CHAPTER 6

15 2 0
                                    

Naglalakad na'ko palabas ng school nang makita kongpalapit sa direksyon ko si Kiel.

Agad niya akong hinarangan at kinausap. "May I talk to you, Ms. Flores?" tanong niya sakin.

"Tungkol naman saan?" pasinghal kong tanong.

"Ito naman ang sungit, may itatanong lang ako." Sagot niya sakin. Naupo kami malapit sa puno ng mangga. "As the new Ms. Hiraya, wala kabang balak na sumali sa mga clubs here sa school?" tanong ni Kiel.

"I mean no offense ha, maganda ka saka mukhang mabait at influencial so bakit hindi mo itry sumali sa mga clubs with such unique campaigns?" Dugtong niya. Pansin na kinukumbinsi niya ako pero wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyan.

"Well baka hindi ko pa time Kiel." OMG! Did I just slipped that? First name basis na agad kami eh hindi naman kami close ni Kiel? Sh*t inulit pa.

"Wow. You called me by my first name huh? No one did that since I was nominated as the VP of SSLG." Bungisngis na sabi ni Ezekiel. Nagtakip ako ng mukha nang marealize ang sinabi niya.

"Hala sorry omg, nakakahiya Mr. Zamora" Pakumbaba kong sabi.

Hinimas niya ang aking balikat, "It's okay Ms. Tanya, you can just call me Kiel. I kinda like it" Sabi niya.

Nginitian ko nalang siya, nagpaalam narin ako sa kanya kaya hinayaan niya akong tumayo at umalis na sa pwesto namin. Habang papalakad ako, nagiisip ako na: Sa dami ng clubs dito sa skwelahan, anong sasalihan ko. At kung sasali ako, pwede bang next school year nalang? Ang dami pang gagawin this last semester of First Years eh!

Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan kong nagtatalo sina mommy at daddy pero natigil ito nang makita akong pumasok sa bahay. Tiningnan ako nang masama ni Mommy, as usual. And si Daddy naman ay inasikaso ako.

"Oh nak, kain kana muna ha?" Sabi ni Daddy at sabay na umalis sa hapag kainan. "Di kaba sasabay dad?" Habol na tanong ko. Mukhang hindi niya narinig at pumasok na sa kwarto nila mommy. Kataka-takang lagi nalang ganun si mommy, may problema ba sila?

Natapos nakong kumain, niligpit at hinugasan ko na ang kinainan ko. Nakita ako ni Daddy kaya nilapitan niya ako. "Anak, kamusta school? Kamusta ka naman?" Tanong niya sa'kin.

"Wala naman Dad, as usual may mga klase kami and ngayon nga po ay may mga bago kaming pag-aaralan kaya mas challenging haha" Sagot ko nang nakangiti sa kanya. Kitang kita sa mata ni Dad ang kaunting luha na hindi ko maintindihan.

"Dad?" Hirit ko nang mapansing umiiyak si Daddy, niyakap niya ako bigla at humagulgol. "Anak, mahal na mahal kita. Kaya sana kahit na anong mangyari ay di mo ako iiwan ha? Mangako ka." Umiiyak na sabi ni Daddy. Niyakap ko siya nang mahigpit at ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko siya.

"Daddy naman, don't be like this. Pinapaiyak mo naman ako. Bata pako, walang mangyayari at hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita Dad!" Sabi ko naman sa kanya. Nagyakapan kami nang mabasag ni Daddy ang katahimikan.

"Basta anak, pasensya na baka nagdadrama lang ang Daddy mo" Sabi niya.

"Nagdadrama ka jan" Biro ko at nagtawanan naman kami.

"Oh sige na, matulog kana. Weekend man bukas pero alam ko mag-aaral ka parin sa kwarto mo." Hirit sakin ni Daddy. Tumango nalang ako sa kanya at nagpunta na sa kwarto ko. "Goodnight Dad! I love you!" Sabi ko sa kanya. Tumango siya at sumagot nang. "I love you most anak!".

--------------------

KINABUKASAN. Nakita ko si Daddy na umiiyak sa Sala, pansin ko din na pinunasan niya din agad ang luha niya nang makita akong bumababa sa hagdan.

"Oh gising ka na pala Tanya" Bati niya sakin. Tinabihan ko siya sa sofa.

"Anong nangyari Dad?" tanong ko. Tumulo nanaman ang luha niya.

"S-si mommy, si Tita, si Mommy Amor mo k-kasi ano." Nauutal na si Daddy pero naguguluhan ako, Mommy tapos tita? HUH?!!

"I-iniwan nako ni Amor!" Biglang bumuhos lalo ang luha ni Dad. Naiyak narin ako sa narinig ko pero di maalis sa isip ko ang mga salitang mommy at tita.

"Dad, ano ba kasing ibig niyong sabihin sa tita? Ano ba naguguluhan nako" Taranta kong tanong kay Dad. Hinarap niya ako at tiningnan, mata-sa-mata.

"Hindi mo tunay na ina si Amor." Sabi ni Dad. Napatayo ako sa sinabi niya.

"Kaya ba siya galit na galit sakin kasi hindi pala niya ako anak? Daddy anong ibig sabihib nito? Halos lunukin ko ang mga ginagawa kong Mabuti para sa kanya kasi hindi niya yun naaappreciate tapos di ko pala siya nanay? So ano, pagkakamali ba'ko?" Galit na mga salita at tanong ko kay Daddy.

Umiiyak na kaming dalawa. Umiiyak ako sa galit, habang umiiyak naman si Daddy sa lungkot at takot sa akin. Naupo akong ulit sa tabi niya at ayoko siyang matakot sa galit ko. "Dad im sorry that I shouted, but please clarify things with me please." Sabi ko sa kanya nang mahinahon.

"Hindi ka pagkakamali anak." Yan ang tanging salitang narinig ko sa kanya. Niyakap lang niya ako matapos kaming magkausap. Bumaba na ang tension naming dalawa, at napaisip ako: Huwag na huwag na siyang babalik dito. Nasaktan na niya ang Daddy ko, at maging ako na nasasaktan na niya noon pa sa hindi niya pagpansin sa akin yun pala di niya ako anak? Huh, tama lang na iniwan niya kami, wala siyang kwentang ina at asawa.

Pinainom ko na si Daddy ng tubig para lalong kumalma, sa sobrang pagod niyang umiyak ay nakatulog ito. Baka hindi rin siya nakatulog kasi mukhang puyat siya kakaisip. Ayokong nakikitang ganto ang daddy ko. Mahal ko siya kaya hindi ko talaga siya iiwan kahit anong mangyari mahal ko siya.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now