CHAPTER 33

3 1 0
                                    

I've decided to come along sa plan nitong si Kiel. Wala akong ganang mag-ayos pero nagsuklay lang ako and some powder bago umalis ng bahay. Hindi ko maintindihan dito kay Kiel kung saan ako dadalhin, basta daw surpresa.

Habang nagmamaneho siya ay nagpapatugtog lang din ng vibes na music niya habang ako tulala, malalim ang iniisip at hindi parin matanggap ang mga nangyari.

"Hindi kapa ba nagugutom?" tanong ni Kiel.

Hindi ako sumagot, tahimik lang akong tumingin sa kanya at ibinaling ulit ang tingin sa bintana ng sasakyan.

"San mo gustong mag drive-thru? Order anything you want, my treat!" Maganang pagaalik niya.

Namamangha narin ako dito kay Kiel at parang nababasa na niya ang body language ko. Masakit narin ang ulo ko dahil sa gutom kaya tumango nalang ako.

"Fine, let's go here nalang. Order anything sabi mo ha?" biro ko kahit matamlay ako.

"Oo, Sagot ko. Ako'ng bahala sayo" ngiti niyang sagot sa akin.

He drove his car right infront of the order machine.

"Goodmorning, what are you having for today mam/sir?"

"I'll have 2piece chicken with fries and drinks, and an add-on of sundae" order ni Kiel para sa sarili niya.

"That would be all sir?"

"Ako naman, isang super meal lang tsaka combo 1" order ko naman para sa sarili ko.

Nakuha na namin kaagad ang order namin at uminom naman nang kaunti si Kiel ng drinks niya bago kami umusad papunta sa kungsaan man ang pupuntahan namin.

Ramdam kong masaya ang vibes ni Kiel kaya napapangiti narin ako sa kanya gawa narin ng music na pinatutugtog niya.

"We're here na, Tanya" Paalala ni Kiel.

Pansin kong nasa sementeryo kami ngayon, at hindi lang basta sementeryo. Sementeryo ito kung saan inilibing si James. Ano bang balak niyang gawin dito? Bakit di nalang niya sinabi para naghanda ako. Baka Ijudge pako ni James sa kabilang buhay sa itsura ko ngayong dadalaw kami sa kanya.

Pagbaba ni Kiel ng kotse ay inalalayan niya muna ako makababa bago pumunta sa puntod ni James.

"Why are we here?" tanong ko kay Kiel.

"Basta. Maririnig mo rin naman mamaya kung bakit. Pinaghandaan ko to ilang araw na." Sabi ni Kiel.

Agad-agad na pumunta si Kiel kay James na para bang excited na excited siyang bisitahin si James. Hindi ko talaga alam kung bakit pero may weird na nangyayari kay Kiel ngayong araw.

"I'm hungry na kakain nako. Sorry James, kahit dalawa tong order ko, kakainin ko parin to gutom talaga ako." Pabiro kong bulong sa puntod ni James.

Ramdam na ramdam kong magaan ang loob ko ngayon. Alam kong di pako nakakamove on pero parang nung bumisita kami ni Kiel ay nakaramdam ako ng paggaan ng pakiramdam. Natanggalan ako ng alalahanin kahit di ko alam kung anong pinagaalalahanan ko.

Sa isip-isip ko, binabantayan naman ako ni James sa kahit na saan kaya kampante na ako. Tanggap ko nang wala na siya kasi mahal ko siya.

Maya-maya'y kinain ko na ang nilibre ni Kiel sa akin. Nilantakan ko na agad ang mga inorder ko at kinain ko ang mga iyon na para bang di ako kumain ng isang buwan. Gutom na gutom talaga ang tiyan ko.

"Pwede na baa ko magsalita ngayon?" tanong ni Kiel na siyang dahilan para titigan ko siya na parang ewan.

"Pwede ka namang magsalita anytime, parang sira to. Kumakain lang ako, ano ba sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Yung hinanda kong speech HAHAHAHA" tawa niyang sagot.

"Okay heto na. James, Tanya, Alam kong Sagrado ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa. Alam kong kahit anong mangyari, mahal ka parin ni Tanya, James. Pero ngayon, gusto ko sanang hingin sa'yo ang kamay ni Tanya para ligawan siya. Oo James, ako na ang bahala kay Tanya, magmula ngayon kung pahihintulutan mo lang. Sana'y maging si Tanya ay pabor sa sinabi ko. Gustong gusto ko siyang mahalin at alagaan dahil kaibigan kita at gusto ko siya. Yun lang" Nakangiting sabi ni Kiel at nag-bow pa.

Nagulat ako sa mga sinabi ni Kiel. Gusto niya yon? Alam kong gwapo siya, matangkad, matalino, moreno, at habulin ng kung ano-ano pero yun? ANO YUN? 

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now