CHAPTER 3

18 2 0
                                    

I entered the class the next day, and syempre as usual tatabi ako kay Nick kasi siya lang naman seat mate ko. Pumasok na si Ms. Jessie ang aming butuhing adviser. "Okay class, Goodmorning!" Bati niya sa amin, na agad naman naming sinundan ng "Goodmorning Ms. Jessie".

"Nakarating sa akin na dalawa daw ang pambato ninyo para sa Ms. Hiraya ngayong taon ah?" Bungad samin ni Ms. Jessie. Napalingon nalang ako sa ibang kaklase naming at nagkakatitigan ang ilan sa amin.

"Miss baka pwedeng pagbotohan nalang kung sinong isasalang sa Ms. Hiraya?" Aba nagprisinta ang muse na si Kherxien. Tumango naman si Ms. Jessie.

"Okay, sino-sino ba ang pambato ng klase?"

"Sina Kherxien at Tanya po!" sabi ni Cedric

"Ooh, Ms. Tanya?" Kita sa mukha ni Ms. Jessie na gusto niya akong isalang pero ayoko talaga. Naiilang ako kasi nginingitian lang ako ni Miss.

"Okay sinong pabor na sumalang si Kherxien?" tanong nito at kitang kita na iilan lang ang nagtaas ng kamay kasama na dito ang kaibigan niya.

"Sino naman ang pabor na sumalang si Tanya?" tanong ulit ni Ms. Jessie, ngayon mas madaming nagtaas. Sa sobrang hiya ko napayuko ako sa table naming. "Okay, Tanya puntahan mo si Miggy sa Office ngayon at sabihin mong ikaw ang isasali ng section natin ha?" Sabi ni Ms. Jessie na agad ko nalang sinunod.

Habang naglalakad ako sa Corridor ng Building, Nakita ko si Kiel. Oo yung gwapong hot, at chinito pala sa malapitan. "Where are you heading to, Miss?" tanong nito sa'kin.

"Sa Office, kitain ko daw si President Miggy sabi ni Ms. Jessie" Sagot ko sa kanya. "Wala si Miggy ngayon sa office, follow me." Sabi naman ni Kiel. Sinundan ko siya hanggang sa napadpad kami sa isang room na walang katao-tao kaya ang lamig kasi bukas ang aircon.

"Ano palang sasabihin mo kay Miggy?" tanong niya habang tinitingnan ako mula paa hanggang sa ulo ko. "A-ako daw kasi yung sasali sa Ms. Hiraya para sa Section naming VP Kiel." Sagot ko. Tumaas ang kilay nito sa gulat.

"Kilala mo'ba ko?" tanong niya, "Sa bagay VP nga pala ako ng School." Dugtong niya.

"Di naman talaga kita kilala" bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun?" Taas kilay niyang tanong.

"Ahh wala, ano pabang gagawin ko?"

"Fill up ka dito, tapos alis kana" Inabot niya sa aking ang list of form at sinagutan ko iyon. Umalis nako at pumunta na sa room. Yumuko akong pumasok at umupo na sa upuan ko.

"Oh Kamusta?" tanong ni Nick.

"Wala, nagpafill up lang sa office si Kiel" Sa gulat ni Nick sa sinabi ko ay napahiyaw ito at narinig ni Ms. Jessie.

"Ano yun Mr. Questro? Bakit humihiyaw ka riyan?" tanong ni Ms.

"Ahh wala po Ms. Jessie, sorry po" Pagpapakumbaba ni Nick.

"Te are you serious?? Nakausap mo nang harapan si VP???" OA na tanong nito sakin, tumango ako bilang sagot ko sa tanong niya. Patuloy na kinikilig si akla hanggang sa natapos ang 2 hours na klase namin kina Ms. Jessie at Mrs. V.

Nagsilabasan na kami at Nagsiuwian.

Three weeks of preparation, Competition na kinabukasan. Dinala na nila Nick ang mga isusuot ko for Formal Suit, Sports Ramp, and Evening Gown. Dala dala nila ang magagandang designs ng mga isusuot ko for the stage.

"For sure mananalo kana niyan sis." Pambobola ni Nick

"Oo nga! Ang ganda ganda mo oh!" Dugtong ni Frida. Nagtatawanan nanaman kami sa backstage at binihisan na nila ako. Minadali nila nag make up sakin pero ang ganda parin ng gawa. "3 minutes to curtain ladies" Sabi ng coordinator.

