CHAPTER 8

14 2 0
                                    

Dumaan ang ilang araw matapos mawala si Daddy, hindi ko parin maisip kung sino ang makagagawa sa kanya ng bagay na iyon. Hindi ko matanggap na ang kaisa-isang taong nagmamahal, sumusuporta at umiintindi sakin ay wala na.

Nagmumuni-muni lang ako sa bahay nang biglang tumawag sa cellphone ko ang isang unknown number. Sinagot ko ito.

"I've heard what happened to your dad Tanya, he deserved what he got kaya siya namatay" Dinig kong sabi sa telepono nang sagutin ko ito. Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko, alam ko kung sino yung nagsasalita.

"Wala ka na ngang kwentang asawa, hindi moa ko tinrato bilang anak mo, may gana kapang magsalita nang ganyan. May hiya pa'ko sayo dahil ikaw ang asawa ng tatay ko pero p*ta naman! Wala kang awa?" Galit na sambit ko sa telepono. Nanginginig na'ko sa galit sa Amor na yan.

Hindi niya na nga kami tinrato nang tama ng daddy ko, ganito pa siya makipag-usap sakin. Ano bang nagawa namin sa kanya para bastusin niya kami? Patay na ang Daddy ko at nagawa pa niyang siraan sakin?

"I'll be sending you a location, puntahan mo yun or hindi mo malalaman ang mga bagay na dapat mong malaman." Dugtong ni Amor sa sinabi niya. Hindi agad nag sink in sa akin ang sinabi niya. Nakita kong tumatawag sila Nick sa akin.

"Kamusta ka jan?" tanong ni Nick.

"Okay kalang ba jan Tanya? Do you need us to be there?" tanong naman ni Bryan. Naka group call kami kaya sabay nila akong kinakausap. Napasuggest si Bryan na puntahan ako na agad kong tinutulan.

"No, I'm going somewhere kaya wag na kayo pumunta" Sabi ko sa kanila at binaba na ang tawag.

Nagpunta nako sa location na sinabi ni Amor sa akin, malapit lang ito sa bahay mga isang sakay at kaunting lakad. Nakasalubong ko si James.

"Oh Ms. Tanya, what are you doing here?" tanong niya sakin pero di ko sinagot, nagmamadali ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko.

"Ano ba? Close ba tayo para hawakan mo'ko?" Singhap ko sa kanya. Inirapan ko ito at hindi naman siya nagpatinag, kinausap parin niya ako.

"Tinatanong ko lang kung anong ginagawa mo dito" sabi ni James.

"May pupuntahan ako, may kakausapin. Kailangan ko na umalis." Sambit ko kay James. Binitawan niya naman ang braso ko at agad nakong naglakad. Nang makarating ako sa isang coffee shop malapit sa isang chapel, luminga-linga ako sa loob ng shop.

Agad na tinawag ng isang babae, dalaga, maputi, at makinis ang balat - Pinuntahan ko ito at naupo sa tapat niyang upuan.

"Kilala ba kita?" tanong ko.

"Hindi, pero pinadala ako ni Mommy dito." Sabi niya sa'kin. Sinasabi ko na nga ba't may something na off talaga sa Amor na iyon.

"Anak?? Seryoso kaba?" tanong ko. "Eh wala namang anak yun, baog yun sabi ng Daddy ko" Dugtong ko. Nakita kong gulat siya sa sinabi ko.

"Ano?? Teka, ano kaba ni Mommy?" Dudang tanong niya.

"Wala, dahil asawa lang siya ng Daddy ko." Sabi ko naman sa kanya.

"Do you mean we're sisters? I'm the eldest daughter of Amor Torino Flores. Oh wait, she's now widowed so Amor Torino nalang. I'm Keisha Torino by the way" Sabi niya at inalok ang kamay niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. "So bakit nga kailangan kitang kitain?" tanong ko agad sa kanya kaysa maguluhan sa mga nangyayari.

"Gusto lang pasabi ni mommy na ayaw niya lang na magkaanak with your Dad. No offense but your Dad doesn't look good daw. And isa pa, they are always fighting daw kasi madalas may tumawag sa daddy mo." Kwento niya. Binigyan ko siya ng confusing look kaya patuloy siyang nagpaliwanag.

"Do you know who's calling your Dad these past few days?" tanong niya. Napailing naman ako as a 'NO' answer.

"It's your Mom Tanya" She said. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at tumayo. "You wanna know the truth? There's the truth that you wanted, I'm outta here" Sabi niya at bigla nalang umalis.

Hindi ko pa nakukuha ang katotohanang gusto ko. Ang gusto ko malaman ay kung sinong may gawa ng pagkamatay ng Daddy ko! Sa sobrang inis ko ay nagdabog ako palabas ng Coffee Shop at nagulat nanaman ako nang makita si James sa labas.

"Oh, tapos na pala kayo?" Sabi niya.

"Sinusundan mo ba'ko? Stalker ka no?" Sabi ko.

"Ako? Stalker? In your dreams Tanya. I was spectating your conversation with that woman. I've almost heard what you're talking about. Ano ba kasi yun?" Confused na tanong ni James.

"Si Keisha daw yun, anak ng Step Mother ko. Kung hindi pa sila nag-away nung isang linggo, hindi ko pa malalaman na Step Mother ko lang siya". Sinabi ko lang din sa kanya ang mga napag-usapan namin.

"I didn't even get the answer kung bakit namatay or sinong pumatay sa Daddy ko." Dugtong ko. "Condolences Tanya" Pagluluksang bati niya.

We talked for minutes and inabot na kami ng hapon. Naglalakad-lakad lang kami sa harapan ng chapel nang maalala ko ang sinabi ni Keisha. "Do you know who's calling your Dad these past few days? It's your Mom Tanya"

"I need to find that Woman." Sabi ko na alam kong narinig ni James.

"Who?" Tanong niya.

"Ang mommy ko James, sinabi ng girl na yun na madalas tumawag si mommy kay daddy these past few weeknights. Baka dahil dun nag-away sila ni Amor 'my step mom'." Paliwanag ko kay James. Agad siyang tumango at pinagsabihan ako.

"Just keep safe Tanya, and update me when you find the truth that you need" Sabi niya sa akin. Tinitigan ko siya nang may pagkagulat, nginitian niya lang ako.

"Stop smiling, nakakairita James" sabi ko at lalo lang niya akong nginitian.

"Masasanay ka din Tanya, Step-by-step kang masasanay sa ngiting to" Hirit niya. Dahil sa sinabi niya, para bang nakalimutan ko ang mga bagay na nangyari ngayong araw. Palagi nalang tuwing ngingiti si James ay nawawala ang mga bagay sa isip ko at laging nagp-play sa isip ko ang mga ngiti niya.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now