CHAPTER 34

4 1 0
                                    

Gustuhin ko mang intindihin ang point ni Kiel, hindi ko parin maisip kung possible ba ang gusto niya. Im not rejecting Kiel, it's just that Im not yet healed from this, whatever this is.

Ayokong mahalin ako ni Kiel dahil lang sa sinabi niyang mahal niya si James at gusto niya ako. Para kasing responsibilidad yon pakinggan para sa akin. Kung mamahalin man niya ako, dapat yung mahal niya talaga ako at hindi lang basta dahil kay James.

Napatingin nalang ako kay Kiel at ngumiti sa kanya, hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kanya ngayon at nasa harap pa kami ni James. Natutuwa lang din ako na ganun ang gusto ni Kiel.

Nagpaalam na kami kay James at naglakad lakad sa paligid ng sementeryo dahil kapansin pansin din naman ang gandang taglay ng lugar. Hindi mo nga aakalaing sementeryo ito dahil sa ganda ng landscapes.

"Uhm, Kiel?" pagtawag ko sa kanya.

"Yes?" sagot naman niya sakin habang nakataas ang parehong kilay.

His stare makes me even softer at nakakababae lalo ang mga titig niya. Hindi ko maintindihan pero ang gwapo niya pag nakaquestion face siya.

"I wonder if genuine yung mga sinabi mo kanina? I mean, no offense." I asked him.

He smiled at me and said, "Yes. Genuine yung paalam ko kay James. Noon pa man gusto na kita Tanya. Talagang nagpaubaya lang ako sa kanya kasi alam kong mahal na mahal ka ni James"

Napatango ako nang marinig ang sagot ni Kiel.

Ramdam na ramdam kong sincere ang paghingi niya ng kamay ko kay James kanina. Sa isip-isip ko, malapit lang naman ang place ng tomb ni papa dito, dinala ko siya doon.

"Where are we, Tanya?" tanong niya.

Tinuro ko yung puntod na nasa harap namin.

"Here's my Dad. I am letting you see him"

Kita ko sa mga mata niyang napapangiti ko siya. Gusto niya rin sigurong makita ang dad ko pero yun nga wala narin siya.

"Hi po tito, alam ko pong lagi kayong nakabantay kay Tanya pero gusto ko pong ipaalam sa inyo na kahit wala na ang bf niya nandito po ako. Maaasahan niyo po ako."

Napangiti nalang ako nang marinig ko iyon habang nakatingin ako sa kanya. Napakasincere talaga ni Kiel noon pa man.

Lumayo ako saglit para masabi ni Kiel ang mga gusto niyang sabihin kay dad nang siya lang ang nakakarinig, giving him the privacy that he needs to gain confidence to tell my dad what he wants to tell him.

While waiting for Kiel, I heared him approaching towards me kaya nilingon ko na siya. He's smiling, na para bang gumaan ang pakiramdam niya.

"So, san na tayo ngayon?" tanong ko.

"Wanna go out?" he asked.

"San naman tayo pupunta?"

"Kakain sa labas. It's a Date, and my treat. G ka?"

"Fine, im hungry na din naman. Tara"

Naglakad na kami pabalik sa kotse at pinagbuksan niya nanaman ako ng pinto.

He drove his car for almost quarter of an hour at nakarating na kami sa isang fine dining dito lang din malapit sa school. He parked his car and opened the door for me.

"Thank you" pasasalamat ko.

"You're welcome" sagot naman niya at pumasok na kami sa loob ng diner.

Pansin na kilala agad siya ng guard, siguro ay nagbook na siya bago pa niya ako ayain kumain sa labas. Dumiretso kami kasunod kami ng isang waitress na nagassist sa amin papunta sa isang private room.

"Elegant talaga? Pwede naman sa fast food ah?" tanong ko sa kanya.

He smiled.

"Fast food din naman to, kinda? Mabilis sila magserve eh" tawa niya.

I laughed with him nalang and waited for the menu to arrive. But, little did I know, pagkain ang dumating. Hindi lang basta basta pagkain, sosyal talaga na parang libo ang halaga.

"Grabe naman to. Hindi ba masyadong mahal to? First time kong kumain ng ganito" pagkamangha ko sa mga nakahaing pagkain.

"Hindi kapa ba natreat ni James sa mamahalin?" tanong niya.

"Natreat na pero hindi sa ganito ka mahal. Yung expensive dine-in namin siguro noon is sa bgc lang" sabi ko sa kanya.

"Sorry kay James, pero I am here na to let you experience these things. Sana di ka mabigla"

"Oh no, its okay. Thanks sa treat, Kiel" pagpapasalamat ko.

Kumain kami habang nagkukwentuhan tungkol sa mga plano namin after ng Senior High. As usual, mageenroll for college and magpupursigi para makapagtapos.

Pero dahil sa kinakainan namin, feeling ko kahit di na magcollege si Kiel eh makakaraos siya sa buhay. Ang yaman niya pala kasi.

After few sets of meals ay nabusog nako na kahit desert ay di ko na inabot.

"Are you done? Madami pa sana tayong food." Pagaalala ni Kiel.

"Yeah I am full enough, napakasarap ng mga pagkain eh. Busog na busog nako" sagot ko naman sa kanya.

"Uhh, excuse me. Bill out please?" pagtawag ni Kiel sa isang waiter.

Inabot nang pagkatagal-tagal ang staff na iabot ang bill kay Kiel kaya nakita ko nalang si Kiel na naglalakad na palabas ng Diner.

"Just send me the bills. Let's go Tanya" pagmamadali ni Kiel.

"Are you sure? Mababayaran ba kinain natin? Ayokong maghugas para magbayad uy" sabi ko sa kanya.

"Alam na nila yun, tsaka we're running late na rin kasi may next pa tayong pupuntahan. Yes I have a surprise for you" sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakapagtanong at madaling-madali na talaga siya. 

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now