad." Paliwanag ko sa kanya. "Oh sorry about that Tanya" sabi ni Jacob.

"About what?" tanong ko.

"About you, losing your dad"

"Oh, I'm fine now. Im fighting and striving dahil may mga iniwan naman si dad for me para makapagpatuloy ako sa pag-aaral." Sabi ko sa kanya.

"So if sagutin mo ako, ako ang first boyfriend mo. Am I right?" tanong niya.

"Nanliligaw ka James?" tanong ko.

"Pwede ba?"

Hindi nako nakasagot at kumain nalang nang kumain. Hindi ko lubos maisip na may manliligaw sa akin e hindi naman ako pala-labas, bihira akong makipag usap sa iba, at higit sa lahat ay hindi ako masyadong marunong sa ganyan kaya di ko pa alam ang gagawin.

"Wag kang mag-alala, hindi naman kita mamadaliin. Hihintayin ko ang matamis mong Oo, bago kita tuluyang angkinin." Sabi ni James. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi namin maiwasang mag-ngitian dahil sa nadudulot na enjoyment namin sa isa't isa habang kumakain.

"So are you satisfied with the dinner date, Tanya?" tanong ni James.

Tumango ako at tinapos ang pagkain ko. Uminom ako ng tubig sabay punas ng bibig ko. Nakita kong minadali din ni James ang pagkain niya at tumayo bago ako asistahan tumayo.

"Im fine James." Sabi ko sa kanya.

"No, I want to do this for you"

"You don't really have to, masyado nang madami ang nagagawa mo"

"And I'll do more when you're mine, Tanya" Sabi ni James.

Dumiretso kami sa kotse at sumakay. Gaya ng set-up sa bahay, inalalayan nanaman niya ako sa kotse bago siya pumasok sa driver seat.

"Maaga pa naman Tanya, daan tayo sa park gusto mo?" tanong ni James.

"Sige" sagot ko. Nagmaneho na siya at dumiretso kami sa isang park malapit sa isang mall. Naglakad lakad kami dito at naupo saglit sa isang bench dahil sa pagod. Napansin kong nakatitig siya sa mga bitwin sa itaas. Unti unti kong sinubukang abutin ng hinliliit ko ang kamay niya pero nabigla ako nang hawakan niya nang buo ang kamay ko at hinawakan ito na parang kanya ang kamay ko.

"Ipinapangako ko Tanya, pag sinagot moko mamahalin kita nang buong buo. Hindi kita sasaktan at ipararanas ko sa'yo ang First Times mo. Gusto kita, at sana mapunta ito sa Mahal kita." Aniya.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now