Tumayo nako sa kinauupuan ko. Nagsimula na ang Ms. Hiraya 2024. Nirampa na namin ang aming mga Formal Attires, ikinembot ko talaga ang aking mga hips para pak na pak. Sumunod ang Sports Ramp at suot ko ang Golf Suit ko sabay reveal ng halos maikling short at naghiyawan ang mga manonood.

Hanggang sa dumako na sa Last Portion, ang Q&A. And the question is...

"If you are going to win this Pageant, what will you do with your win?" Sinagot ito ng naunang candidate sa'akin.

"My Pamili, my famili, ohh may God. Im so sorry. I told you dat im so confident, heto, amm wait ha-ha-ha-haa. If I win, I will donate to organizations and Will use my award to make awareness of myself, Thank You!" Nagtawanan at nagpalakpakan ang mga tao sa sagot niya.

Ako na ang susunod at same question lang din ang tanong. "If you are going to win this Pageant, what will you do with your win?" Ang tanong ng Host.

"If I win this one, I will give inspiration to everyone who's lacking of self confidence. I will encourage them to do what's right and do whatever can make them happy because that's how you face your fear, just to enjoy what you do and be happy with the result whatever is the outcome! Thankyou!" Bonggang sagot ko at Nakita kong nagpapalakpakan ang mga tao at may Standing Ovation pa sa mga Judges kaya napatakip ako sa aking bibig sa sobrang tuwa.

Iaannounce na ang winner, sa sobrang ayaw kong marinig ang result, napapikit ako at tinakpan ang tainga, "Sis ikaw yung nanalo!!" Sigaw sakin ng kandidatang katabi ko. Napalingon ako sa mga host, nakatingin sila sakin at iaabot ang korona.

Kumaway ako sa mga manonood at agad na nagpasalamat. Natapos ang Competition at masayang sinalubong ako nila Bryan, Frida, at Nick. Niyakap ako nang mahigpit ni Bryan. "JOWA??" OA na joke ni Frida. "Congrats!!" Sabay nilang bati sa akin. "Salamat! Di ko inaasahan to mga be!" Matuwa-tuwa kong sab isa kanila.

Kumain kami sa labas bago nagsiuwi. "Salamat guys ha?" Sabi ko sa kanila at nagpaalam na. Pag-uwi ko ay nakasalubong ko si Daddy na naghihintay at nagtataka bakit ako late umuwi.

"Anak, bakit ngayon kalang at ano iyang korona na nasa ulo mo?" Tanong nito na may ngiti sa mukha. "Ah Dad sorry nalate ako ng uwi, nanalo ako sa Pageant sa school yung Ms. Hiraya 2024. Ako po ang Bagong Ms. Hiraya! Kumain kami sa labas nila Bryan kaya po ginabi, sorry po." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang sakin si Daddy, kinuha ang mga bitbit ko at pumasok na kami sa loob. Nakatingin nanaman nang masama sakin si Mommy. "Hayaan mo na yan anak, diretso nalang tayo sa kuwarto mo." Sabi sakin ni Daddy. Hinalikan ako ni Daddy sa noo, "Goodnight anak, and congratulations! Keep it up! Goodnight." Sabi nito sa akin.

Napangiti ako ni Daddy dahil napakasupportive niya sa akin magmula nung bata ako. Talagang mahal na mahal niya ako. Kaya mahal na mahal ko siya, ang hindi ko lang talaga maintindihan ay si Mommy.

Kinuha ko ang CP ko, tadtad ng notif ang phone ko na puro pagpupuri mula sa mga kaklase ko sa Group Chat namin kasama si Ms. Jessie. "Sabi sa inyo mananalo yang si Tanya eh" "Congratsss Tanyaa!" "Good Job Sis" Mga bati nila sa akin sa GC.

"Oh congrats kay Ms. Tanya! At dahil diyan, susunod na ang isa pang semester ng inyong pag-aaral. Magbabago na ang mga subjects niyo at kailangan na naming magpaalam dahil di na namin kayo matuturuan. Ngunit mababait naman ang mga papalit na guro ninyo. Ang iba ay mananatiling guro ninyo ngunit ako ngayon ay Adviser nalang. Lastly, may mga bago kayong kaklase. Goodnight Everyone!" Announcement sa amin ni Ms. Jessie.

Bagong subs, teachers, and CLASSMATES??? WHA-

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now