CHAPTER 30

3 1 0
                                    

Nagmessage agada ko kay Nick na di ako makakauwi kasi didiretso ako kina James. Panay naman ang tanong niya kung bakit so sinabi ko sa kanya.

"Sino maghahatid sayo dun?" tanong ni Nick.

"Magcocommute nalang ako. Basta bahala na pupuntahan ko siya kahit ano mangyari." Sabi ko kay Nick.

"Ikaw bahala, girl mag-ingat ka." Paalala ni Nick sa akin.

Nagmadali nakong pumunta kina James kahit gabing gabi na at halos walang masakyan, ginawan ko ng paraan. Hanggang sa makarating na ako kina tita. Panay ang doorbell ko sa kanila pero walang sumasagot.

"Iha, wala sila diyan. Nasa hospital malapit sa munisipyo" sigaw sa akin ng kapitbahay.

"SALAMAT TE" Sigaw ko pabalik. Nagtrycicle nako papuntang ospital at nang makarating doon ay kinausap na ang frontdesk.

"Miss, saan ang room ng patient na si Silvestre?" Tanong ko.

"Room 403 po" sagot naman sa akin ng frontdesk.

"Thankyou!" pasalamat ko habang nagmamadaling magelevator papunta sa room nila James.

Kumatok ako agad sa room na iyon at sabay pasok. Nakita ko si Tita Tess (mother ni James) na natutulog sa kamay ni James.

"Tita?" tapik ko sa balikat ni Tita.

"Nakarating ka na pala anak" bati sa akin ni Tita at tumayo para paupuin ako sa upuang inuupuan niya.

"Sige ikaw na muna ang magbantay sa kanya" dugtong niya.

Ngumiti lang ako kay tita at lumabas na siya ng patient's room. Napaluha nalang ako nang makita si James na halos nanghihina at walang kibo. Ayoko ng ganito. Ayokong makitang magkasakit si James. Ayokong isipin na nahihirapan siya kasi pati ako nahihirapan.

"Bakit ang daya mo? Bakit di mo sinabi? Ilang araw tayong magkasama tapos ganiyan? Bibiglain mo akong may sakit ka? Sobra naman to mahal. Bakit?!" naiinis, nagagalit, nagngingitngit kong tanong sa kanya.

Alam kong naririnig niya ako kahit na he's in coma now pero ayoko nitooo. Ayokong hindi ko siya maramdaman. Ayokong nakikita siyang nakahiga na alam kong may sakit siya. Pleasee, LORD Huwag muna. Gusto kong maikasal sa kanya.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pero this time, hindi siya dumidilat. Maya-maya'y hindi na siya mahigpit at nanghihina ulit.

Lalong bumuhos ang luha ko. Inaalala ko lang na ang lakas lakas niya nitong mga nakaraang linggo pero ngayon ito, nakahiga siya sa ospital.

Habang umiiyak ako, pumasok ang doctor.

"Uhmm, where's Mrs. Silvestre? Who are you Miss?" tanong ng doctor.

"I am the patient's girlfriend." Sabi ko sa doctor.

"I am Doc Alvin, your partner's Oncologist." Bati ng doctor.

"Oncologist po?" tanong ko naman. Curious ako sa doctor. Ano ba talagang sakit nitong si James at parang sobrang formal ng Doctor. NO kidding.

"I am your partner's Leukemia Doctor – Oncologist." Sagot ni doc sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya, Leukemia? Ganon ang sakit ni James. Hindi ko maintindihan. Saan niya kaya nakuha yun? Naluluha nalang ako baka mamaya hindi siya maka survive pero ayokong isipin baka lalo akong malumpo sa lungkot.

"I have some news for the patient, We can run some tests pero we're not 100 percent sure na mapapagaling natin siya. We must believe in fate. Sana lang magawa namin ang lahat para gumaling si sir." Reassurance ng doctor.

Nginitian ko lang ang doctor at nagpasalamat nang iabot niya ang envelop na may lamang papeles ni James.

Hawak ko palang ang envelop naiiyak na ako, what more if I check it? Kaya itinabi ko yung envelop sa table sa tabi ng bed niya. Habang hawak ko ang kamay niya, Pinagdadasal kong gumaling siya, lumakas siya, at gumising na siya kasi hindi ko na kinakaya. Sobra nakong naaapektuhan.

Gusto ko ng kinabukasan na kasama ko si James. Mahal kita kung alam mo lang kaya please lumaban ka. Ayokong isiping lalaban ako magisa, Samahan mo akong lumaban dito James please.

After some days, James is still in coma. Pagod akong maghintay pero hindi ako mawawalan ng pag-asang gagaling si James. Mahal niya ako at hindi niya ako iiwan. Noon pa man ramdam ko nang hindi niya ako lulubayan kaya dito pa kaya? Na may sakit siya? Im sure di niya ako iiwan.

"Iha, kumain ka muna. Ilang days ka nang hindi kumakain." Alok sa akin ni Tita Tessie.

"Sige po tita." Simpleng sagot ko kay Tita.

Nagpunta ako sa cafeteria ng hospital. Naupo sa isang table at kumain ng pagkaing inorder ko. Pero kahit anong ipilit ko, di ko makain nang maayos yung pagkain. Sobra parin akong nagaalala kay James.

Walang ano-ano, umalis ako sa kinauupuan ko. I need some fresh air kaya lumabas ako sa garden ng Hospital. Pinanonood ko lang ang mga bata at matatandang patient na buhay na buhay at nakakatakbo sa paligid. Yung mga matatanda naman inaalagaan ng mga anak nila. At ako ito nagiisa sa paglalakad.

Gustuhin ko mang igala si James pero hindi pwede.

Sa sobrang tahimik ng utak ko, hindi ko na napansing may missed calls sa akin si Nick.

*Ante Kamusta ka jan? Nabalitaan ko mga ganaps jan are you okay?*

"I don't know. Ang dami kong iniisip ngayon kaya please not now Nick"

*Fine. We're going there so jan na tayo magusap*

Hindi na ako sumagot sa chat niya nang sabihing papunta na sila dito.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now