CHAPTER 28

3 1 0
                                    

*FEW WEEKS LATER*

Kasama ko sila Nick at Bryan dito sa house para lang mag marathon at kumain ng mga gusto namin. Syempre nag ambagan kami hindi pwedeng ako lang ang may bayaran dito. Enjoy naming napapanood ang mga movies nila Sarah G., Toni G., at iba pang mga artists.

We also watched some kdramas and international movies na gustong gusto naming binabalikan kasi para kaming mga batang nanonood ng cartoons.

Hindi ko mawari pero parang iba ang ngiti ni Nick na halos hindi na tungkol sa movie ang pagngiti niya.

"Ante, okay kalang? Masyado kang nakangiti eh horror pinanonood natin right now" tanong ko sa kanya.

"Hindi, kasi ano" pabitin niya.

"Ano nga?" pamimilit ko.

"Wala, natutuwa lang ako na Leon's been taking care of me since sagutin ko siya." Sagot niya sa akin while smiling over the moon.

"Masyado ka nanaman palang masaya kaya ka ganyan" biro ni Bryan.

"Eh ano naman? Palibhasa inggit ka" Pabalik na biro ni Nick.

"Oh tama na baka magsuntukan pa kayo, matalo kapa Nick" biro ko naman sa kanila.

"Ewan ko sa inyo basta may dinner kami mamaya ni Leon, dadalhin niya ako sa pinakasosyal na dining dito sa Hiraya" Excited niyang kwento.

"Enjoy" sabay na bati namin ni Bryan sa kanya, kaya natawa nalang kami.

Habang nanonood kami ay panay ang titig ko sa cellphone ko at nagiintay ng message ni Kiel pero si James ang panay ang update. Napansin naman ako ni Nick kaya napapikit ako.

"Kanina kapa jan ah? Ba't di mo nalang puntahan?" tanong niya.

"Sino? Si James ba?" tanong ni Bryan.

"Hindi, si Kiel. Last week pa nagaalala to kay Kiel eh" Paliwanag ni Nick.

"Hehe, nice joke Nick." Biro ko.

"Seriously Tanya, he's so down after what happened. Para ngang mas patay na patay pa siya sayo kaysa si James eh." Paliwanag nanaman niya.

"How can you say na mas gusto ako ni Kiel, kaysa mas gusto ako ni James?" tanong ko dahil nalilito ako sa sinabi niya.

"Ganito, sinong nandiyan nung wala kang kasama sa camp noong magisa ka bago ka sugurin nung Andrea na yon? Diba si Kiel?" tanong niya.

"Oh?" sabi ko naman.

"Sinong nagligtas sayo nung napahamak ka sa ilog? Diba si Kiel?" tanong niya ulit.

"Oh" sabi ko na may halong pagiisip na.

"Lastly, sinong nagdala sa'yo sa ospital? Si Kiel din Tanya, kaya gagawin niya lahat para sayo. Naunahan lang siya ni James na magbayad ng hospital bills that day kaya nanghihinayang siya. Tapos ngayon ganyan nangyari sa kanya." Lalong paliwanag ni Nick sa akin.

Hindi ko alam pero parang naguguilty ako. Kiel and I are friends pero ganon naba kalalim ang napagsamahan namin para masaktan ko siya nang ganon?

"Tama na Nick, masyado mong pinagiisip si Tanya eh. May James na nga diba?" sabi naman ni Bryan.

Nanahimik nalang bigla si Nick at sumandal sa kinauupuan. Hindi ko magawang ipaliwanag din kay Nick ang nararamdaman ko, ang alam lang niya hayahay akong inlove kay James.

"Fine, I'll meet Kiel. But just to give him the closure that he wants." Sabi ko sa kanilang dalawa after few minutes of silence.

Hindi na ako sinagot ni Nick at nagpunta na siya sa kwarto niya. I heard him whispering pero di ko na pinansin. Alam kong nagaalala lang siya for me.

Nagbihis na ako para puntahan si Kiel. I rode a taxi papunta sa bahay nila. Bumaba nalang ako malapit sa bahay nila then doorbelled on their house. Her mom approached me.

"Ayy tita, mano po" I asked and then nagmano na ako.

"Ba't naparito ka iha? Wala dito si Kiel" sabi niya sa akin.

"Po? Nasan po siya?" tanong ko.

"Hindi ko din alam, try asking his friends baka gumimik sila. Alam mo naman sila Miggy diba pati si Tristan panay ang gala nila kasama ang anak ko." Sabi sa akin ni Tita.

"Ahh okay po, sige po alis na po ako, Magandang gabi po ulit" bati ko kay tita sabay alis na para hanapin sila.

I grabbed my phone para itext or ichat sila Miggy.

"Miggy, where are you? Kasama mo ba si Kiel?" Delivered 23 mins.

After some minutes nasa isang convenient store lang ako. Waiting for Miggy na sagutin ang chats ko.

"Sorry sa late reply Tanya, but we're here sa isang bar kasama ang Student Councils. We're meeting here and celebrating narin" he responded.

"Celebrating? Meeting? Sa bar? WHAT??" I asked.

Hindi na ako nagreply ulit. Pinuntahan ko na agad ang Bar na sinasabi ni Miggy sa akin. Hinarangan ako ng Guard na pilit akong pinaaalis. Naghintay lang ako ng ilang saglit para makatiyempo pero di parin talaga ako pinapapasok.

"Let her in." Dinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Si Tristan lang pala, the Treasurer of the Student Council.

"Thankyou Tristan. Now where's Kiel?" I asked him nang makapasok na kami sa loob.

"There, sa stage" Turo niya naman sa stage.

Nandun nga si Kiel, pansin na pansin kong lasing siya, as in lasing. He grabbed the mic and started talking.

"I wanted to play, or no-no-no. I wanted to sing this uh song b-because uhmm. Because, huh? Bakit nga baa ko nandito? Anong silbi ko? HAHAHA Basta kakantahin ko to kasi nasasaktan ako" He shouted the last words before the guitar started playing.

He's so hyped up na maging mga friends niya mga high na din. Hindi naman siguro sila nagdudrugs, sadyang mga lasing lang at dinadamayan si Kiel.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now