CHAPTER 14

12 2 0
                                    

Nagdaan ang ilang mga araw at hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa Date na kagagawan ni James. Hindi ko maisip na magagawa niya yun all-at-once. Hindi kasi halata sa kanyang magagawa niya yun. Inosente kung mapapansin siya sa itsura niyang bare face, matingkad na balikat, at pagiging handsome nerdy niya.

Pumasok ako ng araw na ito at napansing may mga letter sa ibabaw ng mesa ko. Nang maupo ako ay nilingon ako ni James at nginitian.

"Goodmorning Tanya" bati sakin ni James sabay ngiti at harap sa pisara.

Nginitian ko lang din siya at tiningnan ang mga letters na nakakalat sa lamesa ko. Tiningnan ko isa-isa kung kanino galing ang mga 'yon. Merong sulat galing kay Cedric, isa kay Sir Mike, isa kay James, at isa kay Kiel.

"Pati si Sir Mike may letter?" tanong ni Nick sa'kin nang madungaw na may letter sakin si sir Mike. Tiningnan ko siya at nginitian. "Para sa akin oh, hindi sa'yo" biro ko sa kanya.

Nagsimangot si bakla, ani niya'y umasa siyang sa kanya ang letter na nakuha ko eh hindi nga niya makausap si sir Mike nang diretso. Tinago ko muna yung mga letter sa bag ko at sinimulan nang makinig sa teacher.

Nang matapos ang klase ay binigyan ko ng part sa paper sina James, Kiel, Nick, at Cedric. "Ikaw na sa SOP James, then gawin mo yung Methodology Kiel. Ikaw naman Ced ay sa Ethical Considerations and other stuff na pang validate sa paper natin. Kami n ani Nick sa ibang parts and para magawa na nating lahat ung chapter 3 at matapos na hanggang 5. Dismiss" sabi ko nang tapusin ang meeting.

Nakatambay lang kami sa isang circular bench sa ilalim ng puno habang gumagawa ng paper. Nakakonek kami sa Hotspot ni James para magawa ang paper namin. Yes dito kami gumagawa sa school kasi alam kong di namin magagawa ito sa bahay kasi wala si Cedric dun. Though, nagpupunta naman sina Kiel sa bahay kaya di ko na tinuloy na doon gumawa.

"Bakit ba si Nick ang gusto mong kahati sa gawain, pwede namang ako?" pabirong tanong ni James kaya tinitigan kami nina Cedric.

"Naku! Research muna. Mamaya na ang landian!" Hirit ni Nick na nakakaalam ng Kissing scene namin ni James.

Tinitigan ko lang si Nick at nagets niya agad na gusto ko siyang patahimikin kaya tumawa lang to. Habang sina Kiel naman ay nakatitig lang pero tuloy na gumagawa ng study.

"Im so tired na Tanya, pwede bang sa ibang araw nalang ituloy to? May practice pa kami nila Miggy sa banda" hirit naman ni Kiel.

Part sila ng banda at naipalam ko na siya kay Miggy kahit na siya ang leader. Hindi pwedeng iba muna ang ipriority nila kasi gusto kong matapos na itong study na ito.

"Naipaalam na kita Kiel. Kaya please, do your Job muna before ka magpractice" Paunawa ko kay Kiel. Agad naman siyang sumimangot at tinuloy ang pagreresearch.

Ilang oras ang nakalipas at halos tapos na kami sa mga parts namin. "Look, I'm done na. Kaya please? Can I go now?" ani Kiel. Tumango ako at pinayagan na siya at agad namang kinuha ang katabing gitara at umalis. "Thankyou Tanya! See you!" sabi nito.

"Una narin ako Tanya, pinapatawag ako ni Ms. Jessie - Important daw" Paalam ni Cedric.

"Umuwi naba si Pres?" tanong ko.

"Oo, basta ewan. Ako ang pinapatawag. See you!" sabi ni Cedric sabay lakad palayo.

Kaming tatlo nalang nina Nick ang naiwan at busy padin silang dalawa na matapos ang mga parts nila habang tinutulungan ko si Nick sa parts namin. "Patapos narin tayo sa wakas!" hirit ni Nick.

