CHAPTER 26

3 1 0
                                    

We slept for few hours and gumising na para mag check out. Hindi ko akalain na ito ang first check-in at first boombayah ko. Masyado nakong naooverwhelm sa mga first times ko, kakaiba na itong mga ito.

I got up, and checked my phone after kong maligo nang makita kong nagboblow up ang notifications. Una kong napansin ang chat ni Nick.

*Teh! Ano to? (photo)*

"I- I don't know."

*Anong I don't know, ikaw lang nagsabi sa akin na magchecheck in ka. Bakit may post na si 'you know who' na kasama ka? Kilala ko yang balikat mo oh*

"Look, he followed me here kaya ganyan ang nangyari okay?"

*Baka naman may nangyari na?*

"Manahimik ka nga pwede ba? Tsaka ano? Kalat na ba yan? Di ba nakakahiya"

*Nakakahiya? Ate gorl, you're now in a relationship with the most attractive individual in Hiraya High School! Anong nakakahiya dun? Dapat nga matuwa ka pa*

"Ayokong pagpiyestahan sa school Nick alam mo yan"

*Ako'ng bahala sayo, I gotchu!*

"Fine."

Napahawak nalang ako sa noo ko sa mga nangyari. Naiinis ako na natutuwa kay James dahil sa ginawa niya. OO gusto kong I-launch as someone's Girlfriend pero hindi yung wala akong consent. Pero nakakatuwa parin.

"ooh baby, you're up na pala?" Greet sa akin ni James.

"Baby amp, corny pero bahala ka" sabi ko sa kanya.

He stood up and look into my eyes while grabbing my back.

"Hindi mo ba gustong matawag na baby?" He smirked.

"I- I don't know. Masyado lang mabilis ang mga pangyayari. Hindi ka nga nagpaalam na ipopost mo ako!" sigaw ko sa kanya.

"Don't worry Tanya, People know that I love you. And you're mine now so wala na silang magagawa don kaya wag ka masyado mag alala" James assured.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin dito sa lalaking ito, may pagka greenflag na redflag din eh, halo halo na. Pero kung ano man ang mangyari ay nandito nako, I answered him and I told him na I love him kaya wala nang bawian. I do love him, no lies.

Nagligpit na kami ng gamit namin at bumaba para magcheck out.

"Thankyou for staying with us!" Greet ng frontdesk.

Nginitian ko nalang sila habang si James nauna sa car para ayusin ang gamit namin at para pagbuksan ako ng pintuan. Sumakay naman ako at sinuot na ang seatbelt para diretso na uwi.

"Ohh dito ang daan pauwi sa amin James" I told him nang malagpasan niya ang way papunta sa bahay.

"Oh sorry, I didn't tell you? I'm bringing you home tonight kasi may family dinner kami."

Hindi na ako nakasagot at kinilig sa inuupuan ko, todo kapit naman ako sa seatbelt ko habang nakatingin sa bintana.

"Don't worry, I told them na kasama kita." He told me while massaging my legs.

"Okay." Sagot ko naman.

Nakaidlip ako sa byahe namin, nagising akong nasa skyway kami. Nang tingnan ko si James ay gising-na-gising siyang nagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay niyang kanina pa nakalagay sa legs ko.

"Are you good? Di kapa ba inaantok? Ang haba naman yata ng byahe natin James? Malayo paba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, pero just continue your sleep, I'll wake you up pag nakarating na tayo sa amin." He said.

So natulog ulit ako nang mahaba kasi sobrang pagod ako. Nang makatulog ako bigla namang gising ulit kasi ramdam ng katawan kong nagpapark na ang kotse. Natural na sakin yun kapag nakasakay sa kotse ni Dad before.

"I was about to wake you up, nandito na tayo baby" sabi niya sa akin while removing my seatbelt.

Bumaba siya ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. Kinuha niya naman ang mga gamit sa likod ng car sabay na naglakad kami papasok ng bahay.

"Ang laki ng bahay niyo James" sabi ko sa kanya nang may pagkamangha.

"Yeah it is, and please call me love sa loob ng bahay para naman mukhang official na talaga tayo. Ayokong pagusapan tayo ng tita kong newspaper, so yeah just be careful sa loob and be yourself." Paalala niya sakin sabay kiss bago pumasok sa loob.

"Welcome iha! Pasok ka, Ilagay mo yang mga gamit niyo Nak sa kwarto" Bati ng mama ni James sa amin.

Naupo nalang ako sa sofa while the other family members are busy chitchatting and prepraring for dinner.

"Are you James' Girlfriend?" tanong ng isang babae.

"Ah yes po, pleasure to meet you po" Nginitian ko siya sabay kuha ng kamay niya para magmano. Lumapit din ako kay tita para magmano.

"Aba mabait na bata. Tama talaga ng napiling nobya itong si JaJa"

"Ahh- JaJa po?" tanong ko.

"JaJa ang palayaw ni James sa amin nung bata pa siya. Ang cute niya kasi noon, at ngayon ay lumaking gwapo at matipuno." Sagot naman sa akin ni Tita.

"Ah Babe! Come here." Tawag sa akin ni James.

Nagexcuse ako para puntahan si James at maupo sa upuang inalok niya sa akin.

"I told you, that's her. Tita Nicole. She's feisty so be careful mylove" Bulong niya sa akin at halik niya sa aking buhok.

Naupo siya sa tabi ko at nagsimula nang magdasal si tita sabay kumain na kaming lahat nang sabay sabay.

"So you are the first girl na ipinakilala sa amin ni James" bungad na sabi ni Tita Nicole habang kumakain ang lahat.

"Matino kabang babae?" tanong niya ulit.

"Tita please." Sabi naman ni James.

"Opo, okay po ako. And I'm sure na matino din naman po ako sa mata ni JaJa at ni tita?" sabi ko naman sa kanila.

Nagtawanan sila nang gamitin ko ang palayaw ni James. Kitang-kita ko sa mukha ni James na ayaw niyang gamitin ko iyon kapag nariyan siya. Kaya nginitian ko siya as my sign of sorry pero natatawa parin ako.

Nang matapos ang lahat kumain, Nagligpit na sila habang kinakausap ako ng mama ni James.

"So iha, ano naman ang nagustuhan mo kay James?" tanong ni tita.

Ikinuwento ko sa kanila ang pagiging consistent ni James sa mga bagay-bagay gaya sa studies and sa panliligaw sa akin. Hindi siya humihinto hangga't di niya nakukuha ang gusto niya kaya nagusutuhan ko siya.

Nagtatawanan nalang sa saya ang lahat nang tumayo si James at tapusin ang usapan.

"Bale, dito napo kami ma. Sa kwarto na po muna kami magpapahinga. Pagod kami pareho gusto naming makabawi ng pahinga." Paalam ni James.

Pinayagan naman kaming pumunta na sa kwarto at magpahinga.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now