CHAPTER 18

4 2 0
                                    

Hindi ko parin maisip na may kapatid ako kay mama. Should I call her mama? Hindi naman siya nagpakananay sakin nung buhay pa ang Daddy. Erase-erase-erase muna sa isip yan at madami pang dapat isipin bukod diyan.

Bago kami umuwi ni James ay nag-aya muna siyang kumain sa JolliQueen kaya kumain muna kami. Libre daw nya kaya umorder ako ng isang meal at isang side na makakapagpabusog sakin at gutom ako. Heto nanaman ang ngiti niyang nakakadala kaya napangiti din ako.

Tahimik kaming kumakain at nang matapos ay umalis na kami para makauwi. Naglakad kami ni James papuntang terminal at pumila.

"Pwede naba manligaw, Tanya?" tanong ni James.

Sobrang out-of-nowhere yung tanong niya at andaming tao sa paligid kaya tinakpan ko yung tenga ko. Hindi ko siya sinasagot sa tanong niya at dumiretso ako nang pasok sa Jeep. Siya naman nagbayad ng pamasahe namin.

"Huy, bakit ka naman nagmamadali?" tanong niya ulit.

"Ano kaba? Nasa labas tayo tapos bigla bigla ka nalang magtatanong nang ganyan?" sabi ko nang pasinghal pero pabulong.

Hindi na siya umimik at nagkibit balikat nalang sa sinagot ko. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok nako at nagpaalam na sa kanya. Umalis na rin siya after ko siyang pagsaraduhan ng gate. Pumasok ako sa bahay at napansin kong may extrang tsinelas sa harap ng pinto.

Agad akong pumasok sa loob at nakita si Kiel doon.

"Oh anong ginagawa mo dito? Wala naman tayong gagawin sa school at wala pang pinapaga si Miss?" tanong ko.

Tiningnan niya ako sa mata, mula ulo hanggang paa na parang nagtataka sakin. Binaba ko muna yung dala kong mini-bag at pagod nako kaya kumuha ng tubig sa ref.

"Sa'n ka galing?" Tanong ni Kiel.

"Jan lang sa labas, why?"

"Sa labas? Ganyan ang porma mo?" tanong niya sakin nang nakatingin sa suot kong maong shorts na stripped, at pink na top.

"Ano naman? Bakit ka nga nandito?" iritang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang baso ko. Nilapag niya yon sa lamesa at tiningnan ako ulit. Hinalikan niya ako. Nanlaki ang mata ko at nasampal ko siya.

"Sorry! B-bakit mo kasi ginawa yon! Siraulo ka ba ha?" tanong ko.

"I like you Tanya, for heaven's sake! Bakit di mo alam yon? Diba nagbigay naman ako ng letter sayo?" sabi niya.

Natigilan ako nang marealize ko na hindi ko pa nababasa ang letter niya sa akin. Napapikit ako nang maisip ko yun. Hindi ako aware na gusto niya ako. Hinila ko siya sa sala para paupuin.

"Pwede bang kumalma ka? Hindi ko pa nababasa yung letter mo!" sabi ko sa kanya.

"Ngayon ako nalang magsasabi kaysa basahin mo. Tanya, Gusto kita simula nang makita kita dun sa bench kasama ang mga kaibigan mo. The day na pumasok akong nakamotor? Nakita na kita at mangha ako sa gandang taglay mo. Hindi ko alam bakit ako nahumaling sa'yo. Katunayan, nagpalipat ako ng section just to be with you. Ngayon naman, ikaw tong panay iwas sa akin. Gusto kita at handa akong ligawan ka Tanya." Sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko." Napalunok ako.

"Hindi mo kailangan magsabi, makinig ka lang sa sasabihin ko. Handa akong mahalin ka, alagaan ka, itrato ka nang tama, at higit sa lahat ay handa akong maging kasangga mo sa lahat ng bagay." Dagdag pa niya.

Namula ang pisngi ko nang halikan niya ako ulit. Hindi ko siya magawang itulak o hampasin dahil nalalasing ako sa halik na binibigay niya. Kulang nalang ay mahubad niya ang panty ko. Mas matagal na halik ang binigay niya sa akin.

"Mahal kita Tanya. Kaya sana hayaan mo akong ligawan ka" sabi niya nang matapos akong halikan.

"Hindi ko alam Kiel, it's not that easy. Nanliligaw din sa akin si James at hindi ko rin siya magawang payagan na ligawan ako" paliwanag ko.

"Edi hayaan mong ligawan ka namin. Ikaw nalang ang bahalang sagutin ang gusto mong sagutin" sabi ni Kiel.

Hindi ko na talaga alam ang isasagot sa mga sinasabi niya. Ramdam ko ang sinseridad niya sa mga sinasabi niya pero ayokong masaktan ang sinuman sa kanila. Hindi ko nga alam ang gagawin ko at ngayon ko lang to naranasan o naramdaman sa buong buhay ko.

Nag-aaral lang ako nang maigi para makapagtapos pero may pagdadaanan pala akong ganito? Ano nalang ang gagawin ko? Ayokong makasira ito sa mga aralin ko, ayokong bumagsak nang dahil sa love.

"Hindi kita kailanman sasaktan, ibubuhos ko lang sayo itong clingy and loving side ko Tanya. Kaya please? Let me court you for a while" sabi ni Kiel.

Tumango nalang ako as a 'yes'. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Napatingin ako sa paligid at mukhang wala si Nick. Naririnig ko kasing naglalaro nanaman si Bryan sa room niya. Buti nalang ay hindi lumalabas.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now