"Chapters 1 and 2 palang tayo Nick ha? Baka nakakalimutan mo?" Patawa kong tanong sa kanya at siyang itinawa niya rin. Tinapos na namin ang mga draft parts namin sabay na nagligpit ng gamit. Maging si James ay nagliligpit din at tapos narin daw siya sa part niya.

"Uwi na tayo guys ha?" paalala ko.

"Ah sige una na-" putol na sabi ni Nick nang singitan ni James.

"Hatid na kita, Tanya" sabi ni James.

"Ayy talaga naman! Oh siya, una nako talaga. Goodbye lovebirds!" Bulyaw ni Nick.

"Ano kaba! Walang kami sira!"

"Papunta naman na dun, hindi ba?" tanong ni James. Natawa nalang kami ni Nick at sabay namang alis ni Nick sa harap namin.

"Want to eat out, Tanya?" Alok ni James habang naglalakad kami palabas ng Campus.

"Uh, not for now James. Naghihintay sila sa akin sa bahay" dahilan ko. Gustuhin ko mang makasama ulit siya ay marami akong gawain sa bahay.

"Can I atleast send you home? Y'know, dala ko yung car as always" Aya niya. Hindi na'ko makatanggi sa aya niya kaya dumiretso na kami sa sasakyan niya nang tumango ako at pumayag na magpahatid.

As we ride home, hindi mapatid ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung awkward o sadyang wala lang gustong magsalita. Pansin ko rin na kanina pa siya tap nang tap sa manibela, animo'y nagpapatugtog sa isipan.

"About that kiss, Tanya" Finally! Napatid din ang silence HAHAHA.

"hmm? Anong meron?" tanong ko.

"Sorry, I wasn't thinking. I was enjoying the night and masyado akong nadala ng kasiyahan ko kaya nahalikan kita, and I'm sorry" he explained.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumango lang ako at ibinaling ang tingin sa labas na parang nagbi-busy-busyhan sa nakikita sa labas. Well infact ay iniisip ko din ang mararamdaman ko sa kiss na iyon.

It was my first time kiss. And that kiss is really weird. Hay! Basta, di ko nalang muna iisipin ang nangyari at magfocus nalang sa mga dapat gawin gaya ng research na siyang kamember ko rin don.

Nakarating na kami sa bahay at bumaba na'ko ng sasakyan.

"I was supposed to open the door for you" sabi ni James.

"Ahh Kaya ko naman, salamat nalang" sabi ko sabay lakad papunta sa gate. Pumasok nako bigla nang di siya hinaharap. Hindi ko alam bakit ako ganito. Siguro naguguluhan si Author! Ikaw author ha!

(Caliber96_): Pinagsasabi mo jan? Ano ba kasing gusto mong mangyari din?

Ewan ko sa'yo, ikaw tong writer eh. Ba't di ikaw ang magdecide?

(Caliber96_): Bakit ako ang pinagdedecide mo? Eh binuo ko lang kayo. Mas Magandang ikaw mag-isip ng kapalaran mo, ano?

Kapalaran? You wrote that scene for Heaven's sake tapos ako magiisip ng kapalaran ko? NAKO! Kung katabi kita baka nasapak kita.

(Caliber96_): So anong gusto mong gawin ko?

Gusto mo ako masunod?? Sige, para ipaalam ko muna sa'yo. Nalilito nako sa nangyayari! I'm so Curious!! Bakit kasi ang aga aga ng kwento, may kiss na agad?! I mean it was good but it was hella out of nowhere!

(Caliber96_): But you liked it naman diba?? *Eye rolled*

Ugh! Ikaw pa may ganang umirap? Excuse me, for your information hindi ako basta-basta dapat nagpapadala sa lalaki! Make me an independent woman!

(Caliber96_): Okay fine! The past had been written kaya wala kanang magagawa sa kiss na iyon. Ang dapat na gawin mo ay magfocus na sa sarili mo! Sige isusulat ko nalang sa mga susunod na kabanata na independent ka. So, from now on Tanya, you will decide for yourself, okay? Gusto mo naman iyon.

NO! I just want to protect myself, malay mo sa mga susunod na chapter diba umiiyak nako? Kaya ingatan mo'ko as your female lead, okay?

(Caliber96_): K fine!

